Sintomas Ng Almoranas: Diosmin+Hesperidin (Daflon 1000)

Madalas ba sumakit at dumugo ang iyong puwit tuwing dumudumi? Ilan lamang ito sa mga sintomas ng almoranas. Kapag pinabayaan, maaaring maapektuhan ng kondisyong ito ang iyong buhay. Kaya hangga’t maaga, importante na alamin mo ang mga uri at palatandaan ng kondisyon na ito. Ipatuloy ang pagbabasa!

Ano ang Almoranas?

Ang almoranas o hemorrhoids ay ang pamamaga ng vein sa loob o labas ng anus at rectum. Maaari mabuo ang almoranas sa loob ng rectum (internal hemorrhoids) o paligid ng iyong anus (external hemorrhoids). Ang mga karaniwang sintomas ng almoranas ay ang pananakit, pangangati, at pagdudugo ng mga apektadong bahagi.

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng almoranas, pero mas mataas ang pagkakataon mo kung ikaw ay overweight, obese, buntis, hirap dumumi (constipation) o may diarrhea. Ang pag puwersa tuwing pagdumi ay maaari rin mag sanhi ng pamamaga ng ugat sa anus at rectum.

Mga Uri At Sintomas Ng Almoranas

Ang almoranas ay maaaring mabuo sa labas o loob ng iyong rectum. Dahit dito, ang mga sintomas ng almoranas ay nakadepende kung saan matatagpuan ang pamamaga. 

Internal Almoranas

Ang internal hemorrhoid ay namumuo sa loob ng rectum o dulong bahagi ng iyong large intestine bago ang iyong anus. Dahil ang pamamaga ay nangyayari sa loob na parte kung saan walang nerve endings, maaaring hindi ka makaramdam ng pananakit. Dahil dito, ang pangunahing sintomas ng almoranas na mararanasan mo ay ang pagdudugo tuwing ikaw ay dumudumi.

Maliban dito, isang pangkaraniwang palatandaan na ikaw ay may internal almoranas ay kung mag prolapse o umabot ang hemorrhoid sa labas ng iyong anus. Madalas ito na nangyayari tuwing ikaw ay dudumi. Pangkarinawan na bumabalik ng kusa ang hemorhhoid, pero maaari mo itong ibalik sa loob. Kung malubha ang iyong almoranas ay mananatili itong naka extend palabas. 

External Almoranas

Ang external hemorrhoid ay nabubuo sa ilalim ng balat sa paligid ng butas ng iyong puwit (anus). Sa kondisyong ito, namumuo ang isa o higit pang umbok mula sa ilalim ng iyong balat. Ang mga umbok na ito ay ang namamagang daluyan ng dugo kung saan maaaring magkaroon ng blood clot (thrombosed almoranas).

Ang mga sintomas ng almoranas na ito ay ang mga sumusunod:

  • Isa o higit pang umbok sa paligid ng butas ng puwit
  • Pangangati ng butas ng puwit
  • Pananakit sa apektadong bahagi ng puwit lalo na kung umuupo
  • Pagdudugo kapag dumudumi

Thrombosed Almoranas

Ang thrombosed hemorrhoid ay namumuo kapag nagkaroon ng blood clot sa loob ng iyong hemmorrhoidal vein. Maaapektuhan nito ang pagdaloy ng dugo sa ugat at maaaring maging sanhi ng masakit na pamamaga. Ang kondisyon na ito ay maaaring mangyari kung ikaw ay may internal o external hemorrhoid.

Ang mga pangkaraniwang sintomas ng almoranas na ito ay pananakit tuwing uupo, maglalakad, at dudumi. Mapapansin mo rin ang pangangati, pamamaga, at umbok sa paligid ng anus kung ikaw ay may external hemmorhoid. Ang pagdudugo tuwing dumudumi ay isa ring palatandaan.

MPFF : Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) 

Diosmin+Hesperidin (Daflon 1000) Para Sa Almoranas

Importante na gamutin mo agad ang iyong almoranas bago pa ito lumala. Maaari nitong maapektuhan ang kalidad ng iyong lifestyle kung papabayaan. Para maibsan ang mga sintomas ng almoranas, kailangan mong gamutin ang sanhi ng kondisyon — ang pamamaga ng veins.

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay naglalaman ng Diosmin at Hesperidin na clinically proven para pagalingin ang mga namamagang veins o almoranas. Nakakatulong itong ayusin ang daloy ng dugo sa vein upang bumalik ang function nito sa normal. Kumpara sa home remedies, kaya nitong gamutin ang sanhi ng mga sintomas ng almoranas upang gumaan ang iyong pakiramdam.

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay isang gamot sa almoranas na gawa sa immature oranges. Ito ay hinahayaan matuyo bago gilingin upang maging powder kung saan makukuha ang mga active ingredients ng Daflon.

Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000)  ay maari mong mabili sa 1000 mg formulation over the counter. Ang Daflon 1000 ay may 1000 mg ng micronized purified flavonoid fraction na katumbas ng 900 mg ng Diosmin at 100 mg ng Hesperidin.

Kumpara sa ibang produkto, ang Daflon ay gawa sa micronized purified flavonoid fraction. Dahil mas maliit ang  particles ng flavonoid fraction, mas madali ma-absorb ng iyong katawan ang treatment para mas mabilis maibsan ang mga sintomas ng almoranas.

Labanan Ang Mga Sintomas Ng Almoranas Gamit Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000)

Ang mga sintomas ng almoranas ay maaaring makaapekto sa iyong lifestyle. Ang pangangati, pamamaga, at pagdudugo ng iyong puwit ay maaaring lumala kung pinabayaan. Kaya hanggang maaga, mabuting ideya na uminom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) upang maibsan ang iyong mga nararamdaman at gamutin ang sanhi — ang namamagang vein.

Kung may karagdagang tanong ka tungkol sa Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000), maaari kang magpadala ng mensahe rito sa aming website.