Gamot sa Almoranas

Gamot sa Chronic Venous Disease

10/7/2022

Mga Sakit Na Nagagamot Ng Daflon

Ano ang mga sakit na nagagamot ng Daflon?

  1. Almoranas
  2. Ugat na Varicose
  3. Lymphoedema
  4. Chronic Venous Insufficiency (CVI)
  5. Ibang kondisyon

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay isa sa mga uri ng mga gamot na tinatawag na mga flavonoid. Upang mas maging tiyak, ito ay isang micronized, purified flavonoid fraction (MPFF) dahil sa mga kasangakapan nito na diosmin at hesperidin.3 Ang mga ganitong gamot ay nakakatulong sa iilang mga sakit dahil sa epekto nitong mailalarawan bilang phlebotonic, o mga nakakatulong sa daloy ng dugo at pagpapalkas ng mga ugat.1 Ang mga sakit na nagagamot ng Diosmin +Hesperidin (Daflon) ay may kinalaman sa epekto ng ganitong klase ng mga gamot.

Ang Diosmin +Hesperidin (Daflon) ay nagpapalakas ng ating mga ugat o mga veins, kaya ang mga pasyenteng nagkakaproblema sa ugat ay umiinom ng ganitong klase ng mga gamot. Dito, pag-uusapan natin ang mga kondisyon na makakatulong ang pag-inom ng Diosmin +Hesperidin (Daflon).

daflon gamot para sa almoranas

Almoranas

Isa sa pinakamahalagang gamit ng Diosmin +Hesperidin (Daflon) ay ang pagpapagaling ng almoranas. Ito ay dahil sa mabisa ito sa pagpapagaling ng naturang sakit, at sa dalas na nagkakaroon ng almoranas ang mga tao. Ang almoranas ay ang pamamaga ng ugat sa loob o labas ng ating puwetan. Nakadudulot ito ng pananakit, pangangati, pagdurugo, at iba pang mga sintomas. Kung papabayaang lumala, maaari pang mauwi sa pag-opera ang sakit na ito. Ngunit mas madalas mangyari na gumagaling na lamang ang almoranas gamit ang mga lunas na pambahay o mga tamang gamot.

Bilang isang MPFF na gamot, makakatulong ang Diosmin +Hesperidin (Daflon) sa almoranas dahil pinapalakas nito ang mga ugat sa may puwetan. Mas mapapabuti nito ang pagdaloy ng dugo sa almoranas.2 May mga pag-aaral na rin na pinapakitang nakakatulong ang Diosmin +Hesperidin (Daflon) sa pagpapagaling ng mga sintomas nito tulad ng pananakit at pamamaga.2/6

Para sa almoranas, maaaring inumin ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ng 3000mg bawat araw sa unang apat na araw at 2000mg naman sa susunod na tatlong araw. Kung may reseta ang doktor, mas maiging sundin ito.

Ugat na Varicose

Ang ugat na varicose, o varicose veins, ay ang hindi natural na paglaki at pag-ikot ng mga ugat na malapit sa balat. Nangyayari ito dahil nagkakaproblema sa pagdaloy ng dugo mula sa ugat papunta sa puso.2 Mas kilala rin ito ng mga tao dahil madaling nakikita ang mga ugat na varicose, at isa ito sa mga dahilan kung bakit marami ang umiinom ng mga MPFF na gamot.1 Ang tamang pag-inom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay makakatulong dito dahil kayang tumulong ng gamot sa daloy ng dugo. Makakaiwas rin sa pamumuo ng dugo o pagkabutas ng ugat.2

Lymphoedema

Ang lymphoedema ay sakit na nangyayari dahil sa hindi maayos na sirkulasyon sa loob ng ating katawan. Dahil dito, namamaga ang parte ng ating katawan, madalas ang braso at binti. Kung maagapan ito gamit ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000), mas luluwag ang mga ugat at magiging maayos ang sirkulasyon sa katawan.2 Mawawala rin ang pananakit na maaaring maidulot ng sakit. Mas mabilis na gagaling mula sa lymphoedema kung sabayan ang pag-inom ng gamot ng pag-ehersisyo at masahe.

daflon para sa mabigat at masakit na binti

Chronic Venous Insufficiency (CVI)

Tulad ng ugat na varicose, and CVI ay nangyayari kung hindi maayos ang pagdaloy ng dugo mula sa ating binti pabalik sa puso. Para sa maayos na sirkulasyon, kailangan umabot ang dugo sa bawat parte ng katawan at bumalik sa puso. Ngunit kung hindi nagagawa ng mga ugat sa binti ang kanilang trabaho nang maayos, maaaring hindi makabalik ang dugo sa puso at maipon sa binti.7

Ayon sa mga pag-aaral, ang pag-inom ng mga MPFF na gamot tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay makakatulong sa kondisyong ito.4/5 Dagdag pa dito, ang gamot ay makakatulong rin sa pagpapagaling ng mga komplikasyon na naidudulot ng CVI tulad ng ulcer sa ugat sa binti.5 Kung iinom ng Daflon para sa CVI, siguraduhing susundin ang reseta ng iyong doktor.

Ibang Kondisyon

Dahil sa nagagawa nitong tulong sa ating mga ugat, maaari ring makaapekto ito sa iba pang mga kondisyon na may kinalaman sa ugat. Ang mga taong may altapresyon at diabetes ay madalas nagkakaproblema rin sa kanilang mga ugat. Kung mangyaring iinom ng MPFF na gamot ang mga pasyente nito, mas lalakas ang kanilang vascular system.1

Ngunit hindi dapat inumin ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) para sa mga ibang sakit kung walang payo o reseta ng doktor.

Mga Aral

Bagaman marami ang mga sakit na nagagamot ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000), maigi lang itong inumin para sa almoranas at mga sakit sa ugat. Ang gamot na ito ay maaaring mabili over-the-counter o kahit walang reseta, kaya dapat ay doble ingat tayo sa pag-inom nito.

Kung kailangan nga talaga para sa almoranas, maaaring bumili ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) mula sa kahit na alin mang botika sa buong bansa. Mahahanap sa link na ito ang mga detalye ng naturang produkto, at ang mga sagot sa mga tanong na madalas itanong sa amin. Mariin naming ipinapayo sa lahat na magpakonsulta muna sa doktor para sa inyong karamdaman, ngunit kung piliin mang uminom agad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000), mangyaring alamin muna ang tamang paraan ng pag-inom. 

References

  1. https://tl.warbletoncouncil.org/daflon-7472
  2. https://www.medicoverhospitals.in/medicine/daflon
  3. https://www.mims.com/philippines/drug/search?q=daflon&mtype=brand 
  4. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15641940/
  5. https://www.phlebolymphology.org/benefits-of-mpff-on-primary-chronic-venous-disease-related-symptoms-and-quality-of-life-the-delta-study/
  6. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/8203790/
  7. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16872-chronic-venous-insufficiency-cvi

2024