Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
1/2/2024
Almoranas sa Iba't-ibang Edad at Yugto ng Buhay
Ang almoranas ay itinuturing na isa sa mga pinakakaraniwang anorectal disease, kaya karaniwan itong hindi iniuulat. Sa katunayan, tinataya na kakaunti sa 50% ng mga matatanda sa buong mundo, na may edad na higit sa 50, ay magkakaroon ng almoranas nang hindi bababa sa isang beses sa kanilang buhay.1
Ngunit, maling isipin na ang mga mas bata ay hindi maaaring makaranas nito. Bagaman mas karaniwan itong dumadapo sa mga babaeng buntis at sa populasyon ng mga matatanda, maaari rin itong makaapekto sa kanila.
Tuklasin kung paano maaaring makaapekto ang almoranas sa iba't-ibang yugto ng ating buhay at ang posibleng mga sanhi nito.
Almoranas sa mga Kabataan
Ang almoranas ay isang karaniwang sakit na maaaring mangyari sa anumang yugto ng ating buhay, kasama na rito ang mga kabataan. Isa sa mga sanhi nito ay maaaring ang ating lifestyle o mental health, tulad ng kakulangan sa ehersisyo, hindi sapat na pagkain, obesity, chronic constipation, kakulangan sa pag-inom ng tubig, chronic diarrhea, stress, at depression. Gayunpaman, may mga bagong kaugalian din na tila nakakapagdulot ng mas mataas na porsiyento ng almoranas sa mga mas bata, tulad ng paggamit ng smartphone habang nasa kubeta, na nagdudulot ng mas mahabang oras nang pag-upo sa parehong posisyon, na maaaring magdagdag ng presyon sa kanilang puwet.2
Ang mga karaniwang sintomas ng almoranas sa mga kabataan ay:
- Mainit na pakiramdam habang tumatae
- Pangangati sa paligid ng puwet
- Pananakit ng puwet at pagkakaroon ng dugo sa toilet paper o sa tae
- Pananakit na tumatagal ng mahigit sa dalawang araw3
Ang almoranas sa mga kabataan ay madaling maiwasan at gamutin sa pamamagitan ng pagbabago sa kanilang lifestyle, healthy at balanced diet na may mataas na fiber intake, ehersisyo, at sa tulong ng mga venotonic medications na epektibo laban sa almoranas, gamutin ang pangunahing sanhi nito, at gamitin bilang pampigil upang mabawasan ang tyansang bumalik ito.
Almoranas habang Buntis
Ang pagbubuntis at ang panahon pagkatapos manganak ay parehong labis na nangangailangan ng pisikal na pagtitiis para sa mga kababaihan.
Alam ng marami na ang mataas na porsiyento ng mga buntis ay nagkakaroon ng almoranas dahil sa dagdag na presyon na inilalabas sa paligid ng ugat sa kanilang puwet mula sa lumalaking matris. Sa katunayan, kamakailan lang ay isinagawa ang isang pag-aaral sa Serbia at Montenegro dahil sa komplikasyon mula sa hindi gumagaling na almoranas, at natuklasan nila na sa panahon ng pangalawa o pangatlong pagbubuntis nila, tumaas nang labis sa 85% ang bilang ng mga kaso nito.4
May mga pangunahing rason na nadiskubre na nagdudulot ng almoranas sa mga huling bahagi ng pagbubuntis at panganganak ng mga babae. Kasama rito ang:
- Ang direkta at magkasabay na pagbabago ng hormones at pagtaas ng presyon ng dugo, na maaaring magdulot ng paglawak ng mga ugat
- Ang constipation ay kilala na nagpapataas ng tyansa ng pagkakaroon ng almoranas at, kapag nandiyan na, madalas na mas pinapabigat nito ang sitwasyon5
Mabuti na lamang, mas maraming pananaliksik at pag-aaral ang ginagawa, yamang mataas ang bilang ng mga kaso ng dyschezia (kahirapan sa pagdumi) at general constipation sa pagbubuntis, panganganak, at mga sumunod na linggo na sobrang taas, na naitalang nakakaapekto sa kalahating porsiyento ng mga buntis.6 Ang kondisyong ito, kasama na ang late o traumatic delivery (na inilalarawan bilang higit sa 20 minuto ng matinding pagsusumikap sa panganganak), ay itinuturing na isa ring dalawang aspeto na lubos na nagdudulot ng pagbuo ng almoranas.7
Kasunod ng nasabing pag-aaral sa Serbia, ito'y kumpirmado na ang tyansang magkaroon ng almoranas "ay direktang kaugnay sa dami ng pagbubuntis at panganganak",8 at ito rin ang nagpapatunay na ang demands sa childbirth ay nagbibigay panganib nang pagkakaroon ng almoranas ng halos walong beses.
Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa almoranas sa panahon ng pagbubuntis.
