Almoranas

Gamot sa Almoranas

10/7/2024

Benepisyo ng Paggamit ng Oral at Topical Treatments Para sa Almoranas

Overview

  • Ang artikulong ito ay tumatalakay sa mga benepisyo ng paggamit ng oral at topical na gamot para sa almoranas.
  • Habang ang mga oral na gamot ay nagbibigay ng systematic relief sa pamamagitan ng pagtugon sa mga pangunahing sanhi, ang mga topical na gamot ay nagbibigay ng localized na pamamahala sa mga sintomas.
  • Ang Diosmin + Hesperidn (Daflon®) at Emoflon® ay nakakatulong sa mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga taong may almoranas.

 

Introduction

Ang almoranas ay nagdudulot nang matinding sakit at abala, na nakakaapekto sa pang-araw-araw na gawain sa ating buhay. Ang sakit na ito ay may kasamang pangangati, pamamaga, at pagdurugo na nagpapahirap kahit sa simpleng mga gawain tulad ng pag-upo o paggamit ng banyo.

Ang mga benepisyo ng paggamit ng mga oral at topical treatments para sa almoranas ay nagbibigay ng epektibong solusyon upang maibsan ang mga nakakairitang mga sintomas na ito.

 

Mga Uri ng Almoranas

Ang almoranas ay ang namamagang mga ugat na matatagpuan sa ibabang bahagi ng rectum at puwet. Maaari itong magdulot ng discomfort, sakit, at pagdurugo. Kahit na karamihan ng mga tao ay mayroon nito,1 madalas ay hindi ito nagdudulot ng problema hangga't hindi ito namamaga o nagiging inflamed. Ito ay may iba't ibang uri base sa kanilang lokasyon at katangian2.

 

internal na almoranas

Internal na Almoranas

Ang internal na almoranas ay matatagpuan sa loob ng rectum at karaniwang walang sakit. Maaari silang magdulot ng pagdurugo tuwing nagdudumi ngunit madalas na hindi napapansin hanggang sa sila ay lumabas (mangyari ang prolapse) sa puwet3.

 

external na almoranas

External na Almoranas

Matatagpuan sa ilalim ng balat sa paligid ng puwet, maaaring masakit ito at magdulot ng pangangati at hindi komportableng pakiramdam. Mas madali silang mapansin dahil maaari itong maramdaman bilang mga bukol o umbok4.

 

prolapsed na almoranas

Prolapsed na Almoranas

Ang ganitong uri naman ay nangyayari kapag ang mga internal na almorans ay namamaga at lumalabas na ng puwet. Maaari silang itulak pabalik sa loob ngunit puwede itong magdulot ng sakit at pangangati5.

 

Mga Benepisyo ng Oral Treatment sa Almoranas

Ang mga oral treatments para sa almoranas, tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), ay makakatulong sa paggamot ng mga sintomas na kaugnay dito. Bagaman epektibo silang makapagbigay ginhawa, nangangailangan pa rin ng medical treatment sa mga malubhang kaso.

 

tiyak na lunas sa almoranas

Tiyak na Lunas sa Almoranas

Ang mga ito ay nagbibigay ng tiyak na lunas sa pamamagitan ng paggamot sa mga ugat na sanhi ng almoranas6. Ang mga aktibong sangkap ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) na Diosmin at Hesperidin ay tumutulong sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga ugats, para hindi ito madaling mag-lumaki at mamaga. Ito ay nakakatulong sa pagginhawa ng mga sintomas tulad ng pananakit, pamamaga, at pagdurugo.

Kumpara sa mga topical treatments na nakatuon sa mga panlabas na sintomas lamang, ang mga oral treatments naman ay gumagana mula sa loob ng katawan upang mabawasan ang pamamaga at mapabuti ang daloy ng dugo sa apektadong lugar. Nagbibigay ito ng mas komprehensibong paraan para mapabuti ang iyong kondisyon.

 

komprehensibong paggamot sa almoranas

Komprehensibong Paggamot ng Almoranas

Ang oral na gamot ay nakakatulong sa pagpapagaan ng sintomas ng parehong internal at external na almoranas7. Maaari din nilang paikliin ang tagal nito, kaya mas mabilis ang ginhawa kumpara sa ilang topical na gamot.

Ang mga oral treatments ay kadalasang may mga sangkap na hindi lang tumutulong sa pagpawi nang sakit at discomfort, kundi nagpapabuti rin ng kalusugan ng mga ugat. Maaari nilang palakasin ang venous tone, at bawasan ang pamamaga ng maliliit na ugat.

 

pangmatagalang benepisyo sa almoranas

Pangmatagalang Benepisyo sa Almoranas

Ang regular na paggamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay maaaring magdulot ng pangmatagalang pagbuti sa kalusugan ng mga ugat, at maaaring mabawasan ang dalas at tindi ng mga susunod na pag-atake ng almoranas. Ang mga oral na gamot na ito, lalo na ang mga may flavonoids8, ay nagpapalakas ng vascular tone at pinapalakas ang vein walls, na tumutulong upang mabawasan ang paglawak at pamamaga ng mga ugat na nagiging sanhi ng almoranas, at tumutulong sa pagbawas sa posibilidad ng muling pag-atake ng mga sintomas.

