Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti
Gamot sa Chronic Venous Disease
1/11/2024
Mga Home Remedies para sa Namimigat na mga Binti
Ano-ano ang mga home remedies para sa namimigat na mga binti?
- Pag-angat ng mga binti
- Cold compress
- Compression Stockings
- Pagmasahe sa mga binti
- Pagligo sa maligamgam at malamig na tubig
- Over-the-counter medicine
Overview
- Alamin ang epektibong home remedies para maibsan ang di-kaginhawahan ng mabigat na mga binti, na maaaring mag-iwan sa iyo ng pagod at di-kaginhawahan, at nakakaapekto sa kabuuang kalusugan mo.
- Ang mga over-the-counter na gamot ay maaaring magbigay-ginhawa sa kirot, pamamaga, at di-kaginhawahan sa mabigat na mga binti.
- Subukan ang mga remedyong ito upang makahanap ng ginhawa at kaginhawaan mula sa pasanin ng mabigat na mga binti at maibalik ang kasiglaan at kaginhawaan sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Introduction
Minsan, nadaraman natin ang bigat at pagod sa ating mga binti pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho.1 Ang pakiramdam ng mabigat na mga binti ay karaniwang kondisyon na maaaring mag-iwan sa iyo ng pagkapagod at kawalang-ginhawa. Narito ang anim na home remedies para sa namimigat na mga binti upang mabawasan ang ang kirot na iyong nararamdaman.
Sa blog na ito, ating tuklasin kung paano maalis ang kirot, pati na rin ang mga simpleng hakbang upang makatulong sa iyo upang maging masigla ang iyong mga binti.2 Tara, alamin natin ang ilang mga mahahalagang paraan na maaaring makapagdulot ng pagbabago sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Pag-Angat ng Mga Binti
Ang pag-angat ng iyong mga binti ay isang simple ngunit lubos na epektibong lunas.3 Humiga at itaas ang iyong mga binti gamit ang unan o cushion, pataas na katapat ng iyong puso. Gawin ito ng 15-20 minuto upang bawasan ang pamamaga at mapabuti ang daloy ng dugo, na nagbibigay-ginhawa mula sa kirot.
Kinokontra nito ang pwersa kung saan napupunta ang iyong dugo at fluid sa ibabang parte ng iyong katawan, na nagiging rason nang pamamaga at pamimigat ng mga binti.
Cold Compress
Ang cold compress ay isang mabilis at epektibong paraan para maibsan ang pakiramdam ng mabigat na mga binti, lalo na kapag mainit ito sa pakiramdam.4 Ang malamig na temperatura ay nagdudulot sa mga ugat na mag-constrict, na nakakatulong sa pagbawas nang pamamaga.
Sa paglalagay ng cold compress, kumuha ka ng tela o ibalot sa tuwalya ang yelo at dahan-dahan itong idikit sa mga apektadong bahagi ng iyong mga binti. Hayaan itong nakapatong ng mga 15-20 minuto. Ang paraang ito ay maaaring magdulot ng mabilis na ginhawa, lalo na sa mainit at pagod na mga araw kung saan nadarama mong sobrang mabigat ng iyong mga binti.
Compression Stockings
Ang mga compression stockings ay ginawa upang magbigay ng marahang pressure sa iyong mga binti.5 Ito ay isang solusyon para sa mga mabigat na mga binti at mabibili nang walang resetang hinihingi sa karamihan ng mga botika.
Nakakatulong ito sa mas mabisang sirkulasyon ng iyong dugo, na nag-udyok na bumalik ito sa iyong puso sa halip na magtipon sa iyong mga binti.5 Sa pamamagitan ng pagpapabuti ng sirkulasyon, epektibo nitong nababawasan ang pakiramdam nang namimigat na mga binti, kaya ito ay isang mahusay na pagpipilian para sa mga taong madalas na nakakaranas ng ganitong pakiramdam.
Pagmasahe sa Mga Binti
Magandang lunas din ang marahang pagmasahe sa iyong mga binti. Gamitin ang moisturizing lotion o langis upang maiwasan ang friction.6 Mag-umpisa mula sa iyong mga paa paitaas patungo sa iyong mga hita.
Ang gawaing ito ay hindi lamang nagpapalakas ng sirkulasyon ng iyong dugo kundi nag-aalis din ng tension, sakit, at kirot. Ang pagmamasahe ng iyong mga binti ng ilang minuto bawat araw ay makakatulong na mapanatili ang mabuting sirkulasyon at maiwasan ang pagbabalik ng pakiramdam ng mabigat na binti.
