Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
Sanhi at Sintomas ng Almoranas
11/14/2023
Tips Para sa Paglalakbay ng May Almoranas
Paano maglakbay na may almoranas?
- Kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa iyong almoranas
- Mag-empake ng mga produkto para sa almoranas
- Manatiling hydrated upang maiwasan ang sumpong ng almoranas
- Panatilihin ang mataas na fiber diet para mabawasan ang sintomas ng almoranas
- Kumilos kahit nasa biyahe para mabawasan ang pwersa sa almoranas
Ang paglalakbay ay isa sa mga pinakamagandang paraan para matuklasan ang mga bagong destinasyon, subukan ang mga kakaibang karanasan, o magpahinga muna mula sa araw-araw na gawain. Pero para sa mga taong may nararamdamang kirot dulot ng almoranas, ang paglalakbay ay maaaring magdulot ng pangamba at alalahanin habang nasa biyahe.
Ang almoranas ay maaaring magdulot ng kirot, pangangati, hindi komportableng pakiramdam, at pagdugo sa puwitan, na nagiging rason upang mahirapan ka sa biyahe.1 Ngunit sa tulong ng magandang pagpaplano at mga tips, maaari ka pa ring mag-enjoy sa iyong pag-alis nang hindi naiipit sa ‘yong kondisyon.
Sa gabay na ito, ibabahagi namin ang mga praktikal na payo kung paano maglakbay ng may almoranas, upang makasigurong magiging masaya ang buong biyahe mo. Tara, alamin natin ang iba pang detalye sa ibaba.
Kumonsulta sa Iyong Doktor Tungkol sa Iyong Almoranas
Bago ka bumiyahe, mas magandang kumonsulta muna sa iyong doktor para masigurong maayos ang iyong kalusugan. Sila’y magbibigay ng reseta ng gamot, magrerekomenda ng specific treatments, o magbibigay ng mga tips na tugma sa iyong mga kailangan.
Iba-iba ang kaso ng almoranas, at ang isang healthcare professional ay makapagbibigay ng gabay base sa iyong sitwasyon.2 Ito ay magtitiyak na mayroon ka ng mga tamang kasangkapan at kaalaman para pangalagaan ang iyong almoranas habang malayo sa bahay, na nagdudulot ng mas maginhawang biyahe.
Mag-empake ng mga Produkto para sa Almoranas
Ang portable relief kit ay isang magandang paraan upang ihanda ang iyong sarili sa oras na hindi ka maging komportable habang nasa biyahe. Ito’y dapat naglalaman ng mga importanteng bagay tulad ng medicated wipes, hemorrhoid creams, Diosmin + Hesperidin Daflon® 1000, at mga over-the-counter na gamot para sa sakit. Ang mga produktong ito ay maaaring magbigay ng agarang ginhawa kung sakaling magkaroon ka ng problema dahil sa almoranas.
Hindi madali ang magkaroon almoranas dahil sa kirot na dulot nito kapag ikaw ay nakaupo sa loob ng sasakyan o eroplano ng ilang oras. Pero sa tulong ng mga gamot na ito, maaagapan mo agad ang anumang sintomas ng almoranas habang nasa biyahe nang walang aberya. Makakatulong ito sa iyo na mabawasan ang sakit ng almoranas at mapanatili ang komportableng biyahe.
Manatiling Hydrated Upang Maiwasan ang Sumpong ng Almoranas
Ang tamang pag-inom ng tubig ay napakahalaga sa kalusugan. Ito’y nakakatulong sa kabutihan ng ating katawan, lalo na para sa mga may almoranas dahil naaagapan nito ang sintomas.
Kapag hindi tayo umiinom ng sapat na tubig, ito’y nagdudulot ng dehydration na maaaring magsimula ng sumpong ng iyong almoranas.3 Kaya naman ang pagsigurado na meron kang tamang hydration ay napakahalaga sa iyong biyahe. Ang kailangan mong dami ng tubig na iniinom ay depende sa iyong edad, kasarian, aktibidad, at klima.
