Gamot sa Almoranas

Almoranas

2/25/2025

Rubber Band Ligation at Sclerotherapy: Ano ang Epekto sa Iyong Almoranas

Overview

  • Ang artikulong ito ay nagtatalakay kung ano ang maaaring epekto ng rubber band ligation at sclerotherapy para sa almoranas.
  • Ang bawat paraan na ito ay nagbibigay ng ginhawa sa almoranas ngunit may kanya-kanyang epekto, side effects, at mga konsiderasyon sa paghilom.
  • Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang karagdagang gamot upang maibsan ang pamamaga ng almoranas at mapabuti ang iyong pakiramdam.

 

Introduction 

Ang almoranas ay maaaring magdulot ng matinding discomfort at pananakit sa iyong pangaraw-araw na pamumuhay, lalo na kapag ito ay namamaga o namumula. Ngunit, may iba’t ibang paraan nang paggamot na puwedeng gawin upang ma-manage ito. Kabilang na ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), isang oral na gamot na tumutulong na mapabuti ang kalusugan ng ugat at mabawasan ang pamamaga ng almoranas. 

Bukod sa over-the-counter na gamot, may mga paraan din na makakapagbigay ng tiyak na ginhawa sa almoranas, tulad ng rubber band ligation at sclerotherapy. Ang mga ito ay daan patungo sa paggaling, ngunit magkaiba ang kanilang pamamaraan1.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang dalawang paraan na ito, ipapaliwanag kung ano ang maaari mong asahan bago, habang, at pagkatapos ng bawat procedure.

 

rubberband ligation

Ano ang Rubber Band Ligation?

Ang rubber band ligation ay isang minimally invasive at simpleng paraan ng paggamot sa internal hemorrhoids. Sa prosesong ito, nilalagyan ng maliit na rubber band ang base ng almoranas upang maputol ang daloy ng dugo dito1.

Dahil sa kawalan ng daloy ng dugo, unti-unting lumiliit at kusang natatanggal ito pagkalipas ng ilang araw. Karaniwang ginagawa sa klinika ng doktor at hindi nangangailangan ng anesthesia, bagamat maaari ding gumamit ng pampamanhid upang mabawasan ang anumang kirot o hindi komportableng pakiramdam2.

 

paano ginagawa ang rubberband ligation sa almoranas

Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Rubber Band Ligation

Sa simula ng operasyon, kinakailangan mong humiga nang patagilid habang ang doktor ay gumagamit ng espesyal na instrumento para mailagay ang rubber band sa iyong almoranas. Karamihan sa mga pasyente ay maaaring makaranas ng bahagyang diin o discomfort, ngunit mabilis lang ang proseso na tumatagal lamang ng ilang minuto2.  

Pagkatapos ng procedure, maaari kang makaramdam ng bahagya hanggang katamtamang kirot, pressure at pananakit ng ilang araw3. Makakatulong ang over-the-counter na gamot para sa sakit at maligamgam na tubig upang maibsan ito. 

Ang iyong almoranas ay kadalasang kusang matatanggal sa loob ng isang linggo. Minsan, may kaunting pagdurugo kapag nangyari ito, na normal lang at hindi dapat ikabahala. Subalit, kung makaranas ng labis na pagdurugo o patuloy na pananakit, mahalagang kumonsulta agad sa doktor4.

 

sclerotherapy para sa almoranas

Ano ang Sclerotherapy?

Ang isa pang non-surgical procedure para sa paggamot ng almoranas ay ang sclerotherapy. Sa prosesong ito, tinuturok ang chemical solution sa hemorrhoidal tissue, upang ito ay lumiit at tumigas. Kapag nangyari ito, nagkakaroon ng peklat at pinapaliit ang almoranas. Karaniwang ginagamit ito para sa maliliit na internal hemorrhoids at puwedeng gawin ito sa klinika ng doktor5

Mga Dapat Tandaan Tungkol sa Sclerotherapy

Kagaya ng rubber band ligation, ang proseso ng sclerotherapy ay mabilis at simple lang din. Mag-i-inject lamang ng sclerosing solution ang doktor na tumutulong upang tumigas ang almoranas. Maaari kang makaramdam ng kaunting kirot o discomfort mula sa injection, pero karaniwang magaan lang ang procedure at hindi na kailangan pa ng anesthesia6.

Pagkatapos ng procedure, maaaring makaramdam ng bahagyang sakit o discomfort sa paligid ng almoranas, ngunit kadalasan ay nawawala ito sa loob ng ilang araw. Karamihan sa mga pasyente ay makakabalik agad sa kanilang normal na gawain, pero ang iba ay maaaring makaramdam ng bahagyang pamamaga o pakiramdam ng kabigatan sa anal area7.  

