Varicose Veins

Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease

Chronic Venous Disease

3/27/2025

Pag-unawa sa Mga Yugto ng Sakit sa Ugat: Kompletong Gabay

Overview

  • Ang vein disease ay isang kondisyon na nakakaapekto sa maraming Pilipino, madalas nagdudulot ng discomfort at naaapektuhan ang pang-araw-araw na gawain.
  • Ang vein disease ay may iba’t ibang yugto, nagsisimula sa mga cosmetic issues, tulad ng spider veins at maaaring umabot sa mas malalang kondisyon gaya ng varicose veins, pamamaga, pagbabago sa balat, at venous ulcers.
  • Ang maagap na aksyon at tamang pamamahala, kasama ang paggamit ng mga gamot gaya ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), ay makakatulong upang maiwasan ang mas malalang komplikasyon at mapabuti ang daloy ng dugo.

 

Introduction 

Ang vein disease, na kilala rin bilang venous insufficiency, ay isang kondisyon kung saan hindi nagfa-function nang maayos ang mga ugat sa paa, kaya’t naiipon ang dugo sa mga ugat1. Ito ay maaaring magdulot ng iba’t ibang sintomas, tulad ng pananakit, pamamaga, at varicose veins. Mahalagang maunawaan ang mga yugto ng sakit na ito upang matukoy ang kalubhaan ng iyong kondisyon at makahanap ng tamang lunas.

Sa artikulong ito, ipapaliwanag namin ang mga yugto ng sakit sa ugat, mula sa mga unang senyales hanggang sa mas malalang sintomas, at kung paano ito ima-manage nang may tamang pag-aalaga at treatment.

 

mga yugto ng vein disease

Ano ang Mga Yugto ng Sakit sa Ugat?

Ang sakit sa ugat ay unti-unting lumalala sa bawat yugto, kung saan bawat isa ay may iba’t ibang sintomas at antas kung gaano kalala1. Ang mga ito ay maaaring magsimula sa simpleng problema tulad ng spider veins na pang-cosmetic lamang, ngunit maaari ding mauwi sa mas seryosong kondisyon na nangangailangan ng medical attention.

 

Yugto 1: Spider Veins

Sa unang yugto, lumalabas ang maliliit at maninipis na ugat na tinatawag na spider veins sa ibabaw ng balat. Ang mga ugat na ito ay kadalasang kulay pula, asul, o lila at karaniwang makikita sa mga binti, partikular sa bahagi ng hita at binti2

Bagamat hindi ito madalas na delikado, maaari itong maging palatandaan ng mas malalim na problema sa ugat. Kahit na ito’y cosmetic issue lamang, p’wede pa rin itong magdulot ng bahagyang pangangati o tila mainit na pakiramdam sa apektadong lugar.

 

Yugto 2: Varicose Veins

Ang mga ugat sa binti ay lumalaki at nagiging baluktot. Ang varicose veins ay makikita sa ilalim ng balat, maumbok, at namamaga. Karaniwan itong may kasamang pananakit o bigat sa mga binti, lalo na kapag matagal kang nakatayo o nakaupo3

Bukod sa hindi magandang tingnan, ito ay maaaring magdulot ng pangangati, pamamaga, at pananakit. Maaaring makatulong ang mga treatments, gaya ng compression therapy o medical procedure upang bawasan ang mga sintomas at maiwasan ang karagdagang pinsala4

 

Yugto 3: Edema o Swelling

Ang parteng ito ay nagpapakita ng kapansin-pansing pamamaga o edema sa mga binti at bukung-bukong. Karaniwang mas matindi ang pamamaga kung patapos na ang araw dahil sa mahinang daloy ng dugo5

Ang pamamaga ay nangyayari dahil hindi maayos na naibabalik ng mga ugat ang dugo papunta sa puso, kaya nagkakaroon ng likido sa mga tissue6. Mahalagang maagapan ang pamamaga upang maiwasan ang mas malalang komplikasyon. Ang paggamit ng compression stockings, pag-angat ng mga binti, at mga ehersisyo gaya ng paglalakad ay makakatulong upang mabawasan ang pamamaga at mapabuti ang daloy ng iyong dugo.

 

Yugto 4: Skin Changes

Sa yugtong ito, nagsisimula nang magbago ang balat sa paligid ng iyong bukung-bukong at ibabang bahagi ng binti7. Maaaring mapansin ang pagkakaroon ng discoloration (hyperpigmentation), pangingitim ng balat, at pakiramdam ng paninikip o iritasyon.

