Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Almoranas
10/7/2022
Mga Sintomas Ng Almoranas
Ano ang mga sintomas ng almoranas?
- Pamamaga
- Pangangati
- Pananakit
- Pagdurugo
Ang hemorrhoids o almoranas ay isang kondisyon na namumuo sa iyong anus o lower rectum sa puwet.1 Ang hemorrhoids ay maaring mabuo, ano man ang iyong edad, kasarian, o lahi. Pero mas mataas ang pagkakataon mo na magkaroon nito habang ikaw ay tumatanda.2 Ang mga sintomas ng nito ay pwede maging mild o severe, at magsanhi ng pangangati, pananakit, at pagdudugo.3
Ang hemorrhoids ay maaring maging hadlang sa iyong mga gawain dahil hindi ka komportable sa iyong nararamdaman. Para sa ibang tao, ang kanilang almoranas ay isa sa pinakamasakit na kondisyon na kanilang naranasan. Iba-iba ang sintomas na maaari mong maranasan, depende sa uri ng almoranas na mayroon ka.
Ang external hemorrhoids ay nabubuo sa ilalim ng balat sa paligid ng anus. Ang internal hemorrhoids naman ay matatagpuan sa loob ng rectum.1 Maliban dito, ang prolapsed hemorrhoid ay umuusli palabas ng anus.2 Kapag may namuo naman na dugo ay tinatawag itong thrombosed hemorrhoids.
Ito ang mga sintomas ng almoranas:
Pamamaga ng Almoranas
Ang hemorrhoids o almoranas ay ang mga namamagang ugat sa iyong puwet, tulad ng varicose veins. Para sa external hemorrhoids, ang pamamaga ay makikita sa paligid ng anus. Ang internal hemorrhoids naman ay madalas na hindi nakikita o nararamdaman, dahil nasa loob ito ng rectum.1
Ang mga ugat sa iyong puwet ay maaaring mamaga dahil sa dagdag na pressure. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga maaaring sanhi ng pamamaga ng ugat sa iyong puwet:
- Pag puwersa habang dumudumi dahil sa constipation o pagtitibi.2
- Pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay o weightlifting.2
Pangangati ng Almoranas
Ang pangangati sa puwet ay isa ring karaniwan na sintomas ng almoranas o hemorrhoids.2 Kung ikaw ay may almoranas, at pinupuwersa mo ang iyong pagdumi, maaaring umusli ang internal hemorrhoid palabas ng puwet. Ito ay tinatawag na prolapsed hemorrhoid.4
Ang prolapsed hemorrhoid ay may mucus na maaaring maging sanhi ng pangangati sa puwet. Habang nakausli ang almoranas, patuloy lamang ang produksyon ng mucus at ang kasama nitong pangangati. Kapag humalo ang iyong dumi sa mucus ay mas maaari rin lumala ang pangangati.4
Iwasan ang pagkakamot dahil mas lalo lang nito mapapalala ang pangangati at iritasyon sa iyong puwet. Makakatulong ang sitz bath, o ang maliit na palanggana na nilalagay sa toilet. Maaari mo ito lagyan ng maligamgam na tubig bago ka umupo at ibabad ang almoranas.4
Pananakit ng Almoranas
Kung mayroon kang almoranas, maaaring makaramdam ka ng pananakit sa puwet, lalo na kung ikaw ay nakaupo.2 Ito ang dahilan kung bakit inirerekomenda na matulog ng nakatagilid kapag may almoranas. Ang pagtulog sa likod ay maaaring maglagay ng dagdag pressure sa iyong anus at magpalala ng pananakit sa almoranas.5 Ang internal hemorrhoids naman ay hindi karaniwan na nagsasanhi ng pananakit, pero kapag naging prolapsed hemorrhoid ito ay mararamdaman mo ang sakit.1
Para mabawasan ang pananakit ng almoranas, maaari ka gumamit ng ice pack. Balutin ang ice pack sa isang maliit na tuwalya at gamitin ng 15 minuto.
Makakatulong ang lamig na bawasan ang sakit at pamamaga. Siguraduhin na hindi didikit ang ice pack diretso sa balat.6
Pagdurugo ng Almoranas
Ang internal at external hemorrhoids ay maaaring maging thrombosed hemorrhoids, kung saan may dugo na nabuo sa loob ng ugat. Madalas itong magsanhi ng pananakit. Minsan, ang thrombosed hemorrhoids ay maaari rin maging dahilan ng pagdudugo. Maliban dito, maaari rin magdugo ang internal at external hemorrhoids.7
Halimbawa, kung ikaw ay mayroong internal hemorrhoids, pwede ka magkaroon ng pagdurugo tuwing pagdumi. Karaniwan, ito ay hindi masakit.
Makikita mo ang mapulang dugo sa iyong tissue paper o toilet bowl.1
Maaari ka gumamit ng malabot na wet wipes para magpunas, dahil ang ibang toilet paper ay magaspang at maaaring magsanhi ng iritasyon sa external hemorrhoids. Piliin ang mga produkto na walang fragrance o irritants. Madalas na nawawala ang dumudugong almoranas nang kusa, pero kung hindi ito mawala sa loob ng isang linggo, mag konsulta sa iyong doktor.7
Mga Aral
Ang almoranas ay isang kondisyon na nagsasanhi ng pamamaga ng ugat sa puwet. Maaari itong maging makati, masakit, at maging dahilan ng pagdurugo. Maaring maging mild o severe ang mga ito. Nakadepende din sa uri ng almoranas ang mga sintomas na maaari mong maranasan. May mga maaari kang gawin para mabawasan ang mga problemang ito, tulad ng paggamit ng sitz bath at ice pack.
Kung hindi ka na komportable at palaging naaapektukhan ang iyong mga gawain sa araw-araw dahil sa mga sintomas ng almoranas, maaari mong gamutin ang iyong kondisyon gamit ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Ito ang isa sa pinakamabisang gamot para sa almoranas dahil kaya nitong mabilis na gamutin ang iyong almoranas, siguradong mawawala rin ang mga sintomas tulad ng pamamaga, pangangati, pananakit, at pagdudugo. Maaari ka ring kumunsulta sa doktor upang maibsan ang iyong mga sintomas ng almoranas.
References
- https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
- https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids
- https://www.healthline.com/health/can-hemorrhoids-kill-you
- https://www.healthline.com/health/why-do-hemorrhoids-itch
- https://www.medicinenet.com/how_should_you_sleep_with_hemorrhoids/article.htm
- https://www.medicalnewstoday.com/articles/317114#Home-remedies
- https://www.healthline.com/health/bleeding-hemorrhoid
2024