Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

7/12/2023

Paano Maiwasan Ang Pag-Ire Habang Dumudumi

Lahat tayo ay nakaranas ng paminsan-minsang pagpuwersa ng dumi sa pamamagitan ng pag-ire at ito ay normal lamang.1 Ngunit kung ito ay araw-araw na nangyayari sa ‘yo, ito ay hindi magandang senyales dahil may posibilidad na may karamdaman ka katulad ng almoranas.

Kaya naman para sa blog na ito, ating pag-uusapan ang tungkol sa paano maiwasan ang pag-ire habang dumudumi lalo na sa mga taong may almoranas. Ito ay ang pagkairita, pamumula sa palibot ng puwit, pagdurugo tuwing dudumi, o ang pagkakaroon ng bukol sa puwitan. Ituloy ang pagbasa sa ibaba.

Paano maiwasan ang pag-ire habang dumudumi upang hindi humantong sa almoranas?

Sa katunayan, kayang-kaya iwasan ang pag-ire habang dumudumi sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang:

tubig para sa almoranas

Pag-inom ng sapat na dami ng tubig

Base sa pag-aaral, ang mga kababaihan ay dapat uminom ng 11 ½ cups ng tubig kada araw habang nasa 15 ½ cups naman dapat ang inumin ng mga kalalakihan.2 Maaring inumin ang tubig o anumang inumin na makakatulong upang maging normal ang pagdumi.

 

exercise para sa almoranas

Pag-eehersisyo araw-araw

Isa rin ang pag-eehersisyo sa mga dapat gawin kung ikaw ay may almoranas dahil nakakatulong din ito para mapigilan ang iyong pag-ire habang dumudumi. Subukan mong mag-ehersisyo ng kalahating oras kada araw at limang beses sa isang linggo. Tinutulungan nitong makaiwas ka sa constipation nakakabuti din sa mental health.

Ito ang mga ehersisyong nararapat gawin:

  • Paglalakad sa iyong lugar 2
  • Pagha-hiking sa malapit 2
  • Pagba-bike 2
  • Paglangoy 2

 

pagkain para sa almoranas

Pagkain ng masustansyang pagkain

Pagkatapos mag-ehersisyo, isunod ang masustansyang pagkain. Makakatulong ito upang mas mapadali ang pagdumi.2 Ang mga pagkain na mayaman sa fiber katulad ng mga prutas, beans, gulay, mani, at whole grains ay kayang palambutin at padaliin ang paglabas ng iyong dumi.

Sa kabilang banda, iwasan ang mga pagkain na gawa sa dairy, karne, at processed foods dahil ang mga ito ay mababa sa fiber.

 

posisyon sa  pagdumi

Alamin ang tamang pamamaraan sa pagdumi

May mga pamamaraan na makakatulong upang mapadali ang pagdumi.2 Kung nararamdaman mong kailangan mo na dumumi, agad kang dumiretso sa banyo, umupo sa inidoro, at mag-relax. Iwasang puwersahin agad ang iyong dumi. Hayaan mong lumipas ng ilang minuto para makapag-relax ang iyong katawan.

Narito ang mga posisyon na maaari mong gawin para mas mapadali ang iyong pagdumi2:

  • Iangat ang iyong mga tuhod upang mas tumaas ang mga ito sa iyong baywang
  • Panatilihing may agwat ang iyong mga binti
  • Subukang mag-lean forward habang naka-straight ang iyong likuran
  • Ilagay ang iyong braso sa iyong mga tuhod

Sa oras na nagawa mo na ang mga ito, maaari mo nang i-push forward ang iyong stomach muscles habang nag-uumpisang dumumi. Subukan mo itong gawin habang humihinga mula sa iyong bibig.

Ano ang dahilan ng pwersahang pagdumi?

Maliban sa constipation, ang dahilan sa pwersahang pagdumi ay ang almoranas. Para sa mga taong mayroon nito, ang pagdudumi ay nagiging mahirap.3 Kung paulit-ulit na matigas ang iyong dumi at hirap ka sa pagdumi, maaring wala kang sapat na tubig sa katawan o dahil kulang ka ng fiber sa katawan.

Ano ang komplikasyon ng pwersahang pagdumi?

Maraming komplikasyon ang dulot ng pwersahang pagdumi ngunit ang pinakauna ay ang almoranas.4 Upang mapuksa ang almoranas, maiging magbabad sa sitz bath ng 10 minuto kada araw o kaya ay subukan ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ay mabisang solusyon laban sa pamamaga, pagsakit, pangangati, at alinmang sintomas ng almoranas.

komunsulta sa doktor

Kumunsulta sa doktor

Kung paulit-ulit mong ginagawa ang pag-ire habang dumudumi at nahihirapan ka nang dumumi, maaaring kumonsulta ka na sa doktor. Huwag kang matakot na sabihin sa iyong doktor ang iyong mga nararamdaman tulad nang:

  • Dugo mula sa iyong puwitan
  • Matigas na dumi
  • Nahihirapang dumumi nang marami
  • Abdominal discomfort
  • Anal discomfort
  • Bloating

Sa usaping gamot laban sa pag-ire habang dumudumi na sanhi ng almoranas, ang isa sa mga gamot na inirerekomenda ng mga doktor para sa sintomas ng almoranas ay ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000).

Bilang isa sa pinaka-mabisang gamot sa almoranas, ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay gumagamit ng micronized, purified flavonoid fraction (MPFF) upang pagalingin ang mga namamaga na mga ugat na nagdudulot ng almoranas.

Mga Dapat Tandaan

Ang pag-ire habang dumudumi ay masakit at hindi dapat ito nangyayari nang paulit-ulit dahil maaaring senyales ito na ikaw ay may sakit tulad ng almoranas. Mainam na magpakonsulta ka sa doktor upang mabigyan ka ng home remedies o over-the-counter na gamot.

Huwag kalimutang uminom ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) kung ikaw ay may almoranas upang mas mapabilis ang iyong paggaling.

REFERENCES

  1. https://www.self.com/story/straining-to-poop-health-effects

  2. https://www.healthline.com/health/poop-strain#how-to-avoid-straining

  3. https://www.healthline.com/health/poop-strain#causes

  4. https://www.healthline.com/health/poop-strain#potential-complications

  5. https://www.healthline.com/health/poop-strain#when-to-seek-medical-help

2024