Pagiwas sa Almoranas

Almoranas

4/29/2025

Tips sa Pag-iwas ng Almoranas Habang Tumatanda

Overview

  • Sa artikulong ito, pag-uusapan ang ilang madaling tips para maiwasan ang hemorrhoids habang tumatanda.
  • Kasama dito ang pagkain ng mas maraming fiber, pag-inom ng sapat na tubig, regular na pag-ehersisyo, pag-iwas sa matagal na pag-upo sa toilet, at agad na pagtugon kapag kailangan magbawas.
  • Sa pagsunod sa mga simpleng tips na ito, mababawasan ang posibilidad ng pagkakaroon ng hemorrhoids, maiiwasan ang sintomas, at mapapanatili ang malusog at aktibong pamumuhay habang tumatanda.

 

Introduction 

Dumadaan ang katawan natin sa iba’t ibang pagbabago na maaaring magdulot ng mga problema sa kalusugan habang tayo ay tumatanda, kabilang na ang almoranas. Ang almoranas ay namamagang ugat sa bahagi ng puwet na maaaring magdulot ng hindi komportableng pakiramdam, pangangati, pananakit, at minsan ay pagdurugo kapag dumudumi1.

Ang magandang balita ay ang mga simpleng pagbabago sa iyong mga gawain at lifestyle na makakatulong upang maiwasan at ma-manage ang almoranas. 

Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga tips sa pag iwas sa almoranas habang tumatanda. Sa pagsunod sa mga madaling hakbang na ito, mababawasan mo ang panganib ng pagkakaroon ng almoranas.

 

matanda kumakain ng ensalada

Dagdagan ang Pagkain ng Fiber

Ang fiber ay nakakatulong upang maging malambot ang iyong dumi, kaya mas madali itong mailabas nang hindi napipilitang magbawas. Habang tumatanda, bumabagal ang takbo ng iyong digestive system at humihina ang mga tissues na sumusuporta sa mga ugat, kaya mas nagiging prone ka sa almoranas2.

Para madagdagan ang fiber sa iyong pagkain, isama ang mga pagkaing may mataas na fiber sa iyong pagaraw-araw na pagkain. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang whole grains tulad ng oats, quinoa, at brown rice; mga prutas tulad ng mansanas, peras, at berries; at gulay tulad ng broccoli, carrots, at dahon.

Sikapin mong kumain ng 25-30 grams ng fiber araw-araw at unti-unting dagdagan ito upang maiwasan ang kabag o gas sa iyong katawan3.

 

matanda umiinom ng tubig

Manatiling Hydrated

Habang tayo’y nagkakaedad, bumababa ang kakayahan ng ating katawan na magpanatili ng tubig. Kaya naman, mahalagang maging mapanuri sa iyong pag-inom ng tubig. Ang dehydration ay maaaring magdulot sa ‘yo ng constipation, na nagpapataas ng posibilidad ng pagkakaroon ng almoranas4.

Ang tubig ay nakakatulong upang maging maayos ang takbo ng pantunaw sa pamamagitan ng pagpapalambot ng dumi, kaya mas madaling mailabas ito nang hindi napipilitang magbawas5.

Subukan mong uminom ng tubig paunti-unti sa buong maghapon, kumain ng mga prutas at gulay na maraming tubig tulad ng pakwan at pipino, at isama ang mga sabaw sa iyong pagkain.

Maaari mo ring ilagay ang tumbler mo sa iyong tabi, upang gawing bahagi ng routine ang water breaks, at tandaan na kahit paunti-unting pag-inom ay may malaking benepisyo sa iyong kalusugan6.

 

matandang tumatakbo

Mag-regular Exercise

Ang physical activities ay nakakatulong upang mapanatili ang paggalaw ng iyong digestive system, na nagpapababa ng posibilidad ng constipation. Pinapalakas din nito ang malusog na daloy ng iyong dugo, na nakakatulong naman upang maiwasan ang pag-ipon ng dugo sa mga ugat sa paligid ng puwet7.

Hindi mo kailangang magsagawa ng matinding exercise para makuha ang mga benepisyong ito; kahit mga simpleng galaw lang tulad ng paglalakad ay malaking tulong na.

Maaari ka ring maglaan ng schedule kagaya ng 30 minutong low-impact activity limang beses sa isang linggo. Maaari ka ring magsimula sa isang 20-minute walk sa umaga, mag-stretching nang magaan sa lunch break, o subukan ang beginner yoga sa gabi8. Kung hindi mo kaya ang 30-minute exercise, maaari mo itong hatiin sa 10-minute session sa buong araw.

