Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti

Pagiwas sa Chronic Venous Disease

Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease

Gamot sa Chronic Venous Disease

11/13/2023

12 Madalas Na Mga Tanong Tungkol sa Chronic Venous Disease

Kung ikaw ay nakakaranas ng pamimigat at pananakit ng mga binti, varicose veins, at iba pang sintomas ng poor vein health, ikaw ay maaaring nahihirapan dulot ng chronic venous insufficiency. Bagamat mas karaniwan ang sakit na ito sa mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan, na laganap sa 25%-40% at 10%-20% ng populasyon,1 ito ay isang progresibong sakit na maaaring makaapekto din sa iba. Maari itong lumala maliban na lang kung agad itong aaksyunan, tulad ng pagbabago sa iyong pamumuhay at ang paggamit ng venoactive drugs.

Narito ang mga madalas na tanong tungkol sa sakit na ito.

mabiga at masakit na binti

Ano ang chronic venous disease?

Ang chronic venous disease ay isang karaniwang sakit na sanhi ng panghihina o valves malfunctioning sa mga ugat sa binti na nagpapababa ng daloy ng dugo na mula sa mga binti patungo sa puso. Ito ay karaniwang naaapektuhan ang lower limbs at maaaring makaapekto sa iyong pamumuhay.1

Puwede bang gamutin ang chronic venous disease?

Ito ay isang pangmatagalang kondisyon na walang lunas.2 Dahil ito ay pangunahing sanhi ng incompetent valves sa mga ugat, ang CVD ay maaaring mapabuti sa pamamagitan ng mga pagbabago sa pamumuhay at makontrol sa paggamit ng mga gamot tulad ng venoactive drugs na epektibong tumutugon sa pinagmumulan ng problema.

Ano-ano ang pinakakaraniwang sintomas ng chronic venous disease?

Ang pagkakaroon ng deep vein thrombosis (DVT) ay karaniwang itinuturing na pinakakaraniwang sanhi ng chronic venous disease dahil ang mga blood clots ay maaring magdulot ng pinsala sa mga ugat ng iyong mga binti.

Maliban sa DVT, marami pang iba't-ibang posibleng dahilan ang maaaring magdulot ng CVD tulad ng mga congenital factors, paninigarilyo, mataas na presyon dahil sa matagal na pagtayo o pag-upo, o labis na katabaan, hereditary factors, operasyon, o pagbubuntis.3

Maaari mong alamin pa ang tungkol sa paano maagapan ang masakit at namimigat na mga binti sa oras ng trabaho.

senyales ng chrnic venous disease

Ano-ano ang mga senyales at sintomas ng chronic venous disease?

Ang mga pinakakaraniwang senyales at sintomas ng CVD ay:

  • Edema o pamamaga ng mga binti o bukong-bukong
  • Pananakit na lumalala kapag nakatayo at bumubuti kapag itinataas mo ang iyong mga binti
  • Namimigat at nananakit na mga binti
  • Pangangati ng mga binti
  • Leg ulcers o pagbabago ng kulay ng balat sa paligid ng mga bukong-bukong
  • Varicose veins
  • Paninigas ng iyong mga binti4

Ano ang maaaring mangyari kung hindi ginamot ang chronic venous disease?

Ang CVD ay isang progresibong sakit, kaya kung hindi ito gagamutin, maaaring magdulot ito ng seryosong komplikasyon sa kalusugan, tulad ng tuloy-tuloy na pananakit, pagdurugo, superficial thrombophlebitis o mga blood clots, at pagbabago sa balat na maaaring magsugat.5 Kaya't lubos naming inirerekomenda na kumonsulta ka sa iyong doktor at tanungin sila tungkol sa paggamit ng venoactive drugs.

Mabuti ba ang paglalakad para sa venous disease?

Itinuturing ang paglalakad na isa sa pinakamahusay na ehersisyo para sa CVD. Ayon sa mga mananaliksik, ito ay tumutulong sa mabuting paggalaw ng bukong-bukong, na may positibong epekto sa pagpapalakas ng calf muscle pump na pinipigilan ang pagalala ng sakit at iwasan nag mga komplikasyon nito.6

biyahe nang may mabigat at masakit na binti

Puwede ba akong bumiyahe sa eroplano nang may venous disease?

Laging inirerekomenda na kumonsulta sa iyong doktor para sa mga partikular na rekomendasyon sa kaso ng iyong sakit; gayunpaman, ang mga taong may CVD ay maaaring magbiyahe sa eroplano, basta't sinusunod nila ang mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang mahabang pag-upo na maaaring magdulot ng panganib sa blood clot.7 Para sa karagdagang impormasyon at tips, tuklasin ang aming artikulo tungkol sa paglalakbay nang malayo ng may venous disease.

Ano ang pinakamabuting diyeta para sa chronic venous disease?

Kapag usapang pag-iwas sa paglala ng chronic venous disease, ang isang malusog na diyeta ay mahusay na paraan na magpapalakas ng iyong katawan at mga ugat. Sa pangkalahatan, inirerekomendang iwasan sa abot ng iyong makakaya ang paggamit ng asin, limitahan ang pagkain ng mga processed food, at piliin ang sariwang prutas at gulay. Kung nais mong malaman paano makakatulong ang tiyak na pagkain para sa kalusugan ng mga ugat, tingnan ang aming artikulo ukol sa mga pagkain at inumin na maaaring makatulong sa pagpapabuti ng daloy ng dugo.

Ang pamamaga ba ng mga binti sa trabaho ay sintomas ng chronic venous disease?