Ang iyong balat ay maaari ding maging brittle, at sa malalang mga kaso, maaaring magkaroon ng sugat o ulcers. Ang mga pagbabagong ito sa balat ay dulot ng mahinang daloy ng dugo at kakulangan ng oxygen sa mga tissue. Mahalagang magpakonsulta agad sa iyong doktor upang maiwasan ang paglala ng kondisyon at mga komplikasyon gaya ng sugat na hindi gumagaling o impeksyon8.

 

Yugto 5: Healed Venous Ulcers

Sa stage na ito, ang anumang sugat o ulcer na dulot ng venous insufficiency ay maaaring magsimulang gumaling, ngunit ang bahagi ay mananatiling sensitibo. Kahit na gumaling na ang venous ulcers, maaaring magdulot pa rin ito ng discomfort at may posibilidad na bumalik kung hindi maaalagaan nang mabuti.

Upang maiwasan ang muling paglitaw ng ulcers, mahalagang ipagpatuloy ang iyong treatment at bantayan ang lugar para sa anumang senyales ng impeksyon o pag-relapse. Ang paggamit ng compression therapy at pagbabago sa iyong lifestyle ay makatutulong din upang maiwasan ang mga susunod na ulcers9.

 

Yugto 6: Active Venous Ulcers

Ito ang pinakamalubhang yugto ng sakit sa ugat. Ang mga active venous ulcers ay ang mga sugat na bukas na karaniwang nabubuo sa balat malapit sa bukung-bukong10. Ang mga ito ay masakit at matagal bago gumaling, na nagdudulot ng panganib sa impeksyon.

Kung hindi magagamot, maaari itong magdulot ng mas malubhang komplikasyon at makaapekto nang husto sa kalidad ng iyong buhay. Kailangan ng agad-agarang gamutan dito, tulad ng advanced treatment sa sugat, vein surgery, o iba pang medical procedure. 

 

babaeng may vein disease

Paano ito Maiiwasan

Maraming paraan para mapigilan ang paglala ng sakit sa ugat. Ang regular nap ag exercise, pagtaas ng mga binti, pagpapanatili ng tamang timbang, at pag-iwas sa pagtayo nang matagal o pag-upo ay makakatulong upang manatiling malusog ang mga ugat. Bukod dito, ang pagsusuot ng compression stockings ay maaaring makatulong sa sirkulasyon ng dugo at mabawasan ang pamamaga. 

Isang mabisang paraan din upang mapangalagaan ang kalusugan ng ugat ay ang paggamit ng Daflon (Diosmin + Hesperidin). Nakakatulong ito upang mabawasan ang pamamaga, mapalakas ang mga ugat, at mapabuti ang daloy ng dugo.

Ang gamot na ito ay madalas na nirerekomenda upang maibsan ang mga sintomas ng sakit sa ugat, lalo na sa mga unang yugto, at maaaring maging mahalagang bahagi ng iyong plano sa gamutan.

 

Key Takeaway 

Ang pag-unawa sa mga yugto ng sakit sa ugat ay mahalaga upang maagapan ito at maiwasan ang mga komplikasyon. Kung nakakaranas ka ng mga sintomas, tulad ng spider veins, pamamaga, o pananakit, mahalagang kumilos agad at kumonsulta sa iyong doktor.

Kasabay ng mga medical treatments tulad ng compression therapy at surgical option, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay malaking tulong sa pagma-manage ng sakit sa ugat at pagpapabuti ng daloy ng dugo. Ang maagang aksyon ay may malaking epekto sa iyong pangkalahatang kalusugan, na magbibigay-daan sa iyong magkaroon ng mas aktibo at komportableng buhay. Huwag hintayin pang lumala ang iyong kondisyon, pangalagaan ang iyong kalusugan sa ugat ngayon din.

REFERENCES

  1. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16754-venous-disease
  2. https://www.medicalnewstoday.com/articles/324276
  3. https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/varicose-veins
  4. https://www.medicalnewstoday.com/articles/240129
  5. https://www.stridecare.com/blog/vein-disease-stages-when-to-act/
  6.  https://www.webmd.com/dvt/dvt-venous-insufficiency
  7. https://texaseva.com/vein-disease/leg-ulcers/
  8. https://texaseva.com/posts/treatment/chronic-venous-insufficiency-stages/
  9. https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/chronic-venous-insufficiency
  10. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC3478919/

2025