Gamot sa Almoranas
Pagiwas sa Almoranas
Almoranas
2/25/2025
Mga Paraan sa Pagtratrabaho Maski may Almoranas
Overview
- Ang article na ito ay nagbibigay ng praktikal na gabay kung paano harapin ang almoranas habang ikaw ay nagtatrabaho.
- Kabilang sa mga tips ang mga pag-aayos ng workspace, mga break para gumalaw, pagpanatili ng proper hygiene at pagkain ng fiber.
- Tinutulungan ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) na i-manage ang mga sintomas ng almoranas sa pamamagitan ng pagpapabuti ng sirkulasyon at pagbawas ng pamamaga nito.
Introduction
Ang pagtatrabaho ay bahagi ng araw-araw nating buhay, at karamihan sa atin ay nananatili ng matagal sa harap ng computer. Pero ang matagal na pag-upo ay maaaring magpahirap sa mga taong my almoranas. Ito ay dahil ang patuloy na pag-upo ay nagbibigay ng dagdag na pressure sa mga ugat sa paligid ng puwet, na kadalasang nagpapalala ng mga sintomas1.
Sa article na ito, tatalakayin natin ang mga tips kung paano haharapin ang almoranas habang ikaw ay nagtatrabaho. Sa pamamagitan ng mga simpleng pagbabago at paggamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), isang oral na gamot sa alomoranas, ay maaari mong maibsan ang mga sintomas ng almoranas at mas maging komportable sa iyong trabaho.
I-adjust ang Iyong Workspace para Maging Komportable
Ang matagal na pag-upo buong araw ay maaaring magdulot ng sakit, lalo na kung ikaw ay may almoranas. Ang pag-a-adjust sa iyong workspace ay makakatulong para ikaw ay makaramdam ng ginahwa sa almoranas.
Narito ang tatlong simpleng paraan upang gawing mas komportable ang iyong workspace:
- Gumamit ng malambot na upuan: Subukan gumamit ng malambot na unan, tulad ng donut o memory foam seat, upang mabawasan ang pressure sa iyong likod at puwetan.
- I-adjust ang taas at postura ng upuan: Siguraduhing ang iyong upuan ay may maayos na kataasan kung saan ang mga paa mo ay nakatapak nang maayos sa sahig, at ang mga tuhod mo ay nasa 90-degree angle. Ang tamang posture ay makakatulong para maibsan ang strain sa iyong katawan at mapabuti ang daloy ng dugo2.
- Gumamit ng ergonomic desk: Kung maaari, gumamit ka ng standing desk upang makapagpalit-palit ka sa pag-upo at pagtayo. It ay makakatulong upang mabawasan ang pressure at mapabuti ang sirkulasyon ng iyong dugo3.
Ugaliing Mag-short Break at Tumayo sa Upuan
Ang paggalaw ng ilang minuto bawat oras ay makakatulong ng malaki sa iyong ginhawa at lakas3. Halimbawa, maaari kang tumayo para mag-refill ng tubig o maglakad-lakad sa paligid ng opisina para mapalakas ang sirkulasyon ng iyong dugo.
Ang mga galaw na ito ay makakatulong upang mabawasan ang pressure na naipon sa iyong katawan habang matagal na nakaupo. Isipin mo na ang mga simpleng galaw na ito bilang isang mini-reset para sa iyong katawan, binibigyan ka nito ng pagkakataon upang ma-release ang tensyon at manatiling komportable sa buong araw ng iyong trabaho4.
Ang pagdagdag ng ilang stretching sa iyong break ay mas mabuti rin. Halimbawa, i-cross mo ang isang paa sa kabila mong tuhod at dahan-dahang yumuko para ma-relieve ang tension sa iyong mga balakang at likod5.
Pagpapanatili ng Proper Hygiene sa Katawan
Kapag ikaw ay may almoranas, kahit ang pinakamaliit at hindi sinasadyang kilos ay maaaring magdulot ng hindi komportableng pakiramdam at pamamaga, na nagpapahirap sa pag-upo at pagtutok sa iyong mga gawain. Dahil sa iyong busy schedule, madaling makalimutan ang iyong hygiene, pero ang paggawa ng tamang kalinisan sa iyong katawan ay makakatulong na maiwasan ang paglala ng iyong mga sintomas ng almoranas6.
Kung walang tamang hygiene, maaaring maipon ang pawis at bacteria, na magdudulot ng pangangati, iritasyon, o impeksyon sa iyong almoranas7. Magdudulot ito ng mas malaking discomfort at maaari pang mag-require ng medical treatment.
