Pagiwas sa Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Gamot sa Almoranas

9/18/2023

Almoranas: Alamin Kung Kailan Ka Dapat Pumunta Sa Doktor

Ang almoranas ay laganap na sakit sa buong mundo at kinikilala na isa sa mga karaniwang medical conditions sa buong populasyon.1 Sa Estados Unidos lamang, mayroong 20% sa karamihan ang na-diagnose ng almoranas, subalit - nakakapag-aalala - na naitala na ang mga babae ay mas malaki ang pagkakataong mag ulat ng kanilang almoranas sa doktor kaysa sa mga lalaki.2

Kung mayroon kang almoranas at nababahala at hindi alam ang gagawin, at iniisip mo kung kailan ang tamang oras para bumisita sa doktor, narito ang mga senyales para kumilos at maghanap ng propesyonal na tulong.

Ano ang Almoranas at Delikado Ba Ito?

Ang almoranas ay tumutukoy sa paglaki ng mga daluyan ng dugo, kalamanan, at connective tissue na matatagpuan sa anal canal, paligid ng puwet, at mas mababang bahagi ng rectum. Karaniwan ito ay lumalaki dulot ng pag-ire at nananatiling malaki, na kahawig sa mga varicose veins sa mga binti. Ang kondisyong tinatawag nating almoranas (o piles) ay nangyayari kapag ang mga ugat na iyon ay lumalaki at namamaga.3

 

Mayroon dalawang uri ng almoranas:

  • Mga internal na almoranas. Maaaring magdulot nang pagdurugo ang mga ito ngunit dahil sa kanilang posisyon, karaniwan ito’y hindi nakikita.
  • Mga external na almoranas. Ito ay ang mas masakit na uri ng almoranas dahil marami ang mga ugat sa labas ng puwet ang naapektuhan nito. Maaari rin itong magdulot nang pagdurugo at mas madaling makita ito.4

 

sanhi ng almoranas

Ang almoranas ay maaaring magdulot ng pagkabalisa at maaring maging paulit-ulit o chronic ito, lalo na pagdating ng edad na 50, kung saan tinatayang kalahati ng populasyon ay nakaranas na ng isa sa mga sintomas nito, tulad ng pagdurugo sa puwet.3

Bagamat ang mga nagagamot na almoranas ay hindi mapanganib, ang hemorrhoidal disease ay degenerative at maaaring mabilis na lumala. Narito ang apat na pangunahing tinatanggap na grado ng almoranas:

  • Grade I. Nakikita ang almoranas ngunit hindi ito bumubuka pababa.
  • Grade II. Ang almoranas ay bumubuka pababa ngunit bumabalik sila nang kusa.
  • Grade III. Sa gradong ito, ang almoranas ay bumubuka pababa pero hindi na bumabalik nang kusa at kinakailangang itulak pabalik ng manu-mano.
  • Grade IV. Ang almoranas na hindi na maaaring ibalik sa loob.5

Kapag ang almoranas ay hindi gumaling at patuloy na lumala sa mga gradong ito, malinaw na palatandaan na ito na kailangan mo na ng tulong ng isang doktor upang maiwasan ang paglala ng sakit. Sa pagkakataong ito, mayroong ilang pangkaraniwang mga palatandaan na makakatulong sa iyo na maunawaan kung ano ang iyong nararanasan.

almoranas at kelan pupunta sa doktor

Almoranas: 4 na sintomas para pumunta na sa doktor

Sa kabuuan, 40% ng mga taong mayroong almoranas ay walang sintomas.6 Ngunit laging inirerekomenda na agad na pumunta sa doktor upang simulan ang paggamot sa almoranas gamit ang epektibong mga gamot, tulad ng venotonic oral medications. Ngunit kung hindi ka sigurado kung kailangan mo bang pumunta sa isang espesyalista, narito ang apat na pinakamahalagang palatandaan na nagsasabi sa iyo na oras na upang humingi ng propesyonal na tulong.

  1. Almoranas na tumatagal ng higit sa isang linggo. Karaniwan, ang maliliit na almoranas ay dapat na mawala nang hindi ginagamot pagkatapos ng ilang araw. Ngunit kung umabot na sa isang linggo, o kung lagpas ka na sa isang linggo, maaaring ito ay palatandaan na ito ay hindi maliit at nangangailangan ng medikal na tulong. Basahin ang mas maraming impormasyon sa artikulo na: Gaano Katagal Bago Gumaling Ang Almoranas?
  2. Dumudugong almoranas. Kapag nagsimulang dumugo ang almoranas, ibig sabihin ay nabiyak ang sensitibong balat at maaaring kailanganin ng medikal na atensiyon upang maayos itong gumaling. Ang pagdurugo ay maaaring mas palalalain pa ng pagdumi.7 Gayunpaman, maaaring maging delikado ang pagdurugo kung ang sanhi ay ulceration o kahit necrosis ng balat. Sa ganitong mga kaso, ang agarang medikal na atensiyon ay hindi lamang inirerekomenda, kundi kinakailangan.8 Maaaring kang magbasa pa dito ukol sa Pagdurugo ng Almoranas: Ano ang mga Sanhi Nito at Paano Ito Gagamutin?
  3. Prolapsed na almoranas. Tinutukoy na prolapsed ang almoranas kung ito ay lumalabas at nakikita, tulad nang nabanggit sa 4 na grado ng almoranas. Kung hindi ito maagapan, maaaring lumala ang prolapsed na almoranas sa ika-4 na grado kung saan ito ay sobrang masakit na at hindi na maaaring itulak pabalik sa loob nang manu-mano.9
  4. Masakit na almoranas. Ang kirot ay maaaring normal na karanasan sa almoranas. Ngunit kung ang pangkaraniwang pagkairita at kirot ay lumalala at nagiging mahapdi at minsan ay sobrang masakit na, oras na para magpatingin sa doktor.10 Ang dahilan dito ay mas karaniwang nauugnay ang kirot sa mga external na almoranas kaysa sa mga internal na almoranas, at nangangahulugan na kung ang almoranas ay sobrang sakit na, ito ay maaaring sintomas ng prolapsed hemorrhoids.11 Alamin dito kung Paano Bawasan ang Sakit na Dulot ng Almoranas?

