Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease

Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti

Chronic Venous Insufficiency

7/27/2023

Pagod na mga Binti, Isang Sintomas ng Venous Insufficiency

Bakit nakakaramdam ako ng pagod, pamamaga, at pagkabigat sa aking mga binti?

Ang mga ugat sa ating mga binti ay kinakailangang itulak pabalik sa puso ang dugo na dumadaloy sa ating katawan laban sa gravity. Upang magawa ito, pinipisil ng mga kalamanan na nakapalibot sa ugat at sa tulong din sa mga balbula, napipigilan nito ang pag-balik ng dugo  pabababa sa paa.

Subalit may mga pagkakataon na hindi maayos ang sistema ng pagdaloy nito. Kapag nangyari ito, ang mga ugat na hindi maayos na nakakabalik ang dugo sa ating puso gaya ng inaasahan, ay maaring bumukol at ang ilang likido ay maaring tumagas. Ang pangyayaring ito ay maaaring maging sanhi ng pamamaga at pagbigat ng ating mga binti. 1

varicose veins at pagod na binti

Nakakaramdam ako ng pagod sa aking mga binti, nangangahulugan ba may venous insufficiency ako?

Ang pagkapagod sa binti na dulot ng venous insufficiency ay maaaring lumitaw bilang isang malamlam na kurot, palpitations, o pagkaramdam ng presyon matapos ang mahabang pagkakatayo. May mga ibang tao na inilalarawan ang pagod na kanilang nararamdaman sa kanilang mga paa bilang “namamaga” o isang uri ng pangangalay.2

Ito ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng pagtugon sa mga hakbang upang mapabuti ang sirkulasyon ng dugo, tulad ng pagtaas ng mga binti, paglalakad, pagsusuot ng compression stockings o paggamit ng mga venoactive drugs (gamot para sa mga ugat).3

Kung iniisip mo na ikaw ay mayroon ng anumang sintomas na nabanggit dito, dapat kang kumonsulta sa iyong doktor upang masuri ka ng maayos.

Mga Salik na Nagiging Sanhi ng Venous Insufficiency

May mga ilang kadahilanan na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng pagkapagod sa mga binti. Ang ilan sa mga kadahilanang ito ay hindi na maaaring mabago, tulad ng edad, kasarian (lalo na sa mga babae), namana mula sa pamilya, o hormonal na kalagayan (tulad ng pagbubuntis). Gayunpaman, may mga iba pang kadahilanang maaari pang maiwasan o baguhin, kabilang dito ang sedentaryong pamumuhay, labis na pagkakabilad sa araw at init, mahabang oras ng pagkatayo, sobrang timbang, at hirap sa pagdumi.1  Kaya’t mahalagang sundin ang mga payo at rekomendasyon upang malunasan ang nararamdamamng pagod sa mga binti.

iwasan nag varicose veins

Ano ang Dapat Kong Gawin Tungkol Dito?

Ang venous insufficiency at pagkapagod ng mga binti ay kadalasang itinuturing na maliit na problema ng mga doktor at hindi binibigyan ng tamang pansin.Gayunpaman, ang maagang pagpapasuri at ang paggamit ng mga gamot na pang-iwas dito ay maaring magpabawas ng mga sintomas at paglala ng sakit.2 

Bukod pa rito, ang venous insufficiency ay maaaring maging komplikado at mas lumala kung hindi makakuha ng tamang paggamot na nararapat dito.2 Kaya’t mahalagang tugunan ang nararamdaman mong pananakit ng binti sa lalong madaling panahon gamit ang mga sumusunod na pamamaraan2:

 

  • Sundin mo ang balanseng pagkain upang maiwasang tumaas ang iyong timbang.
  • Pag-ehersisyo at kung maari, paglalakad.
  • Pag-iwas sa mahabang pagkatayo, at kung kinakailangang tumayo, i-bend ang mga muscles ng mga binti paminsan-minsan.
  • Pag-iwas ng pag-suot ng mga masisikip na damit at sapatos.
  • Magsuot ng compression stockings.
  • Maligo gamit ng malamig na tubig at magpamasahe ng mga binti.
  • Itaas ang mga binti kapag nagpapahinga.

 

Mayroon ding mga gamot na tumutulong sa pagpapalakas ng paggalaw at kalidad ng mga ugat. Tumutulong ito sa pagpapabuti ng mga sintomas at pagpigil sa paglala ng sakit. 2

Paano Ko Maiiwasan ang Sakit at Pagod ng Aking mga Binti?

Buti na lang may ilang praktikal na payo para paginhawain ang sakit at pagod ng ating binti. May mga paraan na maaring isagawa sa bahay o sa trabaho, at maaring maging kapaki-pakinabang sa mga partikular na sitwasyon sa oras na ang mga sintomas ay maaring lumala, tulad ng mahabang biyahe, habang nagdadalang tao, o tuwing tag-init. 1, 5, 6

REFERENCES

  1. Sociedad Española de Farmacia Comunitaria. Guía práctica para prevenir y tratar el síndrome de piernas cansadas. Available at: https://www.sefac.org/sites/default/files/2017-11/Sind__piernas_cansadas.pdf 
  2. Piera Fernández M. Piernas cansadas. Atención especial. Farmacia Profesional. 2002;16:96-99
  3. Youn YJ, Lee J. Chronic venous insufficiency and varicose veins of the lower extremities. Korean J Intern Med. 2019;34:269-283.
  4. Eberhardt RT, Raffetto JD. Chronic venous insufficiency. 2014;130:333-346.
  5. Maya RA, Pérez F. Documento SEMG: Manejo y derivación en insuficiencia venosa crónica. 2017. Available May 2022 at: https://www.semg.es/images/stories/recursos/2017/documentos/Monografia_INSF.VENOSA.CRONICA.pdf  Last accessed May 2022 
  6. Gallus AS. Travel, venous thromboembolism, and thrombophilia. Semin Thromb Hemost. 2005;31:90-96.

2024