Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
Gamot sa Almoranas
1/11/2024
Almoranas at Pagbubuntis: Sasagutin ang Lahat ng mga Tanong
Ang almoranas, na mayroong expanded veins na matatagpuan sa loob o labas ng lower rectum, ay marahil isa sa mas karaniwang kondisyon para sa atin, dahil na rin sa ilang mga pag-aaral na nagpapakita na ang posibilidad na maranasan ang sakit na ito sa isang yugto ng ating buhay ay tila katulad sa pag-ikot ng isang barya.1
Kung ang pagpipilit dumumi araw-araw ay ang isa sa mga dahilan nang almoranas, hindi na kataka-taka kung ang pisikal na pangangailangan nang pagbubuntis at pangaganak ay madalas na nagdudulot ng almoranas. Sa katunayan, ang pagbubuntis ay lumilikha ng napakalaking intra-abdominal pressure kung saan nabubuo ang almoranas na nakukuha ng hanggang sa 35% ng mga kababaihan.2
Noong 2005, isang pag-aaral ang isinagawa sa Serbia at Montenegro dahil sa mga alalahanin sa mga komplikasyon mula sa mga hindi nagagamot na almoranas na nakikita sa pangalawa o pangatlong pagbubuntis ng mga kababaihan, kung saan ang bilang ng mga may almoranas ay umabot na sa 85%.3
Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin ang mga pangunahing sanhi at sintomas ng almoranas habang nagbubuntis, at kung paano ito gagamutin at maiiwasan.
Ano ang mga sanhi ng almoranas habang nagbubuntis?
Tulad ng almoranas na nangyayari kahit hindi buntis, may iba’t-ibang mga sintomas ito—depende sa kung anong uri ng almoranas (external at internal) ang mayrooon ka. Gayunpaman, ang pinakahalata, hindi komportable, at masakit na mga sintomas ng almoranas habang nagbubuntis na karaniwang nararanasan pag may external hemorrhoids ay:
- Pangangati, pananakit, at hindi komportableng pakiramdam dulot ng almoranas
- Pamamaga o paglaki ng almoranas
- Pangangati sa paligid ng puwet
- Dyschezia (mahirap na paglabas ng dumi)
- Pagdurugo (na matingkad ang kulay) ng pwet
Ang mga sintomas ng almoranas habang nagbubuntis ay inaasahang mangyayari, o unang mapapansin, sa ikatlong trimester. Maaari rin silang lumanas pagkatapos manganak at lalo na kung ito ay vaginal deliveries.4 Ang almoranas ay maaaring mawala sa loob ng ilang linggo.
Bagaman hindi pa ganap na nauunawaan kung ano ang sanhi ng almoranas habang nagbubuntis, maraming pag-aaral na nagtuturo sa ilang mga potensyal na dahilan nito. Bukod sa simpleng dagdag na abdominal pressure na ipinapasa sa rectal veins dahil sa lumalaking matres, maaaring madagdagan ang posibilidad ng pagsulpot ng almoranas dahil sa kombinasyon ng mga kadahilanan na kasama ang:
- Pagbabago sa hormones at pagtaas ng presyon ng dugo – na maaaring magdulot nang paglawak o pagbuka ng mga ugat.
- Pagtitibi o Constipation – na nagpapalala ng almoranas at maaaring magresulta sa pagsumpong nito.4
Habang dumarami ang mga pag-aaral, mataas din ang kaso ng constipation tulad ng dyschezia - na iniuulat na nakakaapekto sa halos kalahati ng mga babaeng buntis5 –kasama ang late o traumatic delivery, ay itinuturing na dalawa sa pangunahing independent risk factors na konektado sa almoranas.6
Natuklasan ding ang panganib ng pagkakaroon ng almoranas "ay diretsong kaugnay sa dami ng mga pagbubuntis at panganganak”,4 ayon sa parehong pag-aaral na nagsasabing tumataas ng halos 8 na beses ang panganib ng pagkakaroon ng almoranas ang panganganak.