May mga kadahilanan kung bakit maraming tao ang nagdadalawang-isip na ipagbigay-alam ang mga isyung tulad nito sa kanilang mga doktor ay ang: pagka-conscious sa sarili, nahihiya, at iba pa. Gayunpaman, lubos na kinakailangan na agarang malutas ang mga medikal na problemang gaya nito dahil sa kanilang degenerative na kalikasan: “A stitch in time, saves nine”, kumbaga. Isa pang potensyal na panganib, hinggil sa almoranas, ay madalas na "self-diagnosed" ito sa simula, at sa ganitong paraan, maaaring hindi mapansin at palampasin ang iba pang mga sakit – ang ilan ay mas malubhang uri pa – na patuloy na lumalala.

Sa mas positibong pananaw, ang paghingi nang payo mula sa isang doktor sa lalong madaling panahon ay hindi lamang ang pinakasiguradong paraan upang mawala nang walang sakit ang almoranas, kundi mayroon din itong ibang pakinabang. Ang propesyonal na payo ay mahalaga lalo na at bumabalik ito kahit pagkatapos ng medikal na paggamot hanggang sa 50% sa unang 5 taon,12 at ang doktor ay makakapagrekomenda ng venotonic treatment na may oral na flavonoid na maaaring gamitin hindi lamang upang mabilis na maibsan ang sakit, kundi rin bilang epektibong hakbang upang maiwasan ang pagbalik nito sa susunod.

REFERENCES

  1. Lohsiriwat V. Treatment of hemorrhoids: A coloproctologist's view. World J Gastroenterol. 2015 Aug 21;21(31):9245-52, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4541377/

  2. Sandler RS, Peery AF. Rethinking What We Know About Hemorrhoids. Clin Gastroenterol Hepatol. 2019 Jan;17(1):8-15, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7075634

  3. Harvard Health. (2021, November 16). Hemorrhoids and what to do about them. Retrieved September 28, 2022, from https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/hemorrhoids_and_what_to_do_about_them

  4. Khan, M. A. (2020, October 1). “PNR-Bleed” classification and Hemorrhoid Severity Score—a novel attempt at classifying the hemorrhoids | Journal of Coloproctology. Retrieved September 28, 2022, from 

  5. Godeberge P, Sheikh P, Zagriadskiĭ E, Lohsiriwat V, Montaño AJ, Košorok P, De Schepper H. Hemorrhoidal disease and chronic venous insufficiency: Concomitance or coincidence; results of the CHORUS study (Chronic venous and HemORrhoidal diseases evalUation and Scientific research). J Gastroenterol Hepatol. 2020 Apr;35(4):577-585, from https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31512275/

  6. Riss S, Weiser FA, Schwameis K, Riss T, Mittlböck M, Steiner G, Stift A. The prevalence of hemorrhoids in adults. Int J Colorectal Dis. 2012 Feb;27(2):215-20, from https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/21932016/

  7. International Surgery Journal. Ali SA et al. Int Surg J. 2017 Jun;4(6):1936-1939, from https://www.ijsurgery.com/index.php/isj/article/viewFile/1437/1212

  8. Tseng CA, Chen LT, Tsai KB, Su YC, Wu DC, Jan CM, Wang WM, Pan YS. Acute hemorrhagic rectal ulcer syndrome: a new clinical entity? Report of 19 cases and review of the literature. Dis Colon Rectum. 2004 Jun;47(6):895-903; discussion 903-5, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC7177015/

  9. Hemorrhoids: Expanded Version | ASCRS. (n.d.). Retrieved September 28, 2022, from https://fascrs.org/patients/diseases-and-conditions/a-z/hemorrhoids-expanded-version

  10. Sheikh, Parvez; Régnier, Catherine; Goron, Fabienne; Salmat, Ghislaine (2020). The prevalence, characteristics and treatment of hemorrhoidal disease: results of an international web-based survey. Journal of Comparative Effectiveness Research, (), cer-2020-0159–, from https://www.futuremedicine.com/doi/10.2217/cer-2020-0159

  11. Sun Z, Migaly J. Review of Hemorrhoid Disease: Presentation and Management. Clin Colon Rectal Surg. 2016 Mar;29(1):22-9, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4755769/

  12. NCBI - Internal Hemorrhoid. Retrieved September 28, 2022, from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK537182/ 

2024