
Paano Maiwasan Ang Almoranas?
Maraming mabisang gamot sa almoranas sa panahon ngayon. Bagama’t madalas itong mangyari, importante pa ring gawin natin ang makakaya upang maiwasan ang almoranas. Narito ang iilang mga pwedeng gawin para mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng almoranas:
Kumain ng mayaman sa fiber na pagkain
Makakatulong ang fiber sa pag iwas sa almoranas dahil ito ay nagpapalambot at nagpaparami ng dumi. Dahil dito, mababawasan ang strain sa mga ugat sa puwet. Madalas na mababa ang fiber levels ng mga taong nagkakaroon ng sakit na ito. Pwedeng gamot sa almoranas ito kung babaguhin ang diet para hindi mas lumalala ang sakit.
Ilang halimbawa ng mga pagkaing mayaman sa fiber ay mga prutas tulad ng avocado, mga gulay tulad ng broccoli at brussel sprouts, mga whole grain na pagkain at iba pa. Maaari ring uminom ng mga fiber supplements kung kailangan.
Panatilihing malinis ang apektadong parte
Para makaiwas sa impeksyon o iba pang komplikasyon, siguraduhing malinis palagi ang apektadong parte. Ang almoranas ay nangyayari sa ating puwetan, kaya dapat ay paligi natin itong nililinis nang maayos pagkatapos dumumi at kapag naliligo araw-araw. Mas mabuti kung maligamgam na tubig ang gamiting panglinis dito. Kung gumagamit naman ng toilet paper, siguraduhing hindi ito tuyo para makaiwas sa irritation, at wala dapat itong alcohol.
Uminom ng maraming tubig
Bukod sa ibang mga naitutulong nito sa ating katawan, ang madalas na pag-inom ng tubig ay nakakalambot din ng dumi. Kung umiinom ka ng mahigit 8 na baso ng tubig araw-araw ay mas makakaiwas ka sa almoranas dahil lalambot ang iyong dumi.