Paano gamutin ang almoranas habang nagbubuntis
May iba't-ibang inirerekomendang paraan para gamutin ang almoranas na maaaring magbigay ginhawa, bawasan ang mga sintomas, at pabilisin ang paghilom nito. Ang mga ito ay mula sa simpleng pagbabago ng iyong pamumuhay at mga bagay na maaari mong gawin sa bahay, hanggang sa mga pinagkakatiwalaang cream at oral medications na maaaring irekomenda ng iyong doktor, batay sa mga detalye ng iyong kaso. Gayunpaman, sa maraming kaso at bilang isang pag-iingat, mas mabuting iwasan ang paggamit ng mga gamot habang nagbubuntis, maliban na lamang kung ito ay nireseta ng iyong doktor.
- Magbabad sa sitz bath. Mainit na paliguan na abot lamang sa iyong balakang at puwet.7
- Pag-inom ng maraming liquids na maaaring labanan ang constipation at nakakatulong upang bawasan ang discomfort.9
- Pag-iwas sa pagpahid sa puwet, sa halip ay marahang kuskusin ito at pumili ng moist toilet paper o wet wipes8
- Paggamit ng malambot na pads na may witch hazel na ipupunas sa puwet.9
Humingi ng payo sa iyong doktor para sa mga partikular na gamot na itinuturing na ligtas gamitin habang nagbubuntis.10
Tingnan ang artikulong ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa senyales ng almoranas na nagsasabi sa iyong oras na para pumunta sa doktor.
Paano maiiwasan ang almoranas habang nagbubuntis sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong pamumuhay
Base sa ating mga nalaman, ang almoranas ay karaniwang nangyayari lalo na kapag ang pagbubuntis ay malapit nang matapos. Gayunpaman, may ilang mga payo at pagbabago sa pamumuhay na inirerekomendang gawin mula sa maagang yugto ng pagbubuntis upang maiwasan ang paghihirap dulot ng almoranas.
- Pag-eehersisyo at pagiging aktibo. Iwasan ang mahabang panahon ng pag-upo na maaaring magdagdag ng presyon sa mga ugat sa puwet at magpapalala ng hemorrhoidal discomfort.10
- Pagkakaroon ng sapat na fiber sa iyong diet. Mula sa prutas, gulay, whole grains at oats, o sa pamamagitan ng fiber supplements. Tuklasin kung anong diet ang dapat kainin kapag ikaw ay may almoranas.11
- Paggawa ng Kegel exercises habang nakahiga nang pakaliwa. Dahil ang mga ito ay eksaktong nakatuon sa mga kalamnan sa pelvic area, na maaaring makatulong sa pag-iwas ng almoranas.12 Upang gawin ang Kegel exercises, siguruhing puno ang iyong pantog at pataasin ang iyong mga kalamnan sa pelvic floor ng limang segundo. Pahingahin ang mga kalamnan ng limang segundo at ulitin ito ng lima hanggang 10 beses.13
Ang pagbabago sa mga gawi sa pagkain, at pagkain ng mas maraming prutas at gulay, kasama ang pagiging aktibo, ay maaaring makatulong upang maiwasan ang almoranas habang nagbubuntis.14 Maaari mong mabasa ang higit pa tungkol sa iba pang mga payo sa gamot at pag-iwas ng almoranas.
Paano mapapagaling ang almoranas pagkatapos magbuntis
Sa 40% ng mga buntis at mga babaeng katatapos lang magbuntis, ay nahihirapan dulot ng almoranas o anal fissures.16 Para sa mga babaeng nanganak na, karaniwang nangyayari ang almoranas sa loob ng una hanggang dalawang araw pagkatapos manganak, dahil sa:
- Perianal diseases habang nanganganak
- Instrumental delivery
- Pagpipilit umire ng mahigit sa 20 minuto
- Timbang ng sanggol na higit sa 3,800 g (8.3 lbs.)4
Sa pagpapatuloy ng mga inirekomendang pagbabago sa diyeta at pamumuhay na nabanggit sa itaas, dapat itong makatulong sa paggaling ng almoranas matapos ang pagbubuntis, gayunpaman, kumonsulta sa iyong doktor dahil maaari silang magreseta ng angkop na lunas para ibsan ang sakit, mga oral, at topical flavonoid preparations ayon sa iyong kaso.15
Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa gaano katagal ang almoranas, at siguruhing sundin ang iyong doktor upang maiwasan ang chronic hemorrhoidal disease.
