10/7/2022

Mga Bawal Sa Almoranas

Ano ang mga bawal sa almoranas?

  1. Pag-inom ng kape at alak
  2. Kulang sa pag-inom ng tubig
  3. Masobrahan sa pagkaing low-fiber
  4. Umupo o dumumi nang masyadong matagal
  5. Magbuhat ng mabibigat na bagay
  6. Makipagtalik sa pwet

Kapag ikaw ay nakakuha ng almoranas, dapat ay mag-ingat upang hindi na ito  lumalala. Alamin kung ano ang mga bawal sa almoranas at simulan na agad na iwasan  ang mga ito. Kailangang gumawa ng pagbabago sa iyong mga pang-araw-araw na gawi  para mas mabilis na gumaling mula sa sakit.

Maraming mga bagay ang maaaring magpalala ng almoranas. Kasama na dito ang  iilang pagkain at mga gawain natin. Kung hindi natin ito iiwasan, matagal gagaling ang  almoranas kahit pa tuloy-tuloy ang pag-inom ng mabisang gamot. Para sa iyong  kaalaman, naghanda kami ng listahan ng mga dapat iwasan kapag may almoranas.

Pag-inom ng kape at alak

Ang caffeine na matatagpuan sa kape ay may epekto sa ating bituka. Nagbabago ang  paggalaw ng bituka kaya madalas nating nararamdaman na kailangan nang dumumi  pagkatapos uminom ng kape. Dahil rin dito, maaaring makasama ang kape sa  almoranas.1 Napapadalas lalo ang ating pagdumi, at maaari pa ngang makadulot ng  diarrhea. Kung madalas dumumi, tataas and presyon sa mga ugat sa pwet at lalala ang  almoranas.2 Ang alak naman ay nakakasama rin sa almoranas. Natural na nakaka-dehydrate ang  pag-inom ng alak. Kapag nangyari ito, mas nahihirapan ang ating katawan na labanan  ang mga sakit tulad ng almoranas, at naaapektuhan din ang ating digestive system.8 Nakakadulot din ng constipation ang dehydration. Bukod pa dito, nakakataas ng blood  pressure o BP and pag inom ng alak. Makakadagdag ito sa presyon sa ugat sa pwet,  kaya lalala ang almoranas.9

Kulang sa pag-inom ng tubig

Ang lunas sa almoranas ay pag-iwas din sa constipation o pagtitibi. Isang mabisang  paraan para magawa ito ay ang pag-inom ng sapat na tubig arawaraw. Dapat ay aabot  ng mahigit 8 na baso ng tubig ang naiinom kada araw para maiwasan ang pagtitibi at  gumaling nang mas mabilis.1 Nakakatulong din sa malusog na digestive system ang  palaging pag-inom ng tubig. Kung malusog ang sistemang panunaw, malusog din ang  pagdumi at hindi magpapalala sa almoranas.

Bukod sa pag-inom ng sapat na tubig, dapat rin umiwas sa mga nakakadulot ng  dehydration tulad ng alak.

Masobrahan sa pagkaing low fiber

Isa pang paraan para makaiwas sa pagtitibi ay ang pagkain ng mga mayayaman sa  fiber. Ang fiber ay ang nagpapalambot ng ating dumi at tumutulong sa proseso ng  pagdumi. Ang pagbago sa iyong mga kinakain araw-araw ay lubos na makatutulong sa  paggaling ng almoranas.

Kung masobrahan naman ang mga low-fiber na pagkain ay maaaring magkaron ng  problema sa pagdumi o pagtitibi.3 Mas lalo tayong iiri sa pagdumi at mas lalala ang  almoranas. Tingnan ang iilan sa mga pagkaing mababa sa fiber na dapat iwasan muna: 

  • Fast food4
  • Karne4
  • Mga processed na pagkain4
  • Mga frozen na pagkain4
  • Ice cream4
  • Cheese4

At ang mga pagkain namang maraming fiber ay mga cereal, mga prutas tulad ng mga  peras, mansanas, at raspberries, at mga gulay tulad ng patatas, kalabasa, at green  beans.

Kung may pagdurugo nang nangyayari, ang pagkain ng mga maaanghang na pagkain  ay maaaring makapag-irita sa mga sugat. Ngunit dapat tandaan na hindi nakakadulot  ng almoranas ang pagkain ng maaanghang na pagkain.

Umupo o dumumi nang masyadong matagal

Tuwing tayo ay dumudumi, nagkakaroon ng dagdag na presyon sa ating mga ugat.  Minsan, tayo rin ay umiiri upang mailabas ang lahat. Dahil ang almoranas ay  pamamaga ng ugat sa pwet, ang masyadong matagal na pagdumi o pag-upo ay hindi  makabubuti dito.6Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng almoranas ang  mga tao, kaya kung ipagpapatuloy mo ang ganitong gawain habang may almoranas ka  na ay siguradong hindi agad gagaling ang sakit. Kasama na rin dito ang pagpipigil ng  pagdumi. Maaari pa ngang magkaroon ng komplikasyon dahil dito.

Magbuhat ng mabibigat na bagay

Dapat iwasan ang pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay dahil ito ay nakakapwersa  sa buong katawan, kasama ang mga ugat sa rectum o loob ng pwet.6Ito ang isa sa  mga halimbawa kung paano maaring makadagdag sa pwersa sa almoranas ang mga  gawain na walang kinalaman sa pagdumi.

Key Takeaway

Ang almoranas ay madalas na hindi lumalala at gumagaling lang ng kusa. Ang mga  nakalistang pagkain at gawain na mga bawal sa almoranas ay dapat na iwasan para  hindi magkaroon ng komplikasyon. Maaari ring umiwas sa mga nabanggit kahit wala  pang almoranas upang mapigilan ang pagkakaroon nito.

Kung may almoranas ka na, isabay sa pag-iwas sa mga bawal ang pag-inom ng mga  mabisang gamot laban sa almoranas. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon 1000) ay isang  gamot na nakakapagpagaling sa mga ugat at almoranas. Ito ay matatagpuan sa mga  botika o drugstore sa buong bansa. Kung may mga katanungan, maaaring basahin ang  aming sagot sa mga FAQs, o icontact kami sa e-mail na medinfo.ph1@servier.com.

2023