Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Almoranas
8/29/2022
Bakit Masakit kapag Dumudumi?
Ano ang mga rason kung bakit masakit kapag dumudumi?
- Almoranas
- Constipation
- Diarrhea
- Inflammatory bowel disease (IBD)
- Anal cancer
Maraming bagay ang maaaring makaapekto sa iyong pagdumi. Kabilang na rito ang iyong mga kinakain, edad, lebel ng aktibidad, at pati na rin mga karamdaman.1 Minsan, maginhawa ang pagdumi pero may mga pagkakataon din na maaaring maging masakit ito. Alamin ang mga rason kung bakit masakit kapag dumudumi. Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa!
Almoranas
Ang almoranas, o hemorrhoids sa ingles, ay isa sa mga pangkaraniwang rason kung bakit masakit nagiging masakit ang pagdumi. Nangyayari ito kapag ang iyong mga ugat sa puwet ay namamaga.2
May iba’t - ibang uri ng almoranas. Ang internal hemorrhoids ay matatagpuan sa loob ng rectum. Kadalasan ay hindi ito masakit, pero maaaring din itong magdugo.3 Ang prolapsed hemorrhoid ay ang almoranas na umuusli palabas ng puwet. Ito ay kadalasan na masakit — lalo na tuwing ikaw ay dumudumi.4
Ang external hemorrhoids naman ay ang almoranas na nabubuo sa ilalim ng balat sa paligid ng anus.5 Maaari itong magsanhi ng pananakit at papahirapan ka sa pag upo.2
Maliban sa pananakit, ang iba pang sintomas ng almoranas ay ang pangangati ng puwet at dugo sa tissue pagkatapos ang pagdumi. Para mabawasan ang sakit, maaari kang gumamit ng malambot na toilet paper kapag nagpupunas, pero mas mainam ang paghuhugas gamit ang bidet o ng tubig. Gumamit ng maligamgam na tubig at mild soap na walang amoy. Maliban dito, maaari mo rin subukan ibabad ang almoranas sa maligamgam na tubig para mabawasan ang pananakit.2
Para tuluyang gamutin ang almoranas, inirerekomenda ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ginagamot nito ang namamagang ugat na sanhi ng pananakit at iba pang sintomas. Ang resulta ay permanenteng ginhawa.
Constipation
Ang constipation o pagtitibi ay ang pagdumi ng mas mababa sa tatlong beses sa isang linggo. Kapag ikaw ay constipated, ang iyong dumi ay mas matigas at tuyo. Maaari kang makaramdam ng pananakit sa iyong puwet at gut habang dumudumi. 2
Maliban dito, kapag matagal ka nang may constipation, ay maaari rin itong maging sanhi ng almoranas.6 Para gamutin at maiwasan ang karamdamang ito, siguraduhin na uminom ng maraming tubig, kumain ng mas maraming fiber, at umiwas sa mga pagkain na karaniwang sanhi ng constipation, tulad ng karne at dairy.2
Diarrhea
Kabaliktaran ng constipation, ang diarrhea ay kapag ang iyong dumi ay manipis at matubig. Ang mismong pagkakaroon ng kondisyong ito ay hindi masakit, ngunit ang pagdumi nang marami at pagpupunas nang madalas ay maaaring magsanhi ng skin irritation.2 Ang malalang diarrhea ay maaaring tumagal nang mas matagal sa isang buwan.7
Para gamutin ang diarrhea, maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng mga gamot na nakakatulong sa kondisyon na ito. Maaaring kailangan mo rin ng antibiotics kung dahil ito sa impeksyon.7 Para maiwasan ang diarrhea, ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. Hugasan at lutuin ang pagkain nang maayos, at ilagay sa refrigerator ang mga natira.2
Inflammatory Bowel Disease (IBD)
Ang IBD ay ang mga kondisyon na may kasangkot na pamamaga sa iyong digestive tract.2 May dalawang uri nito — ang ulcerative colitis at Chron’s disease.7
Kung ikaw ay may ulcerative colitis, maaaring kang makaranas ng madugo na diarrhea, na maaari rin magdulot ng pananakit tuwing dumudumi. Isa ring karaniwang sintomas ang abdominal pain.7 Ang Crohn’s disease ay may mga katulad na sintomas. Maaari kang makaranas ng abdominal pain sa ibabang-kanan na parte, o magkaroon ng diarrhea na walang dugo.7
Kung ikaw ay may IBD, maaaring mag reseta ang iyong doktor ng mga anti-inflammatory medications, immunosuppresants, antibiotics, at iba pa.2
Anal Cancer
May maliit na posibilidad na ang sanhi ng pananakit tuwing iyong pagdumi ay ang anal cancer.2 Dahil ito sa mga tumor na nabubuo sa paligid ng anus. Maliban sa pananakit, ang mga karaniwang sintomas nito ay pagdudugo, pangangati, malalang constipation, at pamamayat.7
Kung tingin mo ay ikaw ay may anal cancer, mahalagang magpakonsulta agad sa doktor. Depende sa kanilang rekomendasyon, maaaring gamutin ang anal cancer sa pamamgitan ng operasyon, chemotherapy, at radiation therapy.8
Mga Aral
Maraming tao ang nakakaranas ng pananakit habang dumudumi. Madalas ay nawawala agad ito. Pero kung madalas ang pananakit ay baka may mga seryosong kundisyon na nagsasanhi nito. Kabilang na rito ang almoranas, kung saan namamaga ang mga ugat sa iyong puwet. Maliban dito, ang mga rason kung bakit masakit kapag dumudumi ay ang constipation, diarrhea, inflammatory bowel disease (IBD), at anal cancer.
Kung almoranas ang dahilan kung iyong pananakit, maaari mo itong gamutin gamit ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay isang micronized, purified flavonoid fraction na kayang pagalingin ang mga ugat ng nagdudulot ng almoranas! Ang 1000mg na dosage ay kayang mas pabilisin and epekto at gawing mas mabisa ang gamot.
References
- https://www.healthline.com/health/how-many-times-should-you-poop-a-day
- https://www.healthline.com/health/why-does-it-hurt-when-i-poop
- https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments
- https://www.healthline.com/health/prolapsed-hemorrhoid
- https://www.healthline.com/health/external-hemorrhoids
- https://www.healthline.com/health/hemorrhoids
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/why-does-it-hurt-when-i-poop#seeing-a-doctor
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/156549
2024