Almoranas

Sanhi at Sintomas ng Almoranas

10/7/2022

Mga Uri Ng Almoranas

Ano ang mga uri ng almoranas?

  1. Internal Hemorrhoids
  2. External Hemorrhoids
  3. Thrombosed Hemorrhoids
  4. Prolapsed Hemorrhoids

Ang almoranas ay isa sa mga kondisyon na nararanasan ng malaking porsyento ng mga adult sa buhay nila. Malaking rason dito ay ang natural na paghina ng ating katawan, kasama ang mga ugat. Habang humihina ang mga ugat, mas madali itong mamamaga. Bagaman maraming nagkakaroon ng almoranas, iba-iba pa rin ang mga nararamdamang mga sintomas ng mga tao. Ito ay dahil may iba’t-ibang uri ng almoranas na pwedeng maranasan.

Ang pagkakaiba ng mga uring ito ay hindi lang sa sintomas, kundi sa lugar rin kung saan nagkaroon ng almoranas at ang mga posibleng komplikasyon at gamot. Mahalagang malaman kung anong klase ng almoranas ang iyong nararamdaman para malaman kung anong klaseng paggamot ang dapat na gawin.

Dito, tatalakayin ang apat na uri at ang mga sintomas nila. Ano nga ba ang iba’t-ibang mga uri ng almoranas?

Internal Hemorrhoids

Ang internal hemorrhoids ay ang klase ng almoranas na nabuo sa loob ng puwetan. Ang ugat na namaga ay matatagpuan sa loob ng puwet o rectum. Ang ganitong uri ay hindi makikita saan mang parte ng puwetan. Malalaman mong may internal hemorrhoids ka base sa mga mararamdaman mong mga sintomas. Ang mga sintomas ay:

Hindi tipikal na nakikita ang internal hemorrhoids mula sa labas, ngunit may mga pagkakataon na nakadikit na ang internal hemorrhoids sa butas. Ang ganitong internal hemorrhoids ay malapit nang makalabas at nakakadulot ng pananakit. Kung sa tingin mo ay may internal hemorrhoids ka, maaaring magpatingin sa doktor para makasigurado.

Hindi mabisa ang ilang pambahay na lunas tulad ng hot sitz bath sa internal hemorrhoids. Ang mas mabisang gamot dito ay ang MPFF na gamot tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000).3

 

Hemorrhoids

External Hemorrhoids

Ang kabaliktaran naman ng internal hemorrhoids ay ang external hemorrhoids. Ito ay ang pamamaga ng ugat sa ilalim ng balat ng tumbong. Ang ganitong uri ay mas madaling makita mula sa labas, at mas nakakadulot ng pananakit at pangangati. Ito ang mga sintomas ng external hemorrhoids:

  • Pananakit2/3/5
  • Pangangati2/3/5
  • Pagdurugo2/3/5
  • Pamamaga ng puwet2/3/5

Ang external hemorrhoids ay mas madaling masanggi ng mga bagay tulad ng mga upuan. Dahil dito, mas madalas magdugo ang external hemorrhoids kumpara sa internal. Asahan na rin na masakit o makati ang pagdumi at may makikitang dugo na kasama dito. Ito rin ang klase ng almoranas na maaaring magkaroon ng pamumuo ng dugo na magdudulot ng komplikasyon.

Nakakatakot man, and external hemorrhoids pa rin ang madalas na pinapabayaan na lang hanggang gumaling. Ito rin ang may mas maraming pwedeng panggamot. Dito mabisa ang mga pambahay na lunas at ibang gamot tulad ng hemorrhoid cream at mga pain reliever tulad ng ibuprofen.

Thrombosed Hemorrhoids

Ang thrombosed hemorrhoids ay isa sa mas malalang mga uri ng almoranas. Dulot ito ng pag-iipon at pamumuo ng dugo sa loob ng external hemorrhoids. Isa ito sa mga posibleng kalabasan kung ang almoranas ay hindi pansinin at hindi bigyan ng lunas. Ang mga sintomas nito ay:

  • Matindining pananakit3
  • Pamamaga3
  • Malaking bukol sa may puwetan3

Dahil sa pamumuo ng dugo, nagiging kulay lila o bughaw ang almoranas. Hindi dapat ginagalaw o pinuputok ang ganitong almoranas kung hindi sa utos o pangangasiwa ng doktor.2 Ang komplikasyon na ito ay nalulunasan ng operasyon. Bihira lang mangyari, ngunit may mga pagkakataon rin na nawawala nang kusa ang thrombosed hemorrhoids.

 

prolapsed hemorrhoids

Prolapsed Hemorrhoids

Ang prolapsed hemorrhoids ay komplikasyon ng internal hemorrhoids kung saan nahulog mula sa rectum o loob ng puwet at umuusli na palabas ng anal canal. Ito ang mga mararamdamang sintomas kung may prolapsed hemorrhoids:

  • Bukol sa puwetan6
  • Pangangati6
  • Pagdurugo, lalo sa pagdumi6
  • Pananakit6
  • Pakiramdam na hindi dumadaloy ang dumi (incomplete evacuation)6

Ang isang prolapsed hemorrhoids ay maaaring itulak nang dahan-dahan pabalik sa loob ng puwet, ngunit mas maigi kung doktor ang gagawa nito.1/6 Minsan naman ay kusa na rin itong umuurong pabalik. Ang mga prolapsed hemorrhoids ay mas madaling magkaron ng pamumuo ng dugo at iba pang komplikasyon.

Madalas ay kaunti lang ang pagdurugo nga mararanasan sa isang prolapsed hemorrhoids. May mga kaso pa rin na malala ang pagdugo at maaaring maging delikado, kaya dapat maagapan at mabigyang lunas ang mga almoranas.

TANDAAN: Ang pagdurugo na nanggaling sa almoranas sa bandang puwetan ay kulay pula, at ang pagdurugo na galing sa loob ng katawan (tulad ng tiyan o intestine) ay maitim at malapot.6 Alamin ang pinagkaiba upang makakuha ng nararapat na gamot.

Mga Aral

Sa panahon na makaranas ng almoranas, makatutulong kung alam mo ang iba’t-ibang uri ng almoranas para alam natin kung ano ang dapat gawin. Maging internal, external, thrombosed, o prolapsed man ang almoranas, mabilisang paggamot pa rin ang dapat na gawin. Alamin dito ang mabisang gamot sa almoranas.

Ang mga gamot na MPFF (micronized purified flavonoid fraction) ay makakatulong sa kahit na anong klase ng almoranas. Para sa mabisa at mabilisang paggaling, subukan ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000)! 

References

  1. https://medium.com/@t.kagan0123/alamin-ang-itsura-ng-almoranas-3fd4382b4c36
  2. https://tgp.com.ph/gamot-sa-almoranas/
  3. https://daflon.ph/
  4. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids
  5. https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hemorrhoids/symptoms-causes/syc-20360268
  6. https://www.verywellhealth.com/prolapsed-hemorrhoid-1945065

2024