Gamot sa Almoranas

Gamot sa Chronic Venous Disease

5/17/2023

Saan Gawa Ang Daflon?

Ano ang laman ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)?

  1. Orange na prutas
  2. Diosmin
  3. Hesperidin
  4. Micronized Purified Flavonoid Fraction (MPFF)

Ang almoranas ay isang sakit kung saan namamaga ang ugat sa puwet. Maraming tao na may almoranas ang nakakaranas ng pangangati, pananakit, at pagdudugo dahil dito.1 Nakakatulong ang mga home remedies tulad ng pagkonsumo ng mga pagkain na mataas sa fiber, paggamit ng hemmorhoid cream, at iba pa. Kapag lumala na ang iyong almoranas, maaari rin magrekomenda ang iyong doktor ng operasyon.2 Isa sa mga mabisang gamot at nirerekomenda ng doctor upang maiwasan ang paglala ng almoranas, ay ang pag-inom ng gamot na MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ngunit saan nga ba gawa ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)?

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isa sa pinakamabisang gamot para sa almoranas. Kumpara sa mga home remedies, kaya nitong gamutin ang mismong almoranas bago pa ito lumala. Gawa ito sa mga flavonoids na hesperidin at diosmin na nanggaling sa orange nahindi pa ganap na nabubuo. Ang mga ito ay ginagawang mas epektibo sa pamamagitan ng micronization process.

Kung interesado ka malaman kung saan ito gawa, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa!

orange at daflon

Orange Na Prutas

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang natural na over-the-counter treatment para sa almoranas. Ito ay nagmumula sa immature oranges o ang mga oranges na hindi pa ganap na nabubuo. Ang bawat bulaklak ng orange ay kayang gumawa ng apat o lima na oranges, pero iisa lamang dito ang ganap na nabubuo. Ang iba ay mananatiling immature.3

Pagkatapos ng ani, pinapatuyo ang immature oranges ng ilang araw at pagkatapos ay dinudurog ito. Pagkatapos, ginagamit ito para gawin ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000).Ginagamit ang mga immature oranges dahil naglalaman nito ng hesperidin, isang importanteng sangkap ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000).3

hesperidin galing sa citrus fruits

Hesperidin

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay may lamang 100mg ng hesperidin.

Ito ay isang halamang kemikal na tinatawag na bioflavonoid.4 Ito ay karaniwang nakikita sa mga prutas, gulay, at mga herbs. Napakaraming benepisyo ng mga bioflavonoids para sa kalusugan.5 Ginagamit din ang mga ito bilang gamot.4

Ang hesperidin ay karaniwang matatagpuan sa mga citrus fruits, tulad ng orange, grapefruit, lemon, at tangerines. Kilala ang bioflavonoid na ito para sa pagiging isang antioxidant at anti-inflammatory.6

Ang hesperidin ay karaniwan na ginagamit para sa mga blood vessel conditions, tulad ng almoranas at varicose veins. Ito ay dahil kaya nitong tulungan ang mga daluyan ng dugo na gumana ng mas maayos. Nakakatulong din ito mabawasan ang pamamaga.4 Maliban dito, ang hesperidin ay ginagamit din na natural na remedyo para sa allergy, high blood pressure, premenstrual syndrome, at iba pa.6

Diosmin

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay may 900 mg na diosmin. Isa rin itong flavonoid na karaniwang natatagpuan sa mga citrus na prutas, tulad ng orange. Ito ay ginagamit na natural na remedyo para sa almoranas, varicose veins, venous insufficiency, at iba pa.7

Karaniwang nanggagaling ang diosmin sa hesperidin, na nakikita din sa citrus na prutas. Maliban dito, isinasama din ito sa micronized purified flavonoid fraction, isang grupo ng mga flavonoid na kasama ang hesperidin.7

Micronized Purified Flavonoid Fraction (MPFF)

Kumpara sa ibang gamot sa almoranas, ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay gumagamit ng micronized purified flavonoid fraction. Pagkatapos linisin ang flavonoid fraction, dumadaan ang mga sangkap ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) sa micronization process para gawing mas maliit ang flavonoid fraction particles. Dahil mas maliit ang particles, mas madali ito ma-absorb ng iyong katawan. Pagkatapos ay nililipat ang micronized purified flavonoid fraction sa 1000mg na tableta.3

Dahil dito, sigurado ka na ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay magiging epektibo para sa pagpapagaling ng iyong almoranas. Makakasigurado ka na kaya nitong bawasan ang mga sintomas at tuluyan na alisin ang mga ito!

Mga Aral

Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay nagsisimula sa immature oranges. Ito ang mga orange na hindi pa ganap na nabubuo. Nakukuha rito ang diosmin at hesperidin, dalawang flavonoids na epektibo para sa almoranas. Ang flavonoid fraction ay dumadaan sa micronization process para mas mapaliit ang particles. Dahil dito, mas madali ma-absorb ng katawan ang Daflon, para mas mabilis mong maranasan ang mga benepisyo nito laban sa almoranas!

Gamutin ang almoranas para mawala ang mga sintomas ng pangangati, pamamaga, at pagdudugo. Gamitin ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), isa sa mga pinakepektibong gamot sa kundisyon na ito! 

2024