Gamot sa Almoranas

Almoranas

11/12/2024

Daan Tungo sa Ginhawa: Gabay sa Pagpapagaling Matapos ng Almoranas Surgery

Overview

  • Ang paggaling mula sa almoranas surgery ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang pangmatagalang ginhawa.
  • Ang mga pangunahing pagaalaga pagkatapos ng operasyon ay kinabibilangan ng pagma-manage ng sakit, pagharap sa mga karaniwang isyu tulad ng pagdurugo at kakulangan sa ginhawa habang dumudumi, at pagbago ng dyeta upang mapadali ang paggaling.
  • Ang paggamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay makakatulong sa paggaling sa pamamagitan ng pagbabawas ng pamamaga at paggaan ng mga sintomas ng almoranas.
  • Ang pagsunod sa tamang pangangalaga, kasama ang pagpapahinga, pag-inom ng maraming tubig, at pagkain ng fiber, ay makakatulong sa mga pasyenteng makabalik sa kanilang normal na gawain.

 

Introduction

Ang paggaling pagkatapos ng almoranas surgery ay napakahalaga upang ikaw ay tuluyang makabalik sa dating gawain. Habang epektibong naaalis nito ang sakit dulot ng almoranas, mahalaga ang tamang pangangalaga pagkatapos ng operation para sa maayos na paggaling at pag-iwas sa anumang komplikasyon.

Ang pag-inom ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), isang gamot na mayroong diosmin at hesperidin, ay makakatulong upang maibsan ang sakit at pasiglahin ang paggaling. Ang gabay na ito ay nagbibigay ng mga practical tips sa pagma-manage ng sakit, pagbabago sa iyong dyeta, at mga hygiene practices.         

                         

almoranas surgery

Ano ang Almoranas Surgery

Ang almoranas surgery1, o hemorrhoidectomy, ay isang medical procedure na inaalis o pinapaliit ang namamagang ugat sa rectum o puwet. Inirerekomenda ito kapag ang almoranas ay nagdudulot ng matinding sakit, pagdurugo, o abala na hindi magagamot ng mga non-surgical procedures2.

May iba’t ibang uri ng operasyon para dito, tulad ng traditional excision, stapling, at rubber band ligation1, depende kung gaano kalubha ang kondisyon. Nakakatulong ito upang maibsan ang mga sintomas ng almoranas at maiwasan ang mga maaring maging komplikasyon.

 

Mga Dapat Mong Asahan Habang Nagpapagaling Pagkatapos ng Almoranas Surgery

Sa panahon ng paggaling mula sa almoranas surgery, asahan ang bahagyang pananakit, pamamaga, at hindi komportableng pakiramdam, lalo na sa pagdumi. Ang paggaling ay tumatagal ng ilang linggo hanggang ito’y bumuti.

 

sakit ng almoranas

Sakit at Discomfort

Ang pinakamasakit na pakiramdam ay nangyayari sa iyong unang pagdumi, na maaaring magdulot sa iyo ng pagkabahala. Karaniwang nagiging maayos ang pagdumi pagkatapos ng tatlong araw, pero maaari ding magtagal ang sakit ng hanggang dalawang linggo3.

Mayroon ring ilan na makakaramdam ng discomfort ng hanggang isang buwan. Ang mga karaniwang sintomas nito ay ang pagkirot at paminsan-minsang pananakit ng puwet.

Bukod dito, maaaring makaranas ng hirap sa pagdumi at pag-ihi dahil sa mga paghilab ng kalamnan. Upang makontrol ito, maaaring magreseta ng mga gamot ang iyong doktor, at madalas na pinapayuhan ang mga pasyenteng gumamit ng stool softeners para mapadali ang pagdumi4.  

 

pagdurugo ng almoranas pagkatapos ng surgery

Pagdurugo o Discharge

Pagkatapos ng operasyon, maaaring makaranas ka ng kaunting pagdurugo at discharge bilang bahagi ng pagpapagaling. Sa simula, ang discharge ay kulay pula o brown, lalo na pagkatapos ng pagdumi. Magiging dilaw ito habang nagpapatuloy ang paggaling5.

Ang yellow discharge ay maaaring resulta ng paggaling ng sugat at may kasamang nana, na hindi naman bihira5. Bagaman ang kulay na ito ay karaniwang itinuturing na normal, ang anumang malaking pagbabago sa kulay o amoy ay dapat ipagbigay-alam sa doktor upang matiyak na walang impeksyon o komplikasyon.

