Sanhi at Sintomas ng Almoranas

Gamot sa Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

10/7/2022

Impeksyon na Dulot ng Almoranas

Ano ang mga impeksyon na dulot ng almoranas?

  1. Sanhi ng impeksyon ng almoranas
  2. Sintomas ng impeksyon ng almoranas
  3. Paano gamutin ang impeksyon ng almoranas
  4. Paano maiwasan ang almoranas at impeksyon dulot nito

Ang almoranas ay isang kondisyon kung saan ang ugat sa loob ng rectum o sa labas ng anus ay namamaga. Maaaring magdulot ng pangangati, pananakit, at pagdudugo ang almoranas, at kahit sino ay maaaring magkaroon nito. Depende sa mga sintomas at kalubhaan ng iyong kondisyon, maaari mong gamutin ang iyong almoranas sa bahay o kaya naman ay kailanganin ang operasyon.1 Habang maaga ay huwag mo itong pababayaan para di mo maranasan ang mga impeksyon na dulot ng almoranas. 

Kung interesado kang malaman ang sanhi, sintomas, at lunas ng impeksyon at paano ito maiiwasan, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa.

 

sanhi ng impeksyon sa almoranas

Sanhi ng Impeksyon ng Almoranas

May iba’t - ibang uri ng almoranas. Ang internal hemorrhoids, o almoranas na nabubuo sa loob ng rectum, ay bihira na nagkakaroon ng impeksyon. Ngunit ang internal hemorrhoids ay maaari maging prolapsed hemorrhoid, kung saan umuusli palabas ng anus ang almoranas. Maliban sa masakit ito at maaaring magdugo, may pagkakataon ito na magsanhi ng impeksyon.2

Ang almoranas ay madalas na magkaroon impeksyon kung napipigilan ang daloy ng dugo papunta rito. Ito ay tinatawag na strangulated hemorrhoid. Kaya kung ikaw ay may kondisyon na nakakaapekto sa daloy ng dugo, mas malaki ang panganib ng impeksyon.2 Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa nito:

  • Diabetes2
  • Obesity2
  • Atherosclerosis2
  • Crohn’s Disease2

Maliban dito, maaari rin magkaroon ng impeksyon pagkatapos ng mga medical procedure. Isang halimbawa ang hemorrhoidectomy, isang uri ng operasyon para tanggalin ang almoranas.3

 

sintomas ng impeksyon ng almoranas

Sintomas ng Impeksyon ng Almoranas

Ang impeksyon sa almoranas ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na sintomas:

Ang pangangati, pamamaga, pananakit, at pagdudugo ay mga karaniwang sintomas ng  almoranas. Pero ang impeksyon ay maaaring magdulot ng lagnat, pamumula sa paligid ng anus, at sobrang pananakit.2

 

gamot sa impekson ng almoranas

Paano Gamutin ang Impeksyon ng Almoranas

Kung nararanasan mo ang mga sintomas ng impeksyon sa iyong almoranas, importante na kumonsulta sa isang doktor para sa diagnosis.2 Sa pamamagitan nito, malalaman mo kung impeksyon sa almoranas ang tunay na sanhi ng iyong mga  sintomas. Makakapagsimula ka rin agad gamutin ito, para maiwasan ang mga iba pang komplikasyon.3

Sa iyong check-up, titignan ng doktor ang iyong medical history at magsasagawa ng physical examination para malaman kung ikaw ay may impeksyon.3

Maliban dito, maaari rin kailanganin ang mga blood test, urinalysis, at iba pa para kumpirmahin ang impeksyon.2

Kung ang iyong almoranas ay may impeksyon, ang iyong doktor ay magrerekomenda ng lunas.3 Ang mga sumusunod ang mga paraan kung paano gamutin ang impeksyon:

 

Antibiotics para sa Almoranas

Ang antibiotics ay ireresta ng doktor para gamutin ang impeksyon sa almoranas. Ang eksaktong uri ng antibiotic na irerekomenda ay depende sa kalubhaan ng kondisyon.2

 

Operasyon sa Komplikadong Almoranas

Para sa mga malubhang kaso, ang operasyon ay makakatulong para tanggalin ang  almoranas na may impeksyon.3 Irerekomenda rin ito ng doktor kung ang impeksyon ay kumalat na.2

 

Home remedies Para sa Almoranas

Maliban sa mga niresetang gamot at operasyon, may mga maaari kang gawin sa bahay upang mabawasan ang mga sintomas ng impeksyon.2

  • Gumamit ng ice pack o cold compress sa paligid ng 2
  • Kumain ng mga pagkain na mataas sa fiber, tulad ng mga prutas, gulay, at whole grains. Makakatulong ito mapalambot ang dumi.2 Uminom ng mga pain relievers.2

Paano Maiwasan ang Almoranas at Impeksyon

Ang almoranas ay isang kondisyon na maaaring makaapekto kahit kanino, pero mas  mataas ang pagkakataon mo kung ikaw ay may diet na mababa sa fiber, parating may constipation o diarrhea, pinipilit o pinipuwersa ang pagdumi, o madalas na nagbubuhat ng mabibigat.1

Ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang impeksyon sa almoranas ay ang hindi pagkakaroon ng almoranas. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Kumain ng mga pagkain na mataas sa fiber at uminom ng maraming tubig para maiwasan ang 4
  • Huwag pilitin na ilabas ang dumi, dahil naglalagay ito ng dagdag na puwersa sa mga ugat. Dumumi lamang kapag kinakailangan, at huwag din itong pigilan.4
  • Magbawas ng timbang, dahil ang pagiging overweight ay isang dahilan sa pagkakaroon ng almoranas.4
  • Mag ehersisyo para mas maging regular ang pagdumi.4

Kung ikaw ay may almoranas, mas mapapababa mo ang pagkakataon mo na magkaroon ng impeksyon kung gagamutin mo ito agad.

Para makaiwas sa impeksyon, gamitin ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon®  1000), isa sa mga pinakamabisang gamot sa almoranas. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon®  1000) ay kayang pagalingin ang ugat na nagdudulot ng kondisyon na ito. Maliban dito, pinapalakas nito ang mga ugat para maiwasan at mabawasan ang pamamaga. Dahil sa 1000mg na  dosage, mas mabilis na gagaling ang almoranas.

Mga Aral

Ang simpleng almoranas ay maaaring magkaroon ng impeksyon, lalo na kung mayroon kang prolapsed internal hemorrhoid o kaya naman ay sumailalim ka sa operasyon tulad ng hemorrhoidectomy. Kung mayroon kang impeksyon, maaaring kailanganin mo ng  antibiotics o operasyon, depende sa kalubhaan nito. 

Para maiwasan ang impeksyon na dulot ng almoranas at makaiwas sa mahal na gamutan at operasyon, gamutin ang almoranas nang maaga gamit ang MPFF: Diosmin  + Hesperidin (Daflon® 1000)

References

  1. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids
  2. https://www.healthline.com/health/infected-hemorrhoid
  3. https://www.verywellhealth.com/infected-hemorrhoid-5218275
  4. https://www.medicalnewstoday.com/articles/73938#prevention

2024