Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000). Para sa Pagpapaginhawa at Pag-iwas sa Sakit na Almoranas.
Paano gumagana ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)?
Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang iniinom na venoactive na gamot na lumulutas sa ugat na problema ng almoranas sa pamamagitan paggamot sa mga ugat na bumubuka at namamaga tuwing may sumpong ng almoranas. 1
Mabilis na gumagana ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) para gamutin ang almoranas sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga nauugnay na palatandaan at sintomas ng sakit at maaari ring palakasin ang pangkalahatang tono ng iyong mga ugat, na tumutulong na mapabuti ang daloy ng dugo at bawasan ang pagbara/pagipon sa ugat para sa pangmatagalang paggamot ng almoranas. 1
Ginawa para sa mas mabilis na pagpasok sa katawan at pagpapaginhawa ng sintomas
Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay napatunayan sa klinika, mabisa iniiom na gamot mula sa mga natural na sangkap at espesyal na ginawa para sa mataas na pagpasok ng gamot sa katawan.
Ang pinahusay na pagpasok sa katawan na ito ay nangangahulugan na ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay maaaring mabilis na makarating sa ugat ng problema upang mabisang mabawasan ang tagal, lakas at pag-ulit ng mga atake ng almuranas, na may iba't ibang opsyon sa pag-inom para sa mabilis na akson ng gamot sa mga biglaang atake, o patuloy na pagpapanatili ng pagbuti ng kondisyon upang maiwasan ang paulit-ulit na sakit na almoranas. 2
Mabilis na Kaginhawaan
Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay napatunayan sa klinika na mabilis at epektibong gumagamot sa mga atake ng almoranas para sa agarang ginhawa. 1 , 2 Sa loob lamang ng dalawang araw, 42% ng mga gumamit ay nagpakita ng pagbawas sa kanilang mga sintomas at sa loob lamang ng tatlong araw, 80% ang nag-ulat na huminto ang kanilang pagdurugo. Pagkatapos ng isang linggo, karamihan sa mga pasyente ay nag-ulat na ang kanilang mga sintomas, kabilang ang pagdurugo, pananakit at paglabas ng likido ay nalutas na.
Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay maaari ding gamitin ng hanggang dalawang buwan upang gamutin ang malubha at paulit-ulit na almoranas. Sa isang tableta lamang sa isang araw, 71% ng mga gumamit ang nag-ulat ng mas kaunting mga pagkakataon ng mga pag-ulit ng atake ng almoranas. 5
Mabilis na Kaginhawaan para sa matinding Almoranas
Sa ika-2 araw
42% ng mga pasyente ay nakaranas ng banayad na pagbawas ng mga sintomas
Sa ika-3 