Ang epekto ng sclerotherapy ay maaaring magtagal ng ilang linggo bago makita ang buong resulta, habang ang almoranas ay unti-unting lumiliit at nawawala. Posible ring kailanganin ng higit sa isang sesyon ng paggamot upang makuha ang pinakamainam na resulta.

 

Ano ang Pinagkaiba ng Rubber Band Ligation at Sclerotherapy? 

Ang rubber band ligation at sclerotherapy para sa almoranas ay parehong epektibong paggamot, ngunit may kanya-kanyang benepisyo at mga bagay na dapat isaalang-alang. Narito ang kanilang pinagkaiba.

 

masayang pasyente ng almoranas

Epektibo ba Ito?

Ang rubber band ligation ay madalas na unang pinipili para gamutin ang mga katamtaman hanggang malalaking internal hemorrhoids. Isa itong mabisang pamamaraan, ngunit hindi ito laging angkop kung mayroon kang external hemorrhoids7.

Samantala, ang sclerotherapy naman ay karaniwang ginagamit para sa mas maliliit na almoranas o kung hindi angkop ang rubber band ligation. Ito ay epektibo lalo na kung naghahanap ka ng hindi gaanong invasive na procedure8.

 

pasyenteng nakakaranas ng epekto ng operasyon ng almoranas

Ano ang mga Panganib at Side Effects?

Ang parehong treatment ay itinuturing na ligtas, ngunit tulad ng ibang medical procedure, may mga kaunting panganib din ito. Sa rubber band ligation, may maliit na posibilidad ng pagdurugo, impeksyon, at isang bihirang kondisyon na tinatawag na "rubber band slippage," 9 kung saan maaaring magalaw ang rubber band mula sa pwesto nito. May pagkakataon din na ang hemorrhoid tissue ay maaaring ma-infect o magkaroon ng ulcer, na magdudulot ng karagdagang discomfort.

Ang sclerotherapy naman ay may mababang panganib ng komplikasyon, tulad ng bahagyang pagdurugo, impeksyon, o pamamaga. Sa mga bihirang pagkakataon, maaaring magdulot ng pinsala sa tissue ang injected solution, ngunit ang mga komplikasyong ito ay bihira10.

 

gastos sa ospital

Magkano at Madali Bang Ipagawa Ito?

Pagdating sa gastos, ang rubber band ligation ay karaniwang mas mura kumpara sa sclerotherapy7. Ito ay madalas na nakikita sa mga clinics at karaniwang sakop ng insurance, depende sa kalubhaan ng iyong kondisyon. Gayunpaman, parehong itinuturing na cost-effective ang mga paggamot na ito kumpara sa mga mas invasive operations.

 

Mga Dapat Tandaan

Ang parehong rubber band ligation at sclerotherapy ay maaaring magbigay ng mabisang solusyon, ligtas at minimally invasive na  paraan na  paggamot sa almoranas. Anuman ang paraan na pipiliin, parehong nagdudulot ang mga ito ng ginhawa at malaki ang maitutulong sa pagbubuti ng kalidad ng iyong buhay11.

Bukod sa mga paggamot na ito, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay makakatulong din sa iyong pagpapagaling at sa pagpigil ng karagdagang discomfort mula sa almoranas. Kapag isinama mo ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) sa iyong treatment plan, maaari mong maranasan ang mas mabilis at magaang na paggaling.

Kung ikaw ay may almoranas, kumonsulta sa iyong doktor upang malaman kung ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay makakatulong sa iyong kabuuang plano sa pangangalaga, kasabay ng mga pamamaraan tulad ng rubber band ligation o sclerotherapy.

REFERENCES

  1. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/multimedia/rubber-band-ligation-of-hemorrhoid/img-20007751
  2. https://www.healthlinkbc.ca/health-topics/rubber-band-ligation-hemorrhoids
  3. https://myhealth.alberta.ca/Health/aftercareinformation/pages/conditions.aspx?hwid=ud1361
  4. https://www.medicalnewstoday.com/articles/326742#what-to-expect
  5. https://www.exroid.com/haemorrhoid-advice/sclerotherapy-treatment
  6. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC9022405/
  7. https://www.crssny.com/sclerotherapy-injections-for-hemorrhoids-common-questions/
  8. https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK558967/
  9. https://bmcsurg.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12893-022-01688-8
  10. https://link.springer.com/article/10.1007/s10151-023-02908-w
  11. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC9761374/

2025