REFERENCES
- Riss S, Weiser FA, Schwameis K, Riss T, Mittlböck M, Steiner G, Stift A. The prevalence of hemorrhoids in adults. Int J Colorectal Dis. 2012 Feb;27(2):215-20.
- Staroselsky A, Nava-Ocampo AA, Vohra S, Koren G. Hemorrhoids in pregnancy. Can Fam Physician. 2008 Feb;54(2):189-90.
- Gojnic M, Dugalic V, Papic M, Vidaković S, Milićević S, Pervulov M. The significance of detailed examination of hemorrhoids during pregnancy. Clin Exp Obstet Gynecol. 2005;32(3):183-4.
- Bužinskienė D, Sabonytė-Balšaitienė Ž, Poškus T. Perianal Diseases in Pregnancy and After Childbirth: Frequency, Risk Factors, Impact on Women's Quality of Life and Treatment Methods. Front Surg. 2022 Feb 18;9:788823.
- Poskus T, Buzinskienė D, Drasutiene G, Samalavicius NE, Barkus A, Barisauskiene A, Tutkuviene J, Sakalauskaite I, Drasutis J, Jasulaitis A, Jakaitiene A. Haemorrhoids and anal fissures during pregnancy and after childbirth: a prospective cohort study. BJOG. 2014 Dec;121(13):1666-71.
- Abramowitz L, Sobhani I, Benifla JL, Vuagnat A, Daraï E, Mignon M, Madelenat P. Anal fissure and thrombosed external hemorrhoids before and after delivery. Dis Colon Rectum. 2002 May;45(5):650-5.
- Vazquez JC. Constipation, hemorrhoids, and heartburn in pregnancy. BMJ Clin Evid. 2008 Feb 20;2008:1411
- NHS website. (2021, November 18). Piles in pregnancy. nhs.uk. Retrieved October 3, 2022, from https://www.nhs.uk/pregnancy/related-conditions/common-symptoms/piles/
- Steen, M., Briggs, M., King, D. (2006). Alleviating postnatal perineal trauma: too cool or not to cool? National Library of Medicine
- Staroselsky A, Nava-Ocampo AA, Vohra S, Koren G. Hemorrhoids in pregnancy. Can Fam Physician. 2008 Feb;54(2):189-90.
- Alonso-Coello P, Mills E, Heels-Ansdell D, López-Yarto M, Zhou Q, Johanson JF, Guyatt G. Fiber for the treatment of hemorrhoids complications: a systematic review and meta-analysis. Am J Gastroenterol. 2006 Jan;101(1):181-8.
- Lohsiriwat V. Treatment of hemorrhoids: A coloproctologist's view. World J Gastroenterol. 2015 Aug 21;21(31):9245-52.
- Medline Plus. Kegel exercises - self-care. https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000141.htm Retrieved on the 27th of November 2022.
- Poskus T, Sabonyte-Balsaitiene Z, Jakubauskiene L, Jakubauskas M, Stundiene I, Barkauskaite G, Smigelskaite M, Jasiunas E, Ramasauskaite D, Strupas K, Drasutiene G. Preventing hemorrhoids during pregnancy: a multicenter, randomized clinical trial. BMC Pregnancy Childbirth. 2022 Apr 30;22(1):374.
- Misra MC, Parshad R. Randomized clinical trial of micronized flavonoids in the early control of bleeding due to acute internal hemorrhoids. Br J Surg. 2000;87:868-872.
2024