Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Gamot sa Almoranas

7/12/2023

5 Sanhi Ng Pagdudugo Ng Puwet

Ano ang mga sanhi ng pagdudugo ng puwet?

  1. Almoranas
  2. Anal Fissures
  3. Constipation
  4. Anal Polyps
  5. Anal Cancer

Naranasan mo na bang pumasok sa loob ng banyo para dumumi at napansin mo ang kulay pula o itim na dugo sa toilet paper o toilet bowl matapos mong punasan ang iyong puwet? Kung oo, may mga posibleng rason kung bakit ito nangyari at isa na rito ang pagkakaroon ng almoranas.1

Ang pagdurugo ng iyong puwet ay hindi dapat isinasawalang-bahala dahil kapag ito’y hindi naagapan, maaari itong lumala. Sa blog na ito, hihimayin namin ang sanhi ng pagdudugo ng puwet o mas kilala sa tawag na rectal bleeding at kung ano ang mga dapat gawin upang gumaling ito.1 Magpatuloy lamang sa pagbabasa.

Ano Nga Ba Ang Rectal Bleeding o Padudugo ng Puwet?

Ang rectal bleeding ay ang dugong nakikita mula sa iyong puwetan pagkatapos mong dumumi o umupo sa toilet bowl.2 Para sa karamihan, ito ay nakakaalerto at ang isip nila ay agad na lumilipad sa mga posibilidad na sanhi nito. Isa ang rectal bleeding sa mga sintomas ng almoranas.2 Kaya kung ikaw ay nakakaranas ng rectal bleeding, makikita mo ang mantsa ng dugo sa iyong toilet bowl o sa iyong dumi. Nag-iiba rin ang mga kulay nito mula sa matingkad na pula, pulang-pula, at itim na dugo.2

sanhi ng pagdudugo ng puwet

Sanhi Ng Pagdudugo Ng Puwet

Almoranas

Ang hemorrhoids o almoranas ay sanhi ng pagdudugo ng puwet. Ito ay may mga tissues ng blood vessels at muscle fibers.3 May dalawang klase ang almoranas. Ang una ay ang internal hemorrhoids kung saan nasa loob ito ng iyong katawan at hindi ka makakaramdam ng sakit ngunit nagiging sanhi ito ng pagdudugo.3 May mga pagkakataon din na lumalabas ito mula sa iyong puwet. Ang pangalawa naman ay ang external hemorrhoids. Nasa labas ito ng iyong puwet at masakit ito kapag ikaw ay umuupo.3

 

Anal Fissures

Ang anal fissures ay ang maliliit na punit sa lining ng iyong anus na nagiging resulta sa pagdudugo at pananakit ng puwet sa tuwing dumudumi.3

 

Constipation

Isa sa mga sanhi ng pagdudugo ng puwet ay ang constipation kung saan matigas at tuyong-tuyo ang iyong dumi hanggang sa magdugo na ito.3

 

Anal Polyps

Ang anal polyps ay ang paglaki ng mga polyps sa loob at iba’t-ibang bahagi ng iyong katawan.3 Kapag ito ay nabuo sa iyong bituka, asahan mong makakaranas ka ng rectal bleeding. Higit pa rito, hindi ito cancerous.3

 

Anal Cancer

Ang rectal bleeding ay maaring sanhi rin ng anal cancer kung saan kapag nabuo na ang mga tumors ay lumalaki rin ang mga blood vessels hanggang sa mapunit ito at magdugo.3

 

senyales ng rectal bleeding

Mga Sintomas Ng Pagdurugo ng Puwet

Ang pinaka sintomas ng rectal bleeding na maaaring makita ng isang taong nakakaranas nito ay ang dugo sa toilet tissue o dugo sa kanyang toilet bowl. Kaya naman importanteng kilatisin ang kulay ng dugo dahil ang bawat kulay nito ay may iba’t-ibang senyales.3

 

Pula At Matingkad Na Dugo

Ang pula at matingkad na dugo ay senyales ng mababang gastrointestinal tract sa iyong colon o rectum. Ito rin ay senyales ng almoranas.3

 

Pulang-Pula Na Dugo

Ang pulang-pula o kulay alak na dugo ay indikasyon na may problema ang isang tao sa kanyang small intestine o kaniyang colon.3

 

Itim Na Dugo

Ang itim na dugo ay maaaring sanhi ng problema sa iyong tiyan o itaas na parte ng iyong small intestine.3

 

Mga iba pang sintomas ng pagdurugo ng puwet:

  • Fainting o pagkawalang malay 3
  • Confusion o pagkalito 3
  • Dizziness o pagkahilo 3
  • Rectal pain o sakit sa puwet 3
  • Cramping o abdominal pain o sakit sa tiyan 3

 

gamot sa nagdudugong puwet

Mga Dapat Gawin Laban Sa Pagdurugo ng Puwet

Dahil karamihan ng kaso ng rectal bleeding ay dahil sa almoranas, mabuting gawin mo ang mga sumusunod na hakbang sa iyong tahanan.4

 

Mag-Apply Ng Yelo

Mag-apply ka ng yelo na nakapulupot sa malinis na damit at ipahid sa namamagang parte ng iyong puwet para mabawasan ang pananakit nito.4

 

Sitz Bath

Maari mong gawin ang sitz bath kung saan ay maglalagay ka ng maliit na timba na may lamang maligamgam na tubig sa iyong toilet seat. Upuan mo ito ng 15 minutes para mawala ang pangangati.4

 

Uminom Ng Tubig

Upang hindi sumakit ang iyong puwet habang dumudumi at maiiwasan ang pagdudugo nito, ugaliing uminom ng tubig para lumambot ang iyong dumi at maging madali sa iyo ang paglabas ng dumi.4

 

Inumin Ang Subok Na Gamot Laban Sa Almoranas

Ang unang gamot laban sa almoranas na kalimitang nirerekomenda ng mga doktor para gumaling at hindi na magpatuloy ang pagdudugo ng puwet ay ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay mabisang gamot laban sa almoranas at ginawa upang guminhawa ang iyong pakiramdam at mawala ang sakit at sintomas ng almoranas.

Kaya naman inumin mo ang subok na gamot laban sa almoranas para sa agarang solusyon. Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)!

Mga Dapat Tandaan

Sa blog na ito, ating napag-usapan kung ano nga ba ang sanhi ng pagdudugo ng puwet at isa na rito ang almoranas. Importanteng malaman agad kung ano nga ba ang sanhi nito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa doktor at pag-inom ng gamot na kanilang irerekomanda — ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000).

REFERENCES

  1. https://www.healthline.com/health/rectal-bleeding#symptoms

  2. https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/14612-rectal-bleeding

  3. https://www.healthline.com/health/rectal-bleeding#causes

  4. https://www.medicalnewstoday.com/articles/326040#home-remedies

2025