Almoranas

Gamot sa Almoranas

10/7/2022

Paano Gamutin ang Prolapsed Hemorrhoid?

Ano ang mga paraan para gamutin ang prolapsed hemorrhoid?

  1. Cold compress
  2. Aloe vera
  3. Soothing wipes
  4. Maligamgam na tubig
  5. Maluwag na mga damit
  6. Kumonsulta sa doktor

Ang hemorrhoids na mas kilala sa tawag na almoranas na nagbibigay nang hindi kaaya-ayang pakiramdam sa mga taong mayroon nito.1 Ang isa sa mga uri nito ay ang prolapse hemorrhoid, kung saan nakaumbok ang bukol palabas mula sa puwitan. Ito’y masakit sa pakiramdam na kailangan nang agarang gamutan.

Ang pag-uusapan natin ay kung paano gamutin ang prolapsed hemorrhoid sa tulong ng mga home remedies at pag-inom ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000).

Ano ang prolapsed hemorrhoid?

May dalawang uri ng hemorrhoids depende sa kung saang parte ng ibaba ito mabubuo. Ang prolapsed hemorrhoid ay maaaring makuha mula sa internal at external hemorrhoids.1 Sa internal hemorrhoids, nabubuo ang prolapsed kung ito’y tumutulak pababa mula sa tumbong at umbok palabas mula sa puwit. Habang sa external hemorrhoids naman ay direktang nabubuo sa puwit at maaari rin itong bumaba.

Ano ang mga sintomas ng prolapsed hemorrhoid?

Isa sa pinaka sintomas ng prolapsed hemorrhoid ay ang pagkakaroon ng isa o higit pang mga bukol sa palibot ng puwitan. Kalimitang makikita lamang ito kung ang mga ito ay malaki na.

May mga pagkakataon na pwede itong aksyunan sa pamamagitan nang dahan-dahang pagtulak ng bukol pabalik sa loob ng puwit. Dahil dito, nagbabago ang lokasyon ng almoranas at maaari ring gumaan.2 Ngunit kailangan mo pa ring isipin na nandoon pa rin ang almoranas at hindi pa rin maagapan.

Narito ang mga hakbang upang magamot ang prolapsed hemorrhoid:

Cold compress

Mainam na maglagay ng cold compress sa parte ng iyong puwitan na nananakit o pangangati dulot ng prolapsed hemorrhoid. Tandaan lamang na ‘wag diretsong ididikit ang yelo sa balat kung kaya’t ibalot ang yelo sa isang malambot at malinis na tela.3 Gawin mo ito hanggang 15 minutes hanggang sa mawala ang pamamaga. Dahan-dahan lamang at ‘wag diinan. Ang cold compress ay sobrang epektibo sa mga taong may malaki at masakit na hemorrhoids.

 

aloe vera para sa almoranas

Aloe vera

Maraming benepisyo sa paggamit ng aloe vera gel at isa ang prolapsed hemorrhoid sa mga natutulungan nito. Mayro’n itong inflammatory properties na maaring makatulong para maibsan ang iritasyong nararamdaman sa iyong puwitan dulot ng prolapsed hemorrhoids. Kung gusto mo ng purong aloe vera gel, maaari mo ‘itong makuha mula sa mismong dahon ng aloe vera.

Kung ikaw naman ay may allergy sa aloe vera, pwede mo muna itong i-test. Subukan mong maglagay nang kaunti sayong braso at maghintay ng 24-48 na oras.3 Kung wala kang maramdamang reaksyon, maaari mo itong gamitin.

 

Soothing wipes

Ugaliing gumamit ng wipes imbes na toilet paper dahil lalo nitong naiirita ang prolapsed hemorrhoids dahil sa texture nito. Ang wipes ay basa at malambot sa balat na nakakatulong para gumaan at malinis ang bandang puwitan.

Importanteng tandaan na ‘wag gagamit o bibili ng wipes na may halong alcohol, perfume, o ibang irritant ingredients upang hindi lumala ang iyong prolapsed hemorrhoids. Maaari ka ring bumili ng wipes na mayroong aloe vera para mawala ang pangangati.

 

Maligamgam na tubig

Mabisang paraan din ang pagligo gamit ang maligamgam na tubig upang mabawasan ang pangangati.4 Magpakulo ng tubig at subukan ang sitz bath kung saan may isang palangganang kasya sa iyong inidoro at basain lang ang apektadong bahagi ng iyong puwitan. Gawin mo ito ng 20 minuto hanggang sa mabawasan ang sakit.

 

Maluwag na mga damit

Isa sa mga paraan upang mabawasan ang pangangati ng prolapsed hemorrhoids ay ang pagsusuot ng mga maluluwag na damit. Palitan ang mga masisikip at maliit mong damit ng mga cotton na damit lalo na ang iyong panloob. Natutulungan nitong maging malinis ang iyong puwitan. Bukod doon, nababawasan din ang mga sintomas at maiiwasan ang pamamaga.

 

pumunta sa doktor pag may almoranas

Kumonsulta sa doktor

Maliban sa mga nabanggit na paraan upang magamot ang prolapsed hemorrhoids, kailangan mo nang magpa-konsulta sa doktor upang matignan ng mabuti ang iyong kalagayan at mabigyan ka ng mga payo o gamot para sa agarang paggaling ng iyong prolapsed hemorrhoids.5

 

MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)

Isa sa inirerekomenda ng mga doktor sa taong may almoranas ay ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay epektibong gamot para sa agarang paggaling ng mga sintomas ng iyong almoranas gaya ng pananakit at pagdurugo.

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay epektibo sa pagpapagaling ng iyong mga veins para maibsan ang pamamaga at mapahinto ang pagdurugo.

Mga Aral

Maraming paraan kung paano gamutin ang prolapsed hemorrhoid. Ito ay hindi dapat pinapalampas o isinasawalang-bahala. Huwag ring matakot dahil maraming paraan upang ito’y gumaling.

Kung pakiramdam mo ay patuloy pa rin sa pagsakit ang iyong puwitan dulot ng almoranas, magpatingin sa doktor at uminom ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay kilalang gamot dahil sa mabisa nitong paglaban sa mga sintomas ng almoranas gaya ng pananakit, pamamaga, pangangati, at pagdurugo sa bahagi ng iyong puwitan.

 

2024