Ang pamamaga ng mga binti, na tinatawag ding edema sa ibabang bahagi ng katawan,8 ay maaring mangyari dahil sa iba't-ibang dahilan. Gayunpaman, kung ikaw ay nagtatrabaho sa parehong posisyon sa loob ng mahabang oras, at nadarama mong patuloy na namamaga ang iyong mga binti pagkatapos mong magtrabaho, maaaring ikaw ay mayroong chronic venous disease at inirerekomendang kumonsulta sa isang vascular specialist para masuri. 

gamot sa chronic venous disease

Paano gagamutin ang chronic venous disease?

May iba't-ibang mga aspeto na maaaring isaalang-alang sa paggamot ng CVD: mga pagbabago sa pamumuhay, gamot, at medikal na pamamaraan.

Ang pagbabago sa pamumuhay ay kinabibilangan ng pagda-dyeta, pag-eehersisyo, at pagbabawas ng timbang kung kinakailangan. Alamin pa ang hinggil sa mga pagbabago sa pamumuhay upang labanan ang chronic venous disease.

Kabilang sa mga gamot na dapat inumin ay ang venoactive drugs na makakatulong upang mag-improve ang pakiramdam mula sa pamimigat ng mga binti ng mga pasyenteng may varicose veins at chronic venous disease. Ito ay kaiba sa mga creams na naglalayong alisin lamang ang discomfort, ang venoactive drugs ay nakakatulong sa pagpapabuti nang daloy ng dugo sa mga ibabang bahagi ng mga binti.9

Maaari ring isaalang-alang ang iba pang mga medikal na pamamaraan, tulad ng radiofrequency ablation o sclerotherapy.10

Ang varicose veins ba ay senyales ng venous disease?

Oo, maaari silang maging senyales nito. Bagamat ang mga terminology na varicose veins at CVD ay maaaring gamitin, mahalagang tandaan na ang CVD ay tumutukoy sa mga karamdaman sa mga ugat na sanhi ng venous disease at maaaring makaapekto sa mga malalalim na ugat, samantalang ang varicose veins ay tumutukoy sa mga naglalakihang superficial veins na unti-unting kumakalat sa mga binti at lumalaki.1

Mararamdaman ba ang venous disease?

Bagamat ang mga sintomas ng venous disease ay karaniwang lumalala habang dumaraan ang panahon, tulad ng pananakit at pamimigat ng mga binti, o pamamaga at pangangati ng mga binti, maaari itong maging katulad ng iba pang karamdaman, tulad ng osteoarthritis, sciatica, o arterial insufficiency12. Samakatuwid, mahalagang laging kumonsulta sa isang doktor kung may alinlangan ka. Kung madalas mong nararamdaman na masakit at mabigat ang iyong mga binti, maaaring ito ay mga unang palatandaan ng CVD. Hinihikayat ka naming gawin ang self-assessment na makikita sa aming website upang gabayan ka sa mga susunod na hakbang sa pag-iwas sa chronic venous disease.

REFERENCES

  1. Al Shammeri O, AlHamdan N, Al-Hothaly B, Midhet F, Hussain M, Al-Mohaimeed A. Chronic Venous Insufficiency: prevalence and effect of compression stockings. Int J Health Sci (Qassim). 2014 Jul;8(3):231-6.
  2. Ortega MA, Fraile-Martínez O, García-Montero C, Álvarez-Mon MA, Chaowen C, Ruiz-Grande F, Pekarek L, Monserrat J, Asúnsolo A, García-Honduvilla N, Álvarez-Mon M, Bujan J. Understanding Chronic Venous Disease: A Critical Overview of Its Pathophysiology and Medical Management. J Clin Med. 2021 Jul 22;10(15):3239.
  3. Shivik K. Patel; Scott M. Surowiec. (2021) Venous Insufficiency. Upstate Medical University.
  4. Eberhardt, R. T.; Raffetto, J. D. (2014). Chronic Venous Insufficiency. Circulation, 130(4), 333–346.
  5. Nicholls SC. Sequelae of untreated venous insufficiency. Semin Intervent Radiol. 2005 Sep;22(3):162-8. doi: 10.1055/s-2005-921960.
  6. Araujo DN, Ribeiro CT, Maciel AC, Bruno SS, Fregonezi GA, Dias FA. Physical exercise for the treatment of non-ulcerated chronic venous insufficiency. Cochrane Database Syst Rev. 2016 Dec 3;12(12):CD010637.
  7. Abramowitz HB, Gertz SD. Venous stasis, deep venous thrombosis and airline flight: can the seat be fixed? Ann Vasc Surg. 2007 May;21(3):267-71.
  8. Gasparis AP, Kim PS, Dean SM, Khilnani NM, Labropoulos N. Diagnostic approach to lower limb edema. Phlebology. 2020 Oct;35(9):650-655.
  9. Prof. José N. Boada, Gloria J. Nazco (1999). Therapeutic Effect of Venotonics in Chronic Venous Insufficiency. , 18(6), 413–432.
  10. de-Abreu, Guilherme Camargo Gonçalves; Camargo Júnior, Otacílio de; de-Abreu, Márcia Fayad Marcondes; de-Aquino, José Luís Braga (2017). Ultrasound-guided foam sclerotherapy for severe chronic venous insufficiency. Revista do Colégio Brasileiro de Cirurgiões, 44(5), 511–520.
  11. Youn YJ, Lee J. Chronic venous insufficiency and varicose veins of the lower extremities. Korean J Intern Med. 2019 Mar;34(2):269-283.
  12. Krishnan S, Nicholls SC. Chronic venous insufficiency: clinical assessment and patient selection. Semin Intervent Radiol. 2005 Sep;22(3):169-77.

2024