Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Gamot sa Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

6/13/2023

Gamot sa Almoranas

Ang almoranas o hemorrhoids ay isang karaniwang kondisyon na nakakaapekto sa maraming tao sa buong mundo. Ito ay maaaring magdulot nang pagkaabala, sakit, at pagkairita, na nagiging hadlang sa maayos na pamumuhay ng isang taong mayroon nito.

Subalit mayroong magandang balita. May mga epektibong paraan upang maibsan hanggang sa mawala ang sintomas nito. Sa blog na ito, ating pag-uusapan ang gamot sa almoranas at iba’t-ibang paraan upang tuluyang mawala ito.

ano ang almoranas

Ano ang Almoranas?

Ang mga almoranas ay maaaring mangyari sa loob o labas ng puwit at umurong kapag bumaba ang pamamaga. Ang paggamot ay maaaring depende sa kondisyon. Narito ang iba’t-ibang uri ng almoranas.

 

Internal Hemorrhoids

Ang internal hemorrhoids ay kung saan nasa malalim na parte ito ng puwit kung kaya’t mahirap itong makita. Kung nasa loob ng puwit ang bukol, ibig sabihi’y hindi gaanong malubha ang almoranas. Ngunit kung ito’y nasa malubhang kaso, ito’y maaring humaba at lumaki.1

 

Prolapsed Hemorrhoids

Kapag ang isang internal hemorrhoid ay labis nang namamaga, ito ay lumalabas mula sa iyong puwit, na kilala sa tawag na prolapsed hemorrhoid.1 Ang mga hindi gaanong malubhang prolapsed hemorrhoids ay maaring lumabas mula sa puwit kapag nagpupunas ngunit ito’y uurong nang kusa kapag ika’y nagpapahinga. Samantala, ang malubhang prolapsed hemorrhoids ay nananatiling nakalabas mula sa puwit.

 

External Hemorrhoids

Ito ay lumalabas bilang isa o higit pang mga bukol sa paligid ng iyong puwit. Ito ay maaari mong makita.1

 

Thrombosed Hemorrhoids

Ito’y external o internal hemorrhoids kung saan ang dugo na nasa loob ng puwit ay namuo, na nagdudulot ng pananakit sa external hemorrhoids.1

sintomas ng almoranas

Mga Sintomas ng Almoranas

May iba’t-ibang palatandaan at sintomas ang almoranas na hindi dapat ipagsawalang-bahala.2 Narito ang mga ito:

 

Internal Hemorrhoids

● Walang kirot na pananakit pero mayroong pagdurugo sa tuwing dumudumi

● Matingkad na dugo sa iyong tuwalya o inidoro

● Mayroong bukol na lumalabas mula sa butas ng iyong puwit

 

Prolapsed Hemorrhoids

● Namamagang lumps o bukol mula sa labas ng puwit

Pananakit, pangangati, at nakakapasong pakiramdam

 

External Hemorrhoids

● Kirot o discomfort

Namamaga sa paligid ng iyong puwit

Nagdurugo

 

Thrombosed Hemorrhoids

● Labis na pananakit at pangangati

● Pamamaga at pamumula

● Kulay asul na kulay sa paligid ng apektadong parte

 

home remedies para sa almoranas

Mga Home Remedies Upang Magamot ang Almoranas

Maraming mga paraan upang magamot ang almoranas sa natural na paraan.3 Sa parteng ito, ating aalamin ang mga home remedies na makakatulong upang maalis ang mga sintomas ng almoranas at guminhawa ang iyong pakiramdam.

 

Maligo nang May Mainit na Tubig at Epsom Salt

Ang pagligo ng may mainit na tubig at epsom salt ay makakatulong sa pagpapagaan ng iyong pangangati dulot ng almoranas.3 Kilala sa tawag na sitz bath, maari kang gumamit ng maliit na plastic na palanggana at ilagay ito sa upuan ng iyong inidoro at ibabad ang apektadong bahagi ng iyong puwit.

Maari ka ring maligo sa loob ng 20 minuto. Kung nais mong dagdagan ang Epsom salt sa palanggana habang ika’y naliligo ay ayos lamang. Mas makakapagbigay pa nga ito ng kaginhawaan sa iyong pakiramdam.

 

Cold Compress

Idampi ang cold compress sa iyong puwit upang maibsan ang pamamaga sa loob ng 15 minuto.3 Para sa malalaki at masakit na almoranas, ang malamig na kompres ay maaaring maging lubos na epektibong lunas upang maibsan ang sakit nito.

 

Witch Hazel

Ang witch hazel ay maaaring magpabawas nang pangangati at kirot—na dalawang pangunahing sintomas ng external hemorrhoids.3 Ito’y isang likas na anti-inflammatory kaya makakaasa kang mababawasan nito ang pamamaga ng almoranas.

 

Soothing Wipes

Ang paggamit ng toilet paper matapos ang pagdumi ay maaaring magbigay ng iritasyon sa almoranas. Sa tulong ng soothing wipes, makakatulong ito sa ‘yo na mapanatiling malinis ang iyong puwitan upang hindi lalong mairita ang iyong almoranas.3

Paalala lamang na ang bibilhin mong wipes ay dapat alcohol-free, fragrance-free at walang irritating scents dahil maiirita nito ang almoranas.

 

Maluwag na Damit

Mainam na magsuot ng damit na gawa sa cotton upang mapanatiling presko ang iyong puwit. Sa ganitong paraan, mababawasan ang mga sintomas ng almoranas at impeksiyon nito.3

 

Tea Tree Oil

Ang tea tree oil ay isang antiseptic na maaaring makatulong sa pag-alis ng kirot at pangangati ng iyong puwit dulot ng almoranas. Ito’y makakatulong din upang labanan ang mga bacteria na maaaring magdulot ng impeksiyon sa iritadong parte ng iyong puwit.3

 

Magpatingin sa Doktor

Malubha man o hindi ang iyong nararamdamang sakit dulot ng almoranas, ‘wag mo itong ipagsawalang-bahala. Ang almoranas ay agarang nagagamot ngunit iba pa rin kung magpapa-konsulta ka sa doktor upang mabigyan ka ng over-the-counter na gamot upang maibsan agad ang pananakit.2

 

Bumili ng Pinakamabisang Gamot

Ang unang gamot na inirerekomenda ng mga doktor sa taong may almoranas ay ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay epektibo para sa agarang paggamot sa mga sintomas ng almoranas. Ito ay ginawa upang guminhawa ang iyong pakiramdam at mabawasan ang sakit ng almoranas.

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay epektibo sa pagpo-protekta ng iyong vascular system, para maibsan ang pamamaga at mahinto ang pagdurugo.

Mga Aral

Anuman ang uri ng almoranas na iyong nararanasan, importanteng mayroon kang nakahandang gamot sa almoranas. Ito’y makakatulong upang hindi na lumala pa ang sintomas nito. Sabayan mo rin ito ng mga home remedies hanggang sa tuluyan nang mawala ang almoranas at bumalik sa normal na takbo ang iyong pamumuhay.

Para sa mabisa at mabilisang paggaling ng mga sintomas ng almoranas, subukan ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000)! 

REFERENCES

  1. What Do Hemorrhoids Look Like: Types and More (healthline.com) https://www.healthline.com/health/types-of-hemorrhoids#what-do-they-look-like
  2. Hemorrhoids - Symptoms and causes - Mayo Clinic https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268 
  3. Hemorrhoids Treatment: Remedies, OTC, and More (healthline.com) https://www.healthline.com/health/home-remedies-for-hemorrhoids#home-remedies 

2024