Chronic Venous Insufficiency

Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti

Gamot sa Chronic Venous Disease

7/28/2023

Paano Gamutin ang Mabigat at Masakit na Binti Dulot ng CVI

Ano ang mga paraan para ibsan ang venous insufficiency?

Ang venous insufficiency ay isang napakalaganap na sakit. Ang mga pinakakaraniwang sintomas nito ay ang pagkapagod at bigat ng mga binti, varicose veins at varices, pamamaga, sakit, pamumulikat, at paresthesia.1

Ito ay isang sakit na lumalala sa paglipas ng panahon at dapat gamutin nang agaran upang mabawasan ang mga sintomas nito at maiwasan ang paglala ng sakit, pati na rin ang mga komplikasyon nito.

Mabuti na lamang at maaari kang gumawa ng ilang mga pagbabago sa iyong pang araw-araw na pamumuhay upang mapabuti ang iyong mga binti at magkaroon ng tiyansang magamot ito.

Unang-una at pinakamahalaga, mahalaga na baguhin ang iyong pamumuhay, lalo na kung ikaw ay buntis3. Dapat ring nakatuon ang lahat ng iyong mga hakbang sa pagpapabuti ng pagdaloy ng dugo sa iyong ugat (venous reflux).

pagtaas ng binti para sa varicose veins

Pagtaas ng mga binti

Ang sakit at iba pang mga sintomas ng venous insufficiency ay sanhi ng pagtaas ng presyon sa ugat (venous hypertension). Kung kaya’t ang pagtaas ng mga binti ng 30 minuto ay dapat mong gawin at mas mainam kung gagawin mo ito ng 3 o 4 beses sa isang araw upang mabawasan ang venous hypertension, mapabuti ang microcirculation ng iyong balat, mabawasan ang ulser ng ugat (venous ulcers) at pamamaga (edema)3. Bababa rin ang presyon sa iyong laman (intramuscular pressure). Kung kaya’t makakatulong ang gawaing ito sa pag-alis ng sakit at pagkaipon ng dugo sa iyong mga ugat.3

 

exercise for varicose veins

 

Ehersisyo

 Ang mga kalamnan ng binti ay gumagana sa pamamagitan ng pagpa-pump ng iyong dugo pabalik sa puso. Dahil dito, ang physiotherapy at pag-eehersisyo ay nagiging tulay upang maibalik ang lakas ng kalamnan ng iyong mga binti3. Ang mga bukong bukong, na nagpapalakas ng daloy ng dugo kapag ginagalaw, ay kasama din sa sirkulasyon ng ugat. Kung kaya’t nakakatulong ang paggalaw ng iyong bukong bukong at daliri sa paa upang mapabilis ang pagdaloy ng iyong dugo3.

 

compression stocking

 

Compression stocking

Ito ay nagbibigay ng mataas na presyon sa iyong mga bukong bukong hanggang sa unti-unti itong nababawasan papunta sa iyong mga hita.1 Nagbibigay din sila ng panlabas na pwersa na nagpapabuti sa pagtanggal ng pamamamga sa iyong mga binti3. Kailangan suotin ito palagi upang mas maging epektibo ito sa iyong mga binting apektado ng venous insufficiency.3

 

gamot para sa varicose veins

Mga Gamot para sa Venous Insufficiency

Bukod sa malusog  na pamumuhay, mayroong mga venoactive substances na ginagamit sa paggamot ng venous insufficiency. Ilan sa mga ito ay natural ang pinanggalinan, na pinapagaling ang iba't ibang antas ng manas at mga sintomas4 nito tulad ng: pagpapabuti ng kalusugan ng ugat (venous tone), pinapagaling ang pamamaga ng mga binti, binabawasan ang manas, pinapagaan ang sakit, pinapabuti ang lymphatic drainage, at binabawasan ang lapot ng dugo. Maari mo itong mabili sa pamilihan, at marami sa mga ito ay may aktibong sangkap4, tulad ng saponins at flavonoids. Ang mga ito’y inirerekomenda dahil ipinapakita nila ang kanilang epekto sa paggamot ng mga sintomas at manas.

May lunas ba sa venous insufficiency?

Bagaman ang venous insufficiency sa mga binti ay isang pangmatagalang problema, ang paggamot ay dapat simulan sa lalong madaling panahon upang mawala ang mga sintomas at maiwasan ang paglubha nito2. Higit sa lahat, kinakailangan mong baguhin ang iyong pang araw-araw na pamumuhay, tulad ng pagtaas ng mga binti, pag-eehersisyo, o pagsusuot ng mga stockings na may kompresyon.2

REFERENCES

  1. Mayra RA, Pérez F. Documento SEMG: Manejo y derivación en insuficiencia venosa crónica. 2017. Available at: https://www.semg.es/images/stories/recursos/2017/documentos/Monografia_INSF.VENOSA.CRONICA.pdf
  2. Eberhardt RT, Raffetto JD. Chronic venous insufficiency. Circulation. 2005. 10;111(18):2398-409.
  3. Lower extremity pain from chronic venous insufficiency: A comprehensive review. Cardiol Ther. 2021;10:111-40
  4. Carrasco E, Díaz S. Recomendaciones para el manejo de la Enfermedad Venosa Crónica en Atención Primaria. 2015. Available at https://www.semergen.es/resources/files/noticias/venosaCrocina_1.pdf  Last accessed on May 2022 

2024