Para mapanatili ang iyong hygiene habang nasa opisina, magdala ng maliliit na pakete ng unscented wipes o cleansing pads sa iyong desk. Makakatulong ito pagkatapos mong magbanyo, kaya't mabilis mong malilinis at mapapanatili ang pakiramdam sa buong araw. Kung alam mong tatagal kang nakaupo, mag-suot ng breathable cotton underwear upang maiwasan ang sobrang init at moisture sa iyong katawan5.
Uminom ng Tubig at Kumain ng Fiber
Kapag ikaw ay hydrated, mas madaling lumalambot ang iyong dumi, kaya’t mas madali at hindi nakakairita ang pagdumi, na mahalaga upang maiwasan ang paglala ng almoranas. Samantala, ang fiber naman ay nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain at tumutulong sa regular na pagdumi, kaya’t hindi mo na kailangan pang magpwersa habang dumudumi8.
Maaari kang maglagay ng bote ng tubig sa iyong desk upang ipaalala sa iyong sarili na uminom nang paunti-unti sa buong araw. Subukan din ang simpleng meryenda tulad ng saging, mansanas, o oatmeal na mayaman sa fiber at madaling ihanda sa trabaho. Kung madalas ka namang kumain sa labas, piliin ang mga pagkain na may gulay o whole grains, tulad ng salad o brown rice9.
Mga Sanhi at Sintomas ng Almoranas
Mahalagang malaman ang mga sintomas ng almoranas upang makapag-adjust sa kondisyon at mas epektibong mapangasiwaan ito, lalo na sa trabaho. Kapag napansin mo agad ang mga palatandaan, mas madali mong magagamit ang mga tamang tips para maibsan ang sakit at maiwasan ang karagdagang discomfort10.
Kabilang sa mga karaniwang sintomas ng almoranas ang pagdurugo sa pagdumi, pangangati, sakit o pamamaga sa paligid ng puwet, at discomfort. Ang mga sintomas na ito ay kadalasang na-trigger ng pwersahang pagdumi, matagal na pag-upo, o kakulangan sa fiber sa pagkain.11
Kung naghahanap ka ng dagdag na ginhawa, ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang oral na gamot na napatunayang nakakatulong sa pagbawas ng mga sintomas ng almoranas gaya ng pamamaga at discomfort. Pinapabuti nito ang kalusugan ng ugat at sirkulasyon para sa pangmatagalang ginhawa.
Mga Dapat Tandaan
Ang paraan kung paano harapin ang almoranas habang nagtatrabaho ay tungkol sa mga adjustments na kayang idagdag sa iyong routine, mula sa pag-aayos ng workspace, paggalaw paminsan-minsan, pagsasanay ng tamang hygiene, hanggang sa pagiging maalaga sa hydration at diet. Sa pamamagitan ng mga simpleng tips na ito, maaari kang manatiling komportable at mas makaka-focus sa iyong trabaho nang walang istorbo12.
Kung nakakaranas ka ng discomfort dahil sa almoranas, makakatulong ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) sa pagpapagaan ng iyong sintomas. Huwag hayaang maapektuhan ng almoranas ang iyong buhay, kumonsulta sa iyong doktor kung ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay maaaring maging bahagi ng iyong plano sa paggamot sa almoranas.
REFERENCES
- https://www.chennailasergastro.com/coping-with-hemorrhoids-at-work/#:~:text=Use%20a%20pillow%3A,the%20pressure%20off%20the%20anus.
- https://www.mwhtc-stl.com/blog/what-to-wear-how-to-sleep-and-other-practical-tips-for-hemorrhoid-sufferers
- https://health.clevelandclinic.org/5-simple-ways-you-can-prevent-hemorrhoids
- https://www.onsitesafety.com/safety-articles/benefits-workplace-stretching
- https://www.healthline.com/health/exercises-for-hemorrhoids
- https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279466/
- https://www.kingedwardvii.co.uk/health-hub/36-ways-to-reduce-piles-haemorrhoids
- https://www.webmd.com/diet/features/fiber-digestion
- https://nutritionsource.hsph.harvard.edu/carbohydrates/fiber/
- https://www.webmd.com/digestive-disorders/understanding-hemorrhoids-basics
- https://www.healthline.com/health/hemorrhoids#prevention
- https://www.aafp.org/pubs/afp/issues/2018/0201/p172.html
2025