Almoranas sa Mga Matatanda
Mas maraming matatanda ang maaaring magkaroon ng almoranas dahil sa panlalambot ng kanilang muscles, connected tissues, at maging ang rectal veins nila. Sa katunayan, ayon sa mga siyentipikong pag-aaral, natuklasang kalahati ng lahat ng mga nasa hustong gulang na higit sa 50 ay nangangailangan ng paggamot para sa almoranas, at ang karagdagang 10%-20% naman ng mga kaso ay maaaring magdulot ng mas matinding epekto na nangangailangan ng operasyon.1
Ang isa pang pangunahing dahilan ay dahil sa pagkakaroon ng constipation, na lumalala habang tumatanda ang isang tao. Ito ay nagdudulot nang pamamaga at paglaki ng mga ugat sa kanilang anal area.9
Nalaman din na may koneksyon ang mga sakit sa atay at bato, kung saan ang isang tao ay maaaring magkaroon ng almoranas, lalo na sa mga mas nakakatanda.10
Kabilang sa mga karaniwang sintomas nito sa mga matatanda ay:
- Pagdurugo habang at pagkatapos dumumi
- Pangangati at kawalang-ginhawa ng puwet
- Sakit at pamamaga ng puwet
- Anal leakage
- Pamamaga sa bandang puwet
Ang paggamot sa almoranas sa mga taong higit sa 50 ay may kaunting pagkakaiba mula sa karaniwang paraan ng paggamot, maliban sa ilang mga sitwasyon na nangangailangan ng mas maingat na pangangalaga, tulad ng:
- Maging aktibo at iwasan ang matagal na pag-upo
- Mag-sitz bath nang 10-15 minuto upang makatulong sa sakit at pamamaga ng almoranas
- Panatilihin ang balanced diet at uminom ng maraming tubig para maging hydrated palagi
- Bisitahin ang doktor upang kumonsulta tungkol sa pinakamainam na hakbang upang maiwasan ang chronic hemorrhoidal disease na dulot ng almoranas
Tatlong Tips para Maiwasan ang Almoranas
- Iwasan ang pagkain na mababa sa fiber na maaaring magdulot ng pagka-dehydrate, upang maiwasan ang almoranas sa alinmang edad. Ang pagme-maintain sa pagkonsumo ng masustansiyang pagkain at pag-inom ng maraming tubig ay dalawa sa mga pinakamahusay na paraan. Pagdating sa pag-iwas sa constipation, ang fiber ay makakatulong sa ating masiguro ang mabilis at mas madaling paglabas ng dumi.11
- Pagsasagawa ng tamang asal sa banyo. Mahalagang iwasan ang pag-upo nang matagal sa banyo dahil nagdudulot ito ng pagtaas ng presyon sa mga ugat sa iyong rectal area. Ang pag-i-upo nang matagal sa banyo habang nakatutok sa smartphone ay dapat mo ring iwasan.
- Maging aktibo. Ang pagkakaroon ng sedentary lifestyle, o ang mahabang oras ng pag-upo o paghiga, ay isa rin sa mga pangunahing mga panganib na sanhi ng almoranas.12
Bilang konklusyon, maging bata o matanda, kung ikaw ay nagkakaroon ng anumang mga hindi komportable at kadalasang masakit na sintomas ng almoranas. Mahalagang kumilos ka nang mabilis at magtanong ng payo mula sa iyong doktor. Ito ay dahil, kung hindi ito gagamutin, maaaring mas lumala ang iyong almoranas. Dagdag pa rito, walang dahilan para magdusa ka, dahil may mga paraan ng paggamot, tulad ng mga oral venotonic medications, na nag-aalis ng masakit na sintomas, na maaari mo pang gamitin upang mapigilan ang paglala nito.
REFERENCES
- Song SG, Kim SH. Optimal treatment of symptomatic hemorrhoids. J Korean Soc Coloproctol. 2011 Dec;27(6):277-81.
- The Relationship Between Hemorrhoids and Smartphone Use in the Lavatory; Clinical Trials; US National Library of Medicine
- Karavelioglu, A., Senayli, A. et al., Haemorrhoids in Children: A Retrospective Study; Journal of Contemporary Medicine
- Gojnic M, Dugalic V, Papic M, Vidaković S, Milićević S, Pervulov M. The significance of detailed examination of hemorrhoids during pregnancy. Clin Exp Obstet Gynecol. 2005;32(3):183-4.
- De Marco, S., Tiso, D. (2021) Lifestyle and Risk Factors in Hemorrhoidal Disease. Front. Surg., 18 August 2021. Sec. Visceral Surgery. https://www.frontiersin.org/articles/10.3389/fsurg.2021.729166/full
- Poskus T, Buzinskienė D, Drasutiene G, Samalavicius NE, Barkus A, Barisauskiene A, Tutkuviene J, Sakalauskaite I, Drasutis J, Jasulaitis A, Jakaitiene A. Haemorrhoids and anal fissures during pregnancy and after childbirth: a prospective cohort study. BJOG. 2014 Dec;121(13):1666-71.
- Abramowitz L, Sobhani I, Benifla JL, Vuagnat A, Daraï E, Mignon M, Madelenat P. Anal fissure and thrombosed external hemorrhoids before and after delivery. Dis Colon Rectum. 2002 May;45(5):650-5.
- Bužinskienė D, Sabonytė-Balšaitienė Ž, Poškus T. Perianal Diseases in Pregnancy and After Childbirth: Frequency, Risk Factors, Impact on Women's Quality of Life and Treatment Methods. Front Surg. 2022 Feb 18;9:788823.
- Johanson JF, Sonnenberg A. The prevalence of hemorrhoids and chronic constipation. An epidemiologic study. Gastroenterology. 1990 Feb;98(2):380-6.
- Yamamoto M, Ikeda M, Matsumoto T, Takemoto M, Sumimoto R, Kobayashi T, Ohdan H. Hemorrhoidectomy for elderly patients aged 75 years or more, before and after studies. Ann Med Surg (Lond). 2020 May 16;55:88-92.
- Alonso-Coello P, Mills E, Heels-Ansdell D, López-Yarto M, Zhou Q, Johanson JF, Guyatt G. Fiber for the treatment of hemorrhoids complications: a systematic review and meta-analysis. Am J Gastroenterol. 2006 Jan;101(1):181-8.
- Peery AF, Sandler RS, Galanko JA, Bresalier RS, Figueiredo JC, Ahnen DJ, Barry EL, Baron JA. Risk Factors for Hemorrhoids on Screening Colonoscopy. PLoS One. 2015 Sep 25;10(9):e0139100.
2024