 

pag-ire at almoranas

Hirap sa Pagdumi

Ang discomfort na ito ay maaaring mag-manifest sa matinding pananakit o pakiramdam ng hapdi sa paligid ng puwet, na mas lumalala dahil sa paghilom ng laman at posibleng pamamaga nito1. Karamihan ng mga pasyente ay makakaramdam ng bigat o pressure sa bandang puwetan, na nakakabahala lalo na sa tuwing dudumi.

Ang takot sa sakit ay maaaring magbigay ng pag-aalinlangang dumumi at posibleng magdulot ng constipation, na lalong nagpapahirap sa sitwasyon. Habang ikaw ay nagpapagaling, asahan mong makakaranas ka ng physical at psychological discomfort.

 

Mga Tips para sa Mabilis na Paggaling Pagkatapos ng Almoranas Surgery

Para matiyak ang maayos na pagaling pagkatapos ng operasyon sa almoranas, sundin ang mga angkop na post-care tips na ito.

 

sitz bath sa almoranas

Ibsan ang Sakit at Discomfort

Gumamit ng sitz bath ng 15-20 minuto araw-araw para ibsan ang pananakit at discomfort sa pagdumi6, lalo na pagkatapos pumunta sa banyo upang mabawasan ang sakit sa iyong sugat at ang pamamaga nito4.

Puwede mo ring ilagay ang mga ice packs para mapawi ang pananakit at mabawasan ang pamamaga. Panatilihing malinis ang inoperahang parte sa pamamagitan ng dahan-dahang pagpunas gamit ang malambot na tela o wipes, at iwasan ang paggamit ng matapang na sabon.

 

fiber para sa almoranas

Dagdagan ang Pagkain ng Fiber

Pagkatapos ng iyong operasyon, mahalaga ding dagdagan ang pagkain ng fiber at panatilihing hydrated upang makatulong sa pagma-manage ng sakit at hindi komportableng pagdumi.

Isama ang madalas na pagkain ng high-fiber foods at whole grains sa iyong dyeta7. Uminom din ng maraming tubig para mapanatiling malambot ang iyong dumi at maging malusog ang iyong digestive system.

 

relax para ibsan ang almoranas

Magdahan-dahan sa Pagkilos

Mahalaga ang pahinga sa mga unang araw pagkatapos ng iyong operasyon. Kailangan mong iwasan ang mga pisikal na gawain, lalo na ang pagbubuhat ng mabibigat at sobrang pag-ehersisyo ng hindi bababa sa isa o dalawang linggo.

Ang mabagal na paglakad ay makakatulong sa sirkulasyon at bawasan ang panganib sa pagkakaroon ng pamumuo ng dugo, ngunit iwasan ang mga gawain na maaaring magdulot ng puwersa sa katawan4.

Sa panahon ng pagdumi, maglaan ng oras at iwasang umire. Kung kinakailangan, gumamit ng stool softener ayon sa payo ng iyong doktor para mapadali ang proseso8. Ang pagbibigay-priyoridad sa pahinga at magaan na galaw ay makakatulong sa iyong paggaling.

 

Mga Dapat Tandaan

Ang healing pagkatapos ng operasyon sa almoranas ay nangangailangan ng maingat na pag-aalaga sa sarili at pagsunod sa payo ng doktor para matiyak ang maayos na paggaling9. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito, mas magiging komportable ang iyong paggaling at makakabalik ka sa iyong normal na gawain.

Bagaman makakatulong ang pagbabago sa iyong lifestyle, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay nag-aalok ng mas maaasahang solusyon. Sa aktibong sangkap nito na MPFF, maaari mong i-manage ang iyong almoranas at makabalik sa iyong normal na gawain. Kumonsulta sa iyong doktor upang malaman kung ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay tama para sa iyo. Simulan ang iyong paglalakbay patungo sa ginhawa ngayon.

REFERENCES

  1. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279465/
  2. https://my.clevelandclinic.org/health/procedures/hemorrhoidectomy
  3. https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=ud1119#:~:text=After%20you%20have%20hemorrhoids%20removed,yellow%20fluids%20from%20your%20anus.
  4. https://www.verywellhealth.com/after-hemorrhoid-surgery-3156810
  5. https://www.mountsinai.org/health-library/discharge-instructions/hemorrhoid-removal-discharge
  6. https://www.healthline.com/health/sitz-bath
  7. https://www.medicalnewstoday.com/articles/hemorrhoids-high-fiber-diet
  8. https://www.healthline.com/health/poop-strain
  9. https://driphydration.com/blog/hemorrhoid-surgery-recovery/?srsltid=AfmBOorpbyBoj-Q_uAtgdG-vz8tf0_dmvRKTOs5ltfyc4N2sxcbOePT1

2024