
Mga Sintomas ng Almoranas
Maaaring magkaroon ng almoranas sa loob o sa labas ng puwet. Iba’t-ibang sintomas ng ang pwedeng maranasan dahil dito. Para malaman kung anong klaseng almoranas ang iyong nararanasan, makakatulong kung alam mo ang mga sintomas nito.
External Almoranas
Ito ang almoranas na nangyayari sa mga ugat sa labas o nakapalibot sa puwetan. Ito ang mga sintomas na mararamdaman dito:
- Pamamaga sa paligid ng puwet
- Pangangati o iritasyon sa puwetan
- Pananakit sa apektadong parte
- Pagdurugo
Internal Almoranas
Ito naman ang almoranas na nabubuo sa loob ng puwet. Ang mga sintomas ay:
- Hindi masakit, pero may padudugo sa pagdumi
- Kung ang bukol ay malapit sa butas, maaaring makaranas ng pananakit
Thrombosed Almoranas
Nangyayari ang thrombosed almoranas kung may namuong dugo sa isang external almoranas. Ang mga sintaomas ay:
- Lubos na pananakit
- Pamamaga
- Malaking bukol sa may puwetan