Pagiwas sa Chronic Venous Disease
Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti
Gamot sa Chronic Venous Disease
8/16/2023
Paano Gamutin Ang Varicose Veins
Ang varicose veins ay hindi lamang isang problema sa panglabas ng ating kabuuang itsura, kundi pati na rin sa ating kalusugan. Ang paglitaw nito sa ating mga binti ay isang malinaw na pagpapakita ng matinding venous insufficiency, na sanhi ng pagbabago sa venous wall, na dahilan sa pagkabanat ng malusog na mga ugat1. Ang varicose veins ay kadalasang resulta ng pagbuka ng mga ugat (venous dilatation), pinsala sa balbula ng ugat (venous valve damage), o pareho, bagama’t maari rin itong resulta ng deep vein thrombosis1.
Ilan sa mga karaniwang risk factors nito ay ang medikal na kasaysaysan ng inyong pamilya, kasarian (mas madalas sa babae), mas matandang edad, matinding pagtaas ng intra-abdominal pressure dahil sa labis na katabaan, pagbubuntis, matinding paninigas ng dumi (pagtitibi), tumor, at matagal na pagtayo.2
Paano ginagamot ang varicose veins?
Ang varicose veins ay maaaring humantong sa mga komplikasyon tulad ng impeksyon, ulser at paglitaw ng thrombi.2 Samakatuwid, napakahalaga na gamutin ito sa lalong madaling panahon3. Kapag pumipili ng gamot, dapat isaalang-alang ang mga sintomas at kagustuhan ng pasyente na gamutin ito.
Sa mga unang yugto ng sakit, mas mainam ang konserbatibong paggamot. Kasama dito ang compressive therapy, pagpapahinga nang nakataas ang mga binti at mga pagbabago sa pamumuhay: pag eehersisyo, pagbabawas ng cardiovascular risk at pag-iwas sa pamamaga ng mga binti. Mahalaga rin na maiwasan ang mga iba-ibang kadahilanan ng panganib tulad ng pagiging sobra sa timbang.2
Ang mga hakbang na ito ay sinusuportahan ng paggamit ng venotonic na gamot upang mapawi ang mga sintomas, partikular na sa pamamaga.4 Ang epekto nito ay sa macro- at microcirculation, venous wall at valves, pagpapababa ng pamamaga at binabago ang mga pamamaraan na pweding pagsimulan ng venous hypertension. Dahil sa hindi magandang epekto ng elastic compression therapy sa mga maiinit na bansa, ang venoactive na gamot ay ang tanging magagamit na alternatibo para sa paggamot ng maagang yugto ng CVD5.
Maaari bang alisin ang varicose veins?
Sa mga kaso kung saan ang varicose veins ay malala na, ang surgical treatment ay kinakailangan, na may layuning alisin ang blood reflux, ibalik ang normal na sirkulasyon at alisin ang varicose veins upang sugpuin ang mga sintomas at maiwasan ang mga komplikasyon.2,4 . Ang surgical treatment ay depende sa uri ng varicose veins at sa bawat partikular na kaso, isinasaalang-alang ang mga posibleng komplikasyon nito. Ang pinaka-madalas na pamamaraan ng operasyon ay2:
- Thermal ablation: sinisira ang mga napinsalang ugat sa pamamagitan ng paggamit ng laser sa labas o sa pamamagitan ng pagpasok ng catheter sa ugat2. Ang dalawang pagpipilian ay:
- External laser thermal ablation: gumagana para sa "spider veins" (telangiectasias)2.
- Endovenous thermal ablation (na may laser o radio waves): gumagana para sa mas malalaking ugat2.
- Endovenous sclerotherapy: ito ay ang pag-iniksyon, sa tulong ng ultrasound, ng isang materyal na nagdudulot ng pamamaga, na babarahan ang ugat. Pangunahing ginagamit ito sa maliliit (1-3mm) hanggang katamtamang (3-5mm) na laki ng mga ugat2.
- Surgery: Ang pagoopera ay binubuo ng paghinto sa sakit sa saphenous veins sa pamamagitan ng pagtanggal nito. Bagama't malawakang ginagamit, kamakailan ay pinalitan ito ng mga mas bagong pamamaraan tulad ng thermal ablation o sclerotherapy na nagdudulot ng mas mabilis na paggaling2. Ang laser thermal ablation ay mas pinahihintulutan kaysa sa sclerotherapy at operasyon, dahil mas kaunti ang masamang epekto ngunit may kaparehong bisa2.
Ang operasyon ay matagal nang itinuturing na pinakamahusay na paggamot para sa varicose veins. Gayunpaman, kamakailan lamang, ang mga bagong diagnostic technique tulad ng Echo-Doppler ay kabilang sa mga bagong operasyon na paggamot na hindi gaanong agresibo, ngunit parehong epektibo. Sa paglipas ng panahon, ang konsepto ng pinakamahusay na paggamot para sa varicose veins ay nagbabago at lumalawak na din ang pagpipilian ng mga pasyente6.
REFERENCES
- Nicolaides A, Kakkos S, Baekgaard N et al. Management of chronic venous disorders of the lower limbs. Guidelines According to Scientific Evidence. Part I. Int Angiol. 2018; 37:181-254.
- Raetz J, Wilson M, Collins K. Varicose Veins: Diagnosis and Treatment. Am Fam Physician. 2019 Jun 1;99 :682-688.
- Eberhardt RT, Raffetto JD. Chronic venous insufficiency. Circulation. 2005. 10;111:2398-409.
- Carrasco E, Díaz S. Recomendaciones para el manejo de la Enfermedad Venosa Crónica en Atención Primaria. 2015. Available at: https://www.semergen.es/resources/files/noticias/venosaCrocina_1.pdf
Last accessed on May 2022 - Abbad M et al. Guía de práctica clínica en enfermedad venosa crónica del Capítulo de Flebología y Linfología de la Sociedad Española de Angiología y Cirugía Vascular. Angiología 2016;68: 55-62
- Rial Horcajo R, Serrano Hernando FJ et al. Enfermedad venosa crónica. Conceptos actuales y avances terapéuticos. Med. 2017 Oct 1;12:2448–57.
2024