Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

4/15/2024

Ano ang Itsura ng Almoranas?

Overview

  • Ang almoranas ay nakakaapekto sa maraming tao, kung saan 4.4% sa buong mundo at maraming Pilipino ang nahihirapan dito dahil sa discomfort na ibinibigay nito.
  • Ang internal hemorrhoids ay nagdudulot ng pagdurugo sa rectum, kung saan nahihirapan kang dumumi. Ito’y nagbibigay ng pamamaga, pangangati, at sakit, na minsan ay may kasamang pamumuo ng dugo.
  • Mahalaga ang pagkilala sa mga sintomas tulad ng kirot habang dumudumi, pagdurugo sa dumi, at pamamaga sa paligid ng anus upang maagapan ito.

 

Introduction

Ang almoranas ay isang karaniwan ngunit madalas na hindi pinapansin na sakit, ay nakakaapekto sa marami. Ayon sa isang datos, 4.4% ng mga tao sa buong mundo ay nakakaranas nito1. Maraming Pilipino din ang nakakaranas ng karamdamang ito.

Sa kabila nito, madalas ay hindi ito ginagamot hanggang sa lumala at maging seryosong kondisyon. Ito’y dahil hindi masyadong napapansin ang mga unang senyales na mayroon kang almoranas.

Kaya naman, ang artikulong ito ay patungkol sa kung ano nga ba ang itsura ng almoranas. Ating pag-uusapan pati na rin kung ano ang mga dapat mong gawin bago pa ito lumala.

itsura ng almoranas

Ano ang Itsura ng Almoranas Base sa Uri Nito?

Ang almoranas ay ay puwedeng magpakita sa iba’t-ibang paraan, depende sa lokasyon at gaano kalala ito. Kaya naman mahalagang unawain ang iba’t-ibang uri nito para sa tamang diagnosis at treatment.

 

Internal Hemorrhoids

Ang internal hemorrhoids ay nabubuo sa loob ng iyong puwet, kung saan hindi sila gaanong nakikita o nahahalata. Sa kabila nito, puwede pa rin itong magdulot ng discomfort at iba’t-ibang sintomas.

Isa sa mga senyales na mayroon kang internal hemorrhoids ay ang rectal bleeding o pagdurugo sa bandang puwet2, kung saan may makikita kang matingkad na dugo sa toilet paper o toilet bowl.

Ang mga taong mayroon nito ay puwedeng makaranas ng pakiramdam na parang hindi nila mailabas ang kanilang dumi3. Kasama na rin dito ang pag-usli o paglitaw ng almoranas sa kanilang anal opening—lalo na sa tuwing sila’y umiire.

internal hemorrhoids

 

External Hemorrhoids

Madalas na nabubuo ang external hemorrhoids sa ilalim ng anal opening, kung saan ito’y iyong mararamdaman dahil sa merong pamamaga o bukol4, lalo na habang at pagkatapos mong dumumi. Puwede rin itong magdulot ng pangangati, irritation, at pananakit5. Kapag ito’y lumala, puwedeng magkaroon ng pamumuo ng dugo sa loob, na nagdudulot nang matinding discomfort, pamamaga, at pananakit.

Kaya naman importante ang pagiging alisto sa mga posibleng sintomas nito. Huwag mag-atubiling humingi ng tulong na medikal kung kinakailangan. Nakakatulong kasi ito para ma-manage mo ang discomfort na dala ng external hemorrhoids. Ang pagkakaroon ng magandang hygiene at healthy na lifestyle ay nakakatulong din para masugpo ito.

Sa ilang mga pagkakataon, nakakapagbigay-ginhawa ang mga over-the-counter treatments tulad ng MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)—isang natural na tableta para sa almoranas, pati na rin ang pagbabago mo sa iyong pamumuhay.

external hemorrhoids

Paano Malalaman kung May Almoranas Ka?

Malalaman mo kung ikaw ay may almoranas kung nakikita o nararamdaman mo ang mga sintomas na kaugnay sa kondisyong ito. Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sumusunod na palatandaan sa ibaba, inirerekomenda naming kumonsulta ka sa doktor upang maalagaan mo ang iyong kalusugan.

 

Pananakit at Discomfort habang Dumudumi

Ang pagkakaroon ng almoranas, lalo na ang external hemorrhoids, ay nagdudulot ng iba’t-ibang sakit at hindi komportableng pakiramdam habang ikaw ay dumudumi. Ito’y dahil lumalaki at namamaga ang blood vessels sa apektadong parte ng iyong puwet6.