Hindi mo kailangan magpapawis nang maigi, basta’t panatilihin lamang ang tamang paggalaw ayon sa kung ano’ng kaya mo.

 

matandang nakaupo sa toilet

Iwasan ang Matagal na Pag-upo sa Toilet

Alam nating lahat kung gaano ka-tempting dalhin ang ating mga cellphones sa loob ng banyo para mag-scroll sa social media, manood ng video, o maglaro ng games. Ngunit, ang sobrang tagal na pag-upo sa toilet ay maaaring magpataas ng pagkakataon na magkaroon ka ng almoranas9.

Nagkakaroon ito ng dagdag na pressure sa mga ugat sa iyong rectum, na maaaring magdulot ng pamamaga at sa kalaunan ay maging almoranas. Lalo na kung ikaw ay nahihirapan sa pagdumi, dahil ang patuloy na pag-ire ay nagpapahina sa mga ugat at nagiging sanhi ng discomfort. Kaya't kahit parang mabilis na break lang, ang oras na ginugol mo sa toilet ay maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na strain sa iyong katawan10.

Para maiwasan ang sobrang pag-upo, limitahan ang oras mo sa toilet sa 5–10 minuto lang11. Kung nahihirapan kang dumumi, subukan mong baguhin ang posisyon mo habang nakaupo. Iangat ang mga paa gamit ang maliit na stool o footrest habang nakaupo sa inidoro.

Makakatulong ito upang maging maayos ang iyong rectum para mas madali at hindi na kailangang mag-strain habang dumudumi.

 

matandang may walker na nasa toilet

Magbawas Agad kung Kinakailangan

Minsan, dahil sa ating abalang schedule o maghapong gawain, nakakaligtaan natin ang mga senyales ng ating katawan at ipinagpapaliban ang pagpunta sa banyo kapag tayo ay nakakaramdam nang pagdumi12

Kapag pinigil mo, maaaring maging mas matigas at tuyot ang iyong dumi, kaya't magiging mas mahirap at masakit itong ilabas. Ang dagdag strain na ito ay nagbibigay ng pressure sa mga ugat sa iyong rectum, na maaaring magdulot ng pamamaga, discomfort, at maging almoranas.

Isang magandang tip ay pakinggan ang iyong katawan at unahin ang pagtugon sa mga senyales na kailangan mong mag-banyo. Subukan mong maglaan ng ilang minuto para pumunta sa banyo kapag naramdaman mo ito, kahit na ba ikaw ay may ginagawa. Kung nagmamadali, maglaan lang ng sandali para huminto at siguraduhing hindi mo papabayaan ang urge nang matagal.

 

Mga Dapat Tandaan

Ang pagsunod sa mga simple ngunit epektibong tips sa pag iwas ng almoranas habang tumatanda ka ay makakatulong upang manatiling komportable at malusog. Tandaan, ang pag-aalaga sa mga pangangailangang ito ay magdudulot ng malaking pagbabago para mapanatili ang kalusugan ng iyong katawan at maiwasan ang almoranas sa hinaharap.

Kung kailangan mo pa ng karagdagang suporta, maaaring isama ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) sa iyong pang-araw-araw na gawain. Ang gamot na ito ay tumutulong palakasin ang pader ng mga ugat, bawasan ang pamamaga, at mapabuti ang sirkulasyon, kaya't isang mahalagang kasangga sa iyong mga pagsusumikap upang pamahalaan ang hemorrhoids. Laging kumonsulta sa iyong doktor bago magsimula ng anumang bagong paggamot upang matiyak na ito ay angkop para sa iyo.

REFERENCES

  1. https://medlineplus.gov/hemorrhoids.html
  2. https://www.eufic.org/en/whats-in-food/article/recommended-daily-intake-of-fibre-and-fibre-rich-foods-to-help-you-achieve-it
  3. https://www.ucsfhealth.org/education/increasing-fiber-intake
  4. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/dehydration/symptoms-causes/syc-20354086
  5. https://troygastro.com/the-benefits-of-water-for-digestion/
  6. https://orangecountyhemorrhoidclinic.com/best-and-worst-exercises-for-hemorrhoids/
  7. https://www.healthline.com/health/exercises-for-hemorrhoids#exercises-to-try
  8. https://www.healthline.com/health/phone-toilet-health-risks  
  9. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31996480/
  10. https://edition.cnn.com/2024/11/12/health/phones-on-toilet-wellness/index.html
  11. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC7075634/ 
  12. https://www.medicalnewstoday.com/articles/can-hemorrhoids-cause-constipation

2025