Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti

Pagiwas sa Chronic Venous Disease

3/4/2024

Pagbabago sa Pamumuhay Para Labanan Chronic Venous Disease

Overview

  • Ang mga solusyon sa pag-iwas at paggamot ng CVD ay naglalaman ng epektibong venoactive medication, pagbabago sa pamumuhay, at kamalayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugang pang-ugat.
  • Ang pagpapanatili ng wasto at malusog na timbang ay mahalaga, at ang pagkalkula ng body mass index (BMI) ay maaaring maging solusyon para maiwasan ang posibilidad ng CVD.
  • Iwasan ang pagkain na mataas sa asin at palitan ito ng potassium-rich na pagkain, kasabay ng pagtigil sa paninigarilyo at regular na ehersisyo, para mapanatili ang kalusugan ng ugat at maiwasan ang mga epekto ng CVD.

 

Introduction

Ang Chronic Venous Disease (CVD) ay isang pangkaraniwang kondisyon ng ugat na nagdudulot ng problema sa pamumulikat ng binti at pagdaloy ng dugo mula sa mga paa patungo sa ating puso. Ayon sa Society for Vascular Surgery, ito ay nakakaapekto sa 40% ng populasyon sa United States. Anumang edad o kasarian ay maaaring tamaan nito.1

Bagamat laganap ang CVD, mula sa mga kabataan hanggang sa mga nakatatanda, tila hindi sapat ang atensiyon at pag-unawa sa kabigatan nito. Kung kaya’t mahalaga ang pagbabago sa pamumuhay para labanan chronic venous disease at ang sapat na kaalaman ukol dito.

 

varicose veins

Ano ang Maaaring Gawin upang Mabawasan ang Paglala ng Chronic Venous Disease

Isa sa mga dahilan kung bakit nabubuo ang chronic venous disease ay dahil sa hindi normal na pag-andar ng valve veins ng mga binti—kung kaya’t nahihirapan ang dugong dumaloy pataas sa ating puso. Ito ay nagiging sanhi ng varicose veins, masakit at namamanhid na mga binti, at kawalan ng ginhawa.2

Ang magandang balita ay kapag na diagnose ang sakit na ito nang maaga ay maaari itong masolusyonan ng mga epektibong venoactive medications na may venous anti-inflammatory and venoprotective elements3.

Kasabay pa ng mga pagbabago sa pamumuhay, mas makakasigurado kang magiging matagumpay ang iyong laban sa paglala ng chronic venous disease. Pagdating sa mga pagbabago sa pamumuhay, ito ang mga pangunahing bagay na inirerekomenda:

 

weight control for  varicose veins

Pagpapanatili nang Wasto at Malusog na Timbang

Bagaman maaaring magkaiba ang itinuturing na malusog na timbang sa bawat tao, pagdating sa pagtiyak ng sapat na sirkulasyon ng dugo, malusog na mga ugat at arteries, maaaring magdulot ng negatibong epekto ang taba na nasa ating katawan4.

Lumabas din sa mga pag-aaral na ang sobra-sobrang timbang ay maaaring maging mapanganib at mas magpapalala ng sakit na ito5. Kung kaya’t isa sa mga p’wedeng solusyon dito ay ang pag-alam ng iyong body mass index o BMI6. Sa isang simpleng paraan na ito, maaari nitong mabawasan ang posibilidad na magkaroon ka ng CVD.

 

diet for varicose veins

Ang Kahalagahan ng Balanse at Masustansyang Diet

Isa sa mga pinakamahusay na paraan para mapanatili ang malusog na timbang ay sa pamamagitan ng balanced diet. Ayon sa World Health Organization (WHO), isang malusog na diet na naglalaman ng iba't-ibang pagkain at pagbabawas sa pagkain ng asukal, saturated fats, at trans-fats ay mahalaga upang mapanatili ang kalusugan ng katawan7.

Kung maaari, inirerekomenda rin na bawasan ang dami ng processed meat (tulad ng bacon, sausage, deli meats, at cooked hams) na maaaring magpataas ng presyon ng dugo at palalain ang kondisyon ng mga ugat8.

 

Iwasan ang Asin at Palitan Ito ng Potassium

Subukang bawasan ang dami ng sodium (asin) sa iyong araw-araw na diet. Piliin mo ang mga pagkaing mayaman sa potassium tulad ng avocado, lentils, spinach, at saging9.

Ang asin ay nagpapataas ng presyon ng dugo, pamamaga ng mga ugat, at pagbuo ng varicose veins, samantalang ang mga pagkain naman na mayaman sa potassium ay tumutulong sa regulasyon ng daloy at presyon ng dugo10.

Isang karagdagang benepisyo sa malusog na pagbabago na ito ay ang kadahilanang sa pagdagdag ng potassium sa ating diet ay nadadagdagan din ang mga cells sa ating katawan. Ito ay nakakatulong din sa pagpapabuti ng ating kalusugan.

 

patigil sa paninigarilyo para sa varicose veins

Pagtigil sa Paninigarilyo

Ang pagtigil sa paninigarilyo11 ay isang magandang desisyon upang maalagaan ang ating kalusugan. Kung ikaw ay mayroong anumang chronic venous disease, ang pagtigil nito ay hindi lamang lubos na nirerekomenda kundi importanteng gawin para iwasan ang mabilisang paglala ng venous insufficiency.