 

Mga Benepisyo ng Topical Treatment sa Almoranas

Ang mga topical creams at ointments ay nagbibigay ng localized relief sa pamamagitan ng pag-manhid sa apektadong lugar at pagbawas ng pamamaga. Epektibo ang mga ito para sa external hemorrhoids at maaaring magbigay ng mabilis na ginhawa mula sa pangangati, sakit, at discomfort.

 

binabawasan ang maga ng  almoranas

Nakakabawas ng Pamamaga ng Almoranas

Ang mga topical treatments para sa almoranas ay mahusay sa pag-target ng pamamaga, isa sa mga pangunahing sanhi ng sakit. Ang mga produktong ito ay madalas na may mga aktibong sangkap na partikular na ginawa upang maibsan ang pamamaga at sakit9.

Halimbawa, ang mga creams at ointments na tulad ng Emoflon® ay naglalaman ng sucralfate na kilala sa anti-inflammatory properties nito. Kapag ipinahid nang direkta sa apektadong lugar, mabilis na nakakatulong ang gamot na ito upang maibsan ang namamagang mga laman, at nagbibigay ng agarang ginhawa mula sa mga sintomas tulad ng pananakit, pangangati, at pagkairita.

Ito ay hindi lamang tumutulong upang mapagaan ang discomfort sa panahon ng pagdumi, kundi pati na rin ang pagpapabilis sa paggaling nang naiiritang balat. Ito ay nakakatulong para madali mong magamot ang mga sintomas ng almoranas10.

 

localized na paggamot sa almoranas

Localized na Paggamot sa Almoranas

Ang localized na paggamot ay isang mahalagang benepisyo ng mga topical treatments para sa almoranas dahil nagbibigay ito ng direktang ginhawa sa apektadong bahagi11. Sa pamamaraang ito, sigurado na ang mga aktibong sangkap, tulad ng sucralfate, ay direktang napupunta sa iyong almoranas, at nagbibigay ng ginhawa kung saan ito pinaka kailangan.

Ito ay nagpapahintulot din sa mas tumpak na paglagay, tinitiyak na ang gamot ay tumatama sa bahagi na may impeksyon nang hindi nababawasan o kumakalat sa buong katawan.

 

mas madaling gamitin sa almoranas

Mas Madaling Gamitin Para sa Almoranas

Ang mga topical treaments para sa almoranas ay ginawa para madaling mailapat nang direkta sa apektadong lugar ang gamot. Ang kaginhawaan nito ay nagpapahintulot sa iyo na agad na mabawasan ang sintomas tulad ng pananakit, pangangati, at pamamaga nang hindi kinakailangan ng komplikadong mga pamamaraan o oral na gamot11.

Ang mga topical treatments ay maaaring ilapat kung kinakailangan, kaya't madaling makuha ang agarang ginhawa kapag sumasakit. Ang Emoflon® ay may user-friendly na packaging at may kasamang applicator, na nagpapadali sa proseso at naghihikayat ng regular na paggamit.

 

Mga Dapat Tandaan

Ang mga benepisyo ng paggamit ng oral at topical treatments para sa almoranas ay parehong nagbibigay ng mahalagang tulong sa paggamot ng mga sintomas nito. Ang pagpili sa pagitan nila ay dapat base sa indibidwal na pangangailangan at tindi ng sintomas. Maaaring kumonsulta sa iyong doktor para malaman ang pinaka-angkop na plano ng paggamot na akma sa iyong kondisyon.

Kung naghahanap ka ng epektibong lunas para sa mga sintomas ng almoranas, isaalang-alang ang mga benepisyo ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) at Emoflon®. Ang mga gamot na ito ay tumutulong sa parehong mga sanhi at matinding sintomas ng almoranas, at nagbibigay ng kumpletong treatment sa iyong kondisyon.

REFERENCES

  1. https://www.nebraskamed.com/colorectal-surgery/how-to-determine-if-you-have-hemorrhoids#:~:text=Hemorrhoids%20are%20vascular%20cushions%20that,rest%2C%20which%20helps%20with%20continence.
  2. https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/haemorrhoids
  3. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
  4. https://www.medicalnewstoday.com/articles/322732
  5. https://www.exroid.com/haemorrhoid-advice/prolapsed-haemorrhoids#:~:text=The%20most%20common%20symptom%20of,or%20irritation%20around%20the%20anus
  6. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/diagnosis-treatment/drc-20360280
  7. https://www.ttsh.com.sg/Patients-and-Visitors/Medical-Services/Pharmacy/Documents/Pharmacy/PIL/PIL_by_Disease_Conditions/Medications_to_Treat_Haemorrhoids.pdf
  8. https://www.peacehealth.org/medical-topics/id/hn-2844004#:~:text=A%20number%20of%20flavonoids%20have,beneficial%20for%20people%20with%20hemorrhoids.
  9. https://www.verywellhealth.com/hemorrhoid-treatments-and-home-remedies-89353
  10. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC9885481/
  11. https://www.webmd.com/digestive-disorders/understanding-hemorrhoids-treatment-medref

2025