Pagiwas sa Almoranas
Gamot sa Almoranas
10/7/2022
Paano Matulog Nang May Almoranas
Ano ang mga paraan para sa mahimbing na tulog maski may almoranas?
- Maging maingat upang di makadagdag sa sakit ng almoranas
- Linisin nang maigi ang paligid ng almoranas
- Bawasan ang pananakit ng almoranas
- Magsuot ng maluwag na damit upang hindi mairita ang almoranas
- Piliin ang komportable na posisyon sa pagtulog
- Gamutin ang almoranas
Ang pagkakaroon ng almoranas ay napakahirap, lalo na kung ito ay nangangati, sumasakit, o dumudugo. Maaari itong makaapekto sa iyong mga gawain na pang araw-araw. Kadalasan, mahirap din ang pagtulog lalo na kung masakit ang iyong almoranas. Ang iyong preparasyon bago matulog, posisyon ng pagtulog, at suot na damit ay makakaapekto sa kalidad ng iyong pahinga. Kung interesado ka malaman ang mga tips paano matulog nang may almoranas, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa.
Maging Maingat Upang di Makadagdag sa Sakit ng Almoranas
Habang lumilipas ang araw, mas nadadagdagan ang pressure sa iyong pelvic region at puwet, kung kaya naman puwede rin madagdagan ang sakit sa inyong almoranas. Maaaring lumala ang iyong almoranas kung palagi kang naglalakad, pumupunta sa banyo, at nagbubuhat ng mabibigat sa buong araw.1
Kung gusto mo mabawasan ang iritasyon at pananakit ng iyong almoranas, at makapagpahinga ng maayos sa gabi, iwasan ang sobra-sobrang paglalakad, huwag magbuhat ng mabibigat, at huwag kamutin ang almoranas. Uminom ng sapat na tubig at magsuot ng maluluwag na damit.2
Linisin nang Maigi ang Paligid ng Almoranas
Para mas maging kumportable ang iyong pagtulog, ugaliing linisin ang puwet bago humiga. Ang almoranas ay may mga siwang kung saan pwede dumikit ang dumi at magsanhi ng iritasyon at pangangati.2
Para malinis nang maigi ang almoranas, maaari kang gumamit ng sitz bath.2 Ito ay ang isang maliit na palanggana na pwede mong ilagay sa toilet bowl. Nilalagyan ito ng maligamgam na tubig.3 Ang sitz bath ay makakatulong upang malinis ng maigi ang iyong puwet. Maliban dito, makakatulong din ang maligamgam na tubig na mabawasan ang pananakit at mapaganda ang pagdaloy ng iyong dugo. Pagkatapos magbabad, patuyuin ang puwet gamit ang tuwalya. Iwasan ang pagkuskos. 2
Bawasan Ang Pananakit ng Almoranas
Kung sumasakit ang iyong almoranas, maaari kang gumamit ng hemorrhoid cream. May mga cream na makakatulong mabawasan ang pananakit at pangangati ng iyong almoranas.2
Kung hindi masyadong epektibo ang hemorrhoid cream, maaari ka rin uminom ng mga pain reliever na mabibili ng walang reseta sa botika. Makakatulong ang mga ito na bawasan ang pamamaga at pananakit.2
Magsuot Ng Maluwag Na Damit Upang Hindi Mairita ang Almoranas
Para mabawasan ang iritasyon sa iyong almoranas, inirerekomenda ang pagsusuot ng malinis at maluwag na pananamit buong araw — kasama na sa pagtulog. Piliin ang cotton na underwear dahil makakatulong ito mapanatili na tuyo ang iyong puwet.4 Hanggang maaari, iwasan ang masisikip na pananamit.5
Maliban dito, maaari mo rin tanggalin ang iyong underwear sa pagtulog para mas maging kumportable ang paligid ng iyong puwet, at makatulong sa paggaling nito.5
Piliin Ang Komportable Na Posisyon Sa Pagtulog
Ang iyong sleeping position ay makakaapekto rin sa kalidad ng iyong tulog. Halimbawa, kapag natulog ka sa iyong likod, mas madadagdagan ang pressure sa iyong puwet, at maaari itong maging sanhi ng pananakit sa iyong almoranas.5 Humanap ng posisyon kung saan magiging komportable kang matulog at hindi maiiirita ang iyong almoranas.
Inirerekomenda ang pagtulog ng nakatagilid para hindi madaganan ang iyong almoranas.5 Maaari kang malagay ng unan sa pagitan ng iyong binti para mas maging komportable.2
Maliban dito, maaari mo rin subukan matulog ng nakadapa para mabawasan ang pressure sa iyong puwet at almoranas.2
Gamutin Ang Almoranas
Ang mga naunang tips ay makakatulong upang mas makapagpahinga ka nang maayos kahit na may almoranas. Ngunit hindi nito maaalis ang sanhi ng pananakit at pangangati.
Kung hirap ka na sa pagtulog dahil sa mga sintomas ng almoranas, oras na para gamutin ito. Ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay kayang gamutin ang namamagang ugat sa iyong puwet, para lubos na tanggalin ang pananakit, pangangati, at pagdududugo.
Mabilis ang epekto ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) dahil sa micronization process. Ibig sabihin, ang bawat tableta ay naglalaman ng micronized purified flavonoid fraction. Dahil mas maliit ang particles ay mas madali ma-absorb ng iyong katawan ang gamot — para mabilis na gumaling ang iyong almoranas!
Mga Dapat Tandaan
Kung nakakaranas ka ng pananakit at pangangati sa iyong puwet, maaari ay nag-iisip ka kung paano matulog ng may almoranas. Maraming paraan para mas mapaganda ang kalidad ng iyong pahinga. Nagsisimula ito sa pagiging maingat sa buong araw, paglilinis ng puwet bago matulog, pagsusuot ng maluluwag na damit, at pagpili ng tamang posisyon sa pagtulog. Maliban dito, maaari ka rin gumamit ng hemorrhoid cream at uminom ng pain reliever para mabawasan ang sakit.
Kung gusto mo na mawala ang mga sintomas ng almoranas, gamutin ito gamit ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), isa sa pinakamabisang gamot para sa kondisyong ito. Kapag wala na ang almoranas ay mas makakatulog ka ng mahimbing — anuman ang iyong suot o posisyon ng pagtulog.
References
- https://www.pristyncare.com/blog/how-to-sleep-during-piles-pc0113/
- https://www.medicinenet.com/how_should_you_sleep_with_hemorrhoids/article.htm
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/312033#what_is_sitz_bath
- https://www.mwhtc-stl.com/blog/what-to-wear-how-to-sleep-and-other-practical-tips-for-hemorrhoid-sufferers
- https://laserpiles.com/how-to-sleep-during-piles-or-hemorrhoids/
2024