Ang paninigarilyo, kasama ng iba't-ibang masasamang gawain sa kalusugan, ay kaugnay din sa pagtaas ng panganib ng thrombosis, atherosclerosis sa mga artery, at stroke12.

 

exercise for varicose veins

Araw-araw na Pag-e-ehersisyo

Ang ehersisyo ay isa sa mga pinakamahusay na positibong hakbang laban sa chronic venous disease13. Ito'y nakakatulong sa pagpapabuti ng daloy ng dugo sa buong katawan, kung saan bumabagal sa paglala ang varicose veins at iba pang venous disease.

Kapag mas naramdaman ika’y masaya at masigla, ito’y dahil sa pagbabago mo ng iyong pamumuhay dulot ng pag-e-ehersisyo.

Bagaman laging inirerekomenda na kumonsulta muna sa isang espesyalista upang tiyaking ikaw ay gumagawa nang pinakaligtas at pinakamahusay na uri ng ehersisyo depende sa kailangan ng iyong katawan, ang paglalakad ang isa sa mga ehersisyong makakatulong laban sa CVD14.

 

Mga Dapat Tandaan

Ang CVD ay maaaring makaapekto sa sinuman, mula sa kabataan hanggang sa nakatatanda. Kung kaya’t ang pagsusuri at paggamot dito ay mahalaga upang maiwasan ang mabilisang paglala ng kondisyon at higit sa lahat ay ang pagbabago sa pamumuhay para labanan ito.

Kasama mo para maibsan ang chronic venous disease, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay nagbibigay ng solusyon na nagmumula sa karanasan at siyensya. Bumili na ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) at simulan ang iyong paglalakbay tungo sa mas malusog na mga ugat at binti.

REFERENCES

  1. Chronic Venous Insufficiency | Society for Vascular Surgery. (n.d.). Retrieved September 27, 2022 https://vascular.org/patients-and-referring-physicians/conditions/chronic-venous-insufficiency
  2. Professional, C. C. M. (n.d.). Chronic venous insufficiency (CVI). Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16872-chronic-venous-insufficiency-cvi
  3. Serra, R., Ielapi, N., Bitonti, A., Candido, S., Fregola, S., Gallo, A., Di Loria, A., Gallelli, L., Raimondo, L., Velcean, L., Guadagna, S., & Gallelli, L. (2021). Efficacy of a Low-Dose Diosmin Therapy on Improving Symptoms and Quality of Life in Patients with Chronic Venous Disease: Randomized, Double-Blind, Placebo-Controlled Trial. Nutrients, 13(3), 999. https://doi.org/10.3390/nu13030999
  4. Keeping a healthy body weight. (2023, May 10). www.heart.org. https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/losing-weight/keeping-a-healthy-body-weight
  5. Vlajinac, H., Marinković, J., Maksimović, M., Matić, P., & Radak, Đ. (2013). Body mass index and primary chronic venous disease – a cross-sectional study. European Journal of Vascular and Endovascular Surgery, 45(3), 293–298. https://doi.org/10.1016/j.ejvs.2012.12.011
  6. Professional, C. C. M. (n.d.). Body mass Index (BMI). Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9464-body-mass-index-bmi
  7. World Health Organization: WHO. (2020, April 29). Healthy diet. https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/healthy-diet
  8. The effects of processed meats on your heart health. (n.d.). UCLA Health. https://www.uclahealth.org/news/the-effects-of-processed-meats-on-your-heart-health
  9. Lazaro-Zamora, N. C. (2022, June 30). Pagkain na mayaman sa potassium, anu-ano nga ba? Hello Doctor. https://hellodoctor.com.ph/fil/masustansiyang-pagkain/nutrition-facts-fil/pagkain-na-mayaman-sa-potassium/
  10. Vascular, H. (2023, April 27). Vein care: Does salt affect my veins? - Hamilton vascular. Hamilton Vascular. https://www.hamiltonvein.com/how-salt-affects-vein-care/?campaignId=30545 
  11. Benefits of quitting. (2022, July 26). Centers for Disease Control and Prevention. https://www.cdc.gov/tobacco/about/benefits-of-quitting.html?CDC_AAref_Val=https://www.cdc.gov/tobacco/quit_smoking/how_to_quit/benefits/index.htm
  12. Centers for Disease Control and Prevention (US). (2010). Cardiovascular diseases. How Tobacco Smoke Causes Disease: The Biology and Behavioral Basis for Smoking-Attributable Disease - NCBI Bookshelf. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK53012/
  13. Silva, K. L. S., Figueiredo, E. a. B., Lopes, C. P., Vianna, M. V. A., Lima, V. P., Figueiredo, P. H. S., & Costa, H. S. (2021). The impact of exercise training on calf pump function, muscle strength, ankle range of motion, and health-related quality of life in patients with chronic venous insufficiency at different stages of severity: a systematic review. Jornal Vascular Brasileiro, 20. https://doi.org/10.1590/1677-5449.200125
  14. Walking for exercise. (2023, October 26). The Nutrition Source. https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/walking/

2024