Gamot sa Almoranas
Sanhi at Sintomas ng Almoranas
10/7/2022
Gamot Sa Nagdurugong Almoranas
Ano ang gamot sa nagdurugong almoranas?
- Paggamit ng sitz bath
- Witch hazel
- Cold pack
- MPFF : Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)
- Pag-iwas sa strain/ire
- Pagdagdag ng fiber sa diet
Tinatawag na almoranas ang kondisyon kung saan ang ugat sa loob o labas ng ating puwetan ay namamaga. Dahil sa pamamagang ito, may mga nabubuong bukol na maaaring maging makati o masakit malapit sa puwet. Posible rin itong magdugo habang dumudumi. Hindi palaging masakit ang pagdurugo ng almoranas. Madalas din itong mawala nang kusa, ngunit makatutulong pa rin kung mas maraming nakakaalam kung ano ang gamot sa nagdurugong almoranas.
Nakakatakot makakita ng dugo galing sa almoranas, ngunit bibihira lang magkaroon ng seryosong komplikasyon dito kung agarang mabibigyan ng lunas. Bahagi ito sa mga sintomas ng almoranas at maaari lamang makadulot ng pananakit kung ang almoranas ay baba ng dentate line o external at thrombosed.5 Bago natin pag-usapan ang mga lunas dito, talakayin muna natin kung ano ang dahilan ng pagdurugo ng almoranas.
Bakit Nagdurugo Ang Almoranas?
Madali lang magdugo ang almoranas. Ang pagdurugo ng almoranas ay dulot ng mga bagay na makakasira sa manipis na ugat ng tumbong. Maaaring sobrang puwersa o strain ang natanggap ng ugat o di kaya’y nadadaanan ng matigas na dumi. Kaya madalas napapansin ng mga taong may almoranas na may kasamang pulang dugo sa kanilang pagdudumi.1 Ang labis na strain ay maaari ring makadulot ng pag-prolapse ng almoranas.5
Madalas itong mangyari sa mga internal na almoranas, ngunit hindi lang almoranas ang nakakadulot ng pagdurugo sa puwetan. Kung ikaw ay nakakaranas ng tuloy-tuloy na pagdurugo na hindi nawawala matapos ang isang linggo, maaaring ibang kondisyon na ito. Kailangang magpatingin sa iyong doktor agad-agad.1
Mga Gamot at Lunas Para sa Almoranas
Dahil ang pagdurugo ng almoranas ay isa sa mga karaniwang sintomas, katuwang na ng pagpapagaling ng almoranas ang pagpapagaling ng pagdurugo nito. Maraming mga paraan para mabawasan ang mga nararamdamang sintomas, kasama ang pagdurugo. Narito ang iilan sa mga pwedeng lunas sa pagdurugo ng almoranas:
Paggamit ng sitz bath
Ang sitz bath ay isang mabisang paraan para malinis at mapababa ang pamamaga ng almoranas. Para magawa ito, magpakulo ng tubig at ilagay sa isang palanggana hanggang maging maligamgam. Siguraduhing hindi na nakakapaso ang tubig, dito ibabad ang puwetan. Para sa karagdagang ginhawa, pwede ring magdagdag ng mga Epsom salts sa tubig.1
Witch hazel
Ang witch hazel ay halaman na kilalang nakakapagpababa ng pamamaga dahil sa mga kakayanan nitong anti-inflammatory. Mayroong mga produktong ginagamit ang halamang ito na makakatulong sa almoranas. Maghanap ng mga pads o tissue na witch hazel ang pangunahing kasangkapan at gamitin ito sa puwetan.1
Cold pack
Mabisa rin na nakakapagpababa ng pamamaga ang mga cold pack. Maglagay ng cold pack sa ilalim ng tuwalya o ibang tela at ilagay sa puwetan. Maaari itong gawin nang 20 minuto kada araw para mabawasan ang pamamaga ng almoranas.1
MPFF : Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)
Ang MPFF : Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isa sa mga pinakamabisang gamot sa almoranas, at malaki ang naitutulong nito laban sa pagdurugo. Ito ay isang micronized purified flavonoid fraction o MPFF na gamot. Pinapalakas nito ang mga ugat sa ating katawan, kasama na ang ugat sa puwetan.
Marami nang pagsasaliksik ang nagpapatunay na mabisa ang gamot na ito laban sa almoranas. Ang mga flavonoid ay nagpapatibay ng mga ugat at kayang bawasan ang pamamaga, kaya nakakatulong ito sa mga sintomas ng almoranas tulad ng pagdurugo, pangangati, at iba pa.3 May pag-aaral din na ipinapakita na nababawasan ng mga flavonoid ang pagdurugo ng 67%, ang pananakit ng 65%, at pangangati ng 35%.4
Sa pag-inom ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) magagamot ang almoranas kasama ang lahat ng sintomas nito tulad ng pagdurugo.
Bukod sa mga lunas na ito, may mga pagbabago rin sa pang-araw-araw na buhay na pwedeng gawin para mabawasan ang pagdurugo.
Pag-iwas sa pag-ire
Ang labis na puwersa ay nakapagpalala ng almoranas kaya mas maiging umiwas sa mga gawain tulad ng pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay at matagalang nakaupo ng mahabang oras.
Pagdagdag ng fiber sa diet
Ang fiber ay isang carbohydrate na nagpapalambot ng ating dumi. Kung mas maraming fiber ang kainin, mas magiging madali ang pagdudumi at mas kaunting strain ang mararanasan ng almoranas. Ang fiber ay makukuha sa mga pagkain tulad ng oatmeal, cereals, at mga whole wheat na pagkain. Ayon sa pag-aaral, nababawasan ng 50% ang pagpapakita ng sintomas ng almoranas sa mga taong kumakain ng may dietary fiber.3
Mga Aral
Ang gamot sa nagdurugong almoranas ay maraming pagkakapareha sa gamot sa almoranas dahil kasama ang sintomas sa ginagamot ng medisina nito. Kung nakaranas ng pagdurugo, gawin ang mga lunas na naitalakay dito at magpatingin sa doktor. Maaring alamin rin dito ang pinaka mabisang gamot sa almoranas.
Ang MPFF : Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang mabisang gamot sa almoranas na mahahanap sa mga botika. Ito ay isang over-the-counter na gamot o gamot na hindi na kailangan ng reseta. Tandaan na una dapat pakinggan ang payo ng inyong doktor bago uminom ng kahit na anong gamot.
References
- https://www.healthline.com/health/bleeding-hemorrhoid#home-remedies
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4541377/
- https://link.springer.com/article/10.1007/s12325-018-0794-x
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3342598/
- https://www.aafp.org/afp/2011/0715/p204.html?utm_medium=email&utm_source=transaction
2024