Ito ay mas masakit habang dumudumi dahil nasa bandang anal opening ito, kung saan mas marami ang nerve endings. Ang pagiging sensitibo ng parteng ito ay nagdudulot ng discomfort, lalo na kung may pressure na ibinibigay sa namamagang laman habang dumudumi.

masakit na almoranas

 

Pagdurugo sa Dumi

Ang pagdurugo ay sanhi ng irritation at pamamaga ng mga namamagang ugat sa bandang puwet. Ang pag-ire mo habang dumudumi, paglabas ng matigas na dumi, o ang friction mula sa pagpupunas ay nagpapala dito, na nagdudulot ng maliit na punit na humahantong sa pagdurugo.

Bagaman ito ay karaniwang sintomas, hindi mo dapat ito balewalain. Ang almoranas ay kadalasang nawawala, ngunit ang patuloy o malakas na pagdurugo7 ay kinakailangan ng medical treatment upang malaman mo kung hindi ba ito dahil sa colorectal cancer o inflammatory bowel disease.

Dapat mong bantayan ang dalas o dami ng pagdurugo kapag ikaw ay dumudumi dahil sa almoranas. Mahalaga rin ang pagpapanatili ang pagkakaroon ng magandang hygiene para maiwasan ang anumang impeksyon. Isama mo na rin ang pagbabago ng lifestyle habits para maibsan ang sintomas, tulad ng pagkain ng mga mataas sa fiber8 at pananatiling hydrated para mabawasan ang pamamaga.

nagdudugong almoranas

 

Pamamaga sa Palibot ng Anus

Ang pamamaga sa paligid ng iyong puwet ay dulot ng internal at external hemorrhoids9. Sa external hemorrhoids, ang namamagang mga ugat ay puwedeng magdulot ng kapansin-pansin at malambot na balat sa palibot ng puwet. Ito’y dahil sa namumuong bukol o umbok na nasa labas  nito, na kalimitan mong mararamdaman sa tuwing ikaw ay nagpupunas pagkatapos  dumumi o habang naliligo.

Sa kabilang banda, ang internal hemorrhoids naman ay nagdudulot din nang pamamaga sa paligid ng iyong puwet, kahit na wala kang makikitang bukol dito. Ang pamamaga nito ay dulot ng pagkabalisa dahil sa pressure.

namamagang almoranas

Mga Aral

Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa kung ano ang itsura ng almoranas at iba't-ibang uri at sintomas nito ay mahalaga para sa maagang paggamot dito. Kaya naman kung sa tingin mo ay mayroon kang almoranas, mahalagang humingi ng medical assessment, gayundin ang pag-inom ng epektibong gamot tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) para makatulong sa pagbibigay ng lunas at mapabilis ang paggaling.

Bumili na ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ngayon at magpaalam sa sakit na dala ng almoranas. Huwag hayaang makaabala pa ito sa iyong buhay—samantalahin ang pagkakataon para sa lunas na subok na.

REFERENCES

  1. Kibret, A. A., Oumer, M., & Moges, A. M. (2021). Prevalence and associated factors of hemorrhoids among adult patients visiting the surgical outpatient department in the University of Gondar Comprehensive Specialized Hospital, Northwest Ethiopia. PLOS ONE, 16(4), e0249736. https://doi.org/10.1371/journal.pone.0249736
  2. Fontem, R. F., & Eyvazzadeh, D. (2023, July 31). Internal hemorrhoid. StatPearls - NCBI Bookshelf. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK537182/
  3. Hemorrhoids | ASCRS. (n.d.). https://fascrs.org/patients/diseases-and-conditions/a-z/hemorrhoids
  4. Crna, R. N. M. (2023, November 29). What external hemorrhoids look like and how to get rid of them. https://www.medicalnewstoday.com/articles/322732
  5. Anal itching - Symptoms and causes - Mayo Clinic. (2022, October 19). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/anal-itching/symptoms-causes/syc-20369345
  6. Hemorrhoids - Symptoms and causes - Mayo Clinic. (2023, August 25). Mayo Clinic. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
  7. Crna, R. N. M. (2023, December 18). What to know about bleeding hemorrhoids. https://www.medicalnewstoday.com/articles/326040
  8. Eating, Diet, & Nutrition for Hemorrhoids. (2022, July 23). National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/eating-diet-nutrition
  9. Johnson, S. (2023, November 21). What can cause anal swelling? https://www.medicalnewstoday.com/articles/326004#perianal-abscess

2024