Mga tips para iwasan ang pamimigat ng binti: Ang Tamang Pagkain at Inumin para Mapabuti ang Pagdaloy ng Dugo
Pagligo sa Maligamgam at Malamig na Tubig
Ang pagligo gamit ang mainit at malamig na tubig para sa iyong mga binti ay simpleng ngunit epektibong lunas para mapabuti ang sirkulasyon ng iyong dugo.7 Magsimulang maligo gamit ang mainit na tubig ng ilang minuto upang ma-relax at ma-dilate ang mga ugat ng iyong dugo. Ang pagre-relax ng mga ito ay nagbibigay-daan para sa mas mahusay na sirkulasyon ng dugo. Pagkatapos, lumipat ka naman sa malamig na tubig ng isang o dalawang minuto.
Ulit-ulitin ito ng ilang beses, at siguruhing laging nagtatapos sa malamig na tubig.7 Ang pagkakaiba ng mainit at malamig na temperatura ay nagpapabuti sa sirkulasyon, nagpapabawas sa pamamaga, at nagbibigay nang magaan at malakas na pakiramdam sa iyong mga binti.
Over-the-Counter Medicine
Sa ilang mga sitwasyon, kapag ang mabigat na mga binti ay kasama ng sakit at pamamaga, maaaring magbigay ng ginhawa ang mga gamot na mabibili nang walang reseta.8 Ang (Diosmin + Hesperidin) Daflon® 1000 ay isang iniinom na gamot na tumutulong na maibsan ang mga senyales at sintomas ng chronic venous insufficiency, katulad ng mga varicose at spider veins, pananakit ng binti, pamumulikat ng binti, at pakiramdam ng mabigat na binti.
Ang gamot na ito ay makakatulong na mabawasan ang sakit, pamamaga, at discomfort, upang gumaan ang iyong mga binti. Ang pag-inom nito kasama ng iba pang mga lunas ay magpapabuti sa iyong pangkalahatang kalusugan upang harapin ang iyong pang-araw-araw na pamumuhay nang magaan at komportable.
Mga Dapat Tandaan
Kung naghahanap ka ng ginhawa mula sa bigat ng mga binti, subukan ang mga home remedies na madaling sundin at epektibong solusyon. Sa tulong ng blog na ito, maramdaman ang agarang kaginhawaan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng hakbang at alternatibong maaari mong gawin sa iyong tahanan. Subukan ang mga home remedies na ito upang maging magaan ang pasanin sa iyong mga binti at maibalik ang pakiramdam ng kasiglaan at kaginhawaan sa iyong araw-araw na buhay.
Ang (Diosmin + Hesperidin) Daflon® 1000 ay isang epektibong oral na lunas upang maalis ang kirot sa bahagi ng binti.
REFERENCES
-
Relief and prevention of heavy legs | Uniprix - Uniprix https://www.uniprix.com/en/tips/1/health/relief-and-prevention-of-heavy-legs#:~:text=What%20causes%20heavy%20legs%3F,is%20impaired%2C%20causing%20the%20heaviness.
-
Heavy legs: Causes, home remedies, and relief (medicalnewstoday.com) https://www.medicalnewstoday.com/articles/321670
-
Leg Heaviness: What Causes It? What Are the Best Treatments? | Vein Center in Walnut Creek, Brentwood, and Oakland (bassmedicalgroup.com) https://www.bassmedicalgroup.com/vein-center-blog/leg-heaviness-what-causes-it-what-are-the-best-treatments#:~:text=Whenever%20you%27re%20able%20to,you%20sit%20or%20lie%20down
-
Ice Packs vs. Warm Compresses For Pain - Health Encyclopedia - University of Rochester Medical Center https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=85&contentid=p00918
-
Compression socks: What are they and who needs them?| Healthy You (riversideonline.com) https://www.riversideonline.com/patients-and-visitors/healthy-you-blog/blog/c/compression-socks-what-are-they-and-who-needs-them#:~:text=Compression%20socks%20%E2%80%93%20or%20compression%20stockings,%2C%E2%80%9D%20explains%20a%20Riverside%20provider.
-
14 Ways to Give a Leg Massage — and When Not To (healthline.com) https://www.healthline.com/health/leg-massage#for-yourself
-
Contrast Bath Therapy: Hydrotherapy, Benefits of Contrast Bath, and More (webmd.com) https://www.webmd.com/pain-management/what-is-a-contrast-bath
-
What Is Leg Pain? Symptoms, Causes, Diagnosis, Treatment, and Prevention (everydayhealth.com) https://www.everydayhealth.com/leg-pain/guide/#:~:text=injured%20your%20leg-,Medication%20Options,such%20as%20aspirin%20or%20ibuprofen.
2025