Base sa general guideline, kailangang uminom ng tubig nang hindi kukulangin sa 8-ounce na baso kada araw. Ito’y upang masigurong maayos ang iyong digestive system at maiiwasan ang pagkabalisa habang nasa labas. Makakatulong din ang pagdadala ng isang punong water bottle para mapanatili ang iyong hydration sa buong araw. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ka ng hassle-free na biyahe nang walang iniindang sintomas ng almoranas.
Panatilihin ang Mataas na Fiber Diet Para Mabawasan ang Sintomas ng Almoranas
Ang pagkain at pagsubok ng iba't-ibang masasarap na pagkain at bagong restaurants ay isang masayang bahagi nang paglalakbay. Pero importante pa ring maging mas mapanuri sa iyong mga kinakain. Ito’y nakakatulong upang masigurong maayos ang iyong katawan at mas makapag-enjoy ka pa sa buong biyahe.
Ang pagdaragdag ng mga pagkain na may mataas sa fiber sa iyong diyeta ay magandang paraan para sa almoranas dahil nakakatulong ito sa ‘yong regular bowel movements.4
Kasama dito ang:
- Prutas 4
- Gulay 4
- Whole grains 4
Ang pagkain ng mga ito ay nagpapalambot ng dumi, nagdadagdag ng laman, at nagpapabuti ng bowel movements. Ito ay hindi lamang nakakatulong laban sa mga sintomas ng almoranas, kundi magandang solusyon upang maiwasan ito.
Kumilos kahit nasa Biyahe Para Mabawasan ang Pwersa sa Almoranas
Ang mga biyahe sa eroplano o kalsada ay madalas na nangangailangan ng mahabang pag-upo, na nagdudulot ng pressure sa almoranas, na nagpapalala ng iyong pagkabalisa.5 Upang pagaanin ito, siguraduhing maglaan ng maikling minuto nang hindi umuupo.
Subukan mong tumayo, i-stretch ang iyong mga paa, at maglakad-lakad para maibsan ang pressure sa iyong lower rectum at anal area.6 Maaari ring maglaro ng mga card games habang nasa biyahe o kung nahihirapan ka na sa pag-upo.
Ang mga maikli at simpleng galaw na ito ay malaki ang maitutulong para mabawasan ang sakit at discomfort dulot ng almoranas, at mapabuti ang iyong kabuuang travel experience.
Mga Aral
Ngayon na alam mo na kung paano maglakbay na may almoranas, maari ka nang mag-focus sa pagpaplano at pag-e-enjoy ng iyong matagal nang inaasam na bakasyon. Huwag hayaan na ang mga sakit at kirot ay makasira sa iyong mga plano. Ang pagsunod sa mga tips na ito sa iyong travel routine ay makakatulong. Siguruhin ding pakinggan ang mga senyales ng iyong katawan upang matulungan kang labanan ang anumang sintomas ng almoranas habang ikaw ay nasa biyahe.
Kailangan mo ba ng relief mula sa sakit para mas maging komportable ka’t hindi na ito maulit? Subukan ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), isang gamot na naglalaman ng dalawang aktibong sangkap, ang diosmin at hesperidin, na nagpapabawas ng sakit, pamamaga, at discomfort ng almoranas. Bumili na ngayon para maiwan ang kirot ng almoranas sa tuwing ikaw ay naglalakbay papunta sa iyong destinasyon!
REFERENCES
-
Hemorrhoids: Signs, Diagnosis, and Treatment (healthline.com) https://www.healthline.com/health/hemorrhoids#symptoms
-
Hemorrhoids: The Definitive Guide to Medical and Surgical Treatment – Consult QD (clevelandclinic.org) https://consultqd.clevelandclinic.org/hemorrhoids-the-definitive-guide-to-medical-and-surgical-treatment/
-
Tips for Drinking More Water To Help Hemorrhoids | Venixxa https://venixxa.ca/blog/hemorrhoids-disease/stay-hydrated-this-winter/
-
Hemorrhoids: Signs, Diagnosis, and Treatment (healthline.com) https://www.healthline.com/health/hemorrhoids#prevention
-
Hemorrhoids - Symptoms and causes - Mayo Clinic https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
-
Best Exercises for Hemorrhoids: Plus Home Remedies & Lifestyle Tips (healthline.com) https://www.healthline.com/health/exercises-for-hemorrhoids
2024