Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Gamot sa Almoranas

6/25/2023

Paano Mabawasan ang Pamamaga ng Almoranas sa Madaling Paraan

Ang almoranas ay mga ugat na nasa loob o paligid ng iyong puwit na namamaga at nagkakaroon nang pagnanana dahil sa pagtaas ng presyon sa mga ito. Ang kondisyong ito ay maaaring sanhi ng pagbubuntis, pagtitibi, o pagpipilit dumumi sa loob ng banyo.1 Ang mga posibilidad na magkaroon ng almoranas ay maaari ring madagdagan kung may lahi sa inyong pamilya sa pagkakaroon nito, gayundin ang iba pang mga panganib tulad ng labis na timbang o pag-upo nang matagal na panahon nang walang sapat na pahinga o paggalaw.

Base sa mga pag-aaral, pinapakita nito na halos kalahati ng populasyon ay dadanas ng almoranas sa anumang bahagi ng kanilang buhay2 at kung paano, sa halip na maging isang beses na karanasan, ito ay maaaring maging isang patuloy na kalagayan dahil sa paulit-ulit na pagsakit nito.

Mabuti na lamang at may ilang mga paraan para makatulong sa pagbawas nang pamamaga ng almoranas upang maging maginhawa mula sa sakit at maiwasan ang pagdudugo dulot nito.

almoranas

Ano ang nagiging sanhi ng pamamaga ng almoranas?

Ang almoranas ay maaaring magdulot ng sakit na maaaring tumagal ng ilang araw o linggo. Ang almoranas ay sanhi nang pagtaas ng presyon sa mga ugat sa paligid ng iyong puwit. Ang presyong ito ang nagdudulot nang pamamaga ng iyong almoranas kaakibat ang mga sintomas nito.

Ang unang hakbang upang mapapabilis ang pagliit ng almoranas ay ang pagkakaroon nang mas malalim na pang-unawa sa mga sanhi nito. Ang pinaka karaniwang sanhi nito ay ang pagtitibi o constipation,3 kaya kung hindi ka masyadong pumupunta sa banyo araw-araw ay maaring ito ang nagiging sanhi kung bakit namamaga ang iyong almoranas.

Bukod sa pagsubaybay sa regular na pagdumi, maaaring ang pagtitibi ay sanhi ng stress, mababang fiber sa diyeta, kakulangan sa ehersisyo, at kakulangan sa tubig.4

almoranas pain

Pitong tips upang mas mapabilis ang pagpapaliit ng almoranas

Ang pinakamainam na paraan upang mapabilis ang pagliit ng almoranas ay ang pag-iwas sa pagtitibi o sobrang pagpupunas na maaaring magdulot ng pamamaga ng almoranas at pagdurugo nito. Narito ang 7 mahahalagang tips na ligtaas at epektibo na makakatulong sa iyo upang bawasan ang pamamaga ng almoranas.

  1. Dahan-dahang maglagay ng malamig na compress o ice pack sa lugar ng almoranas sa loob ng 10 minuto.
  2. Uminom ng maraming tubig. Sa pamamagitan nito, makakatulong ito sa katawan na maalis ang anumang mga lason na maaaring magdulot o magpalala sa pamamaga.
  3. Siguraduhin na kumakain ka ng masustansyang pagkain at nakakakuha ng sapat na pahinga. Dapat mo rin iwasan ang labis na pagbubuhat nang mabibigat na bagay, na maaaring magdulot ng sobrang stress sa mga kalamnan ng iyong pelvic floor, na maaaring magresulta sa pagkakabuo ng almoranas. Kumain ng pagkain na mayaman sa fiber tulad ng whole grains, oats, prutas, gulay, at legumes upang tulungan na panatilihing malambot at madaling mailabas ang dumi.
  4. Gawin ang mainit at mababaw na sitz bath sa loob ng 10 o 15 minuto. Maaari nitong ma-relax ang lumalalang almoranas at mabawasan ang sakit at makatulong na bumaba ang pamamaga at makaramdam ng kaginhawaan.
  5. Maging aktibo. Bagaman dapat pa din mag-ingat sa mga pisikal na aktibidad na maaaring makadagdag ng pwersa sa pelvic floor (tulad ng pagbuhat nang mabibigat) na maaaring maging mas magpalala ng iyong namamagang almoranas. Mayroong mga banayad na ehersisyo tulad ng mga Kegel pelvic exercise 5 at pag-angat ng mga binti habang nasa inidoro na maaaring makatulong sa pagpapagaan nang iyong pagdumi na magpapabawas ng pamamaga ng almoranas.6
  6. Iwasan ang stress. Ang stress ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa ating kalusugan at maaaring magdulot ng paglala ng almoranas. Kung nais mong mas mabilis na mawala ang iyong almoranas, mas mainam ang meditative relaxation kaysa sa stress.
  7. Gumamit ng over-the-counter na gamot. Ang mga oral na venotonic medications ay inirerekomenda ng doktor upang mawala ang mga kaakibat na sintomas ng almoranas tulad ng pananakit, pagdurugo tuwing dumudumi, pangangati sa paligid ng puwit, at hindi komportableng pakiramdam sa puwitan. Huwag mag-atubiling magtanong sa iyong doktor tungkol dito.

Kung patuloy kang nakakaranas nang pamamaga at pananakit dulot ng almoranas, mahalagang komunsulta sa iyong doktor at magtanong tungkol sa mga lunas at paraan upang maiwasan ito.7

REFERENCES

  1. Johannsson HO, Graf W, Påhlman L. Bowel habits in hemorrhoid patients and normal subjects. Am J Gastroenterol. 2005 Feb;100(2):401-6. Song SG, Kim SH. Optimal treatment of symptomatic hemorrhoids. J Korean Soc Coloproctol. 2011 Dec;27(6):277-81.

  2. Song SG, Kim SH. Optimal treatment of symptomatic hemorrhoids. J Korean Soc Coloproctol. 2011 Dec;27(6):277-81.

  3. Johanson JF, Sonnenberg A. The prevalence of hemorrhoids and chronic constipation. An epidemiologic study. Gastroenterology. 1990 Feb;98(2):380-6.
  4. Symptoms & Causes of Constipation. (2022, July 21). National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. Retrieved October 3, 2022, from https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/constipation/symptoms-causes
  5. Lohsiriwat V. Treatment of hemorrhoids: A coloproctologist's view. World J Gastroenterol. 2015 Aug 21;21(31):9245-52.
  6. Ryoo S, Song YS, Seo MS, Oh HK, Choe EK, Park KJ. Effect of electronic toilet system (bidet) on anorectal pressure in normal healthy volunteers: influence of different types of water stream and temperature. J Korean Med Sci. 2011 Jan;26(1):71-7. 
  7. Lohsiriwat V et al. Hemorrhoids: From basic pathophysiology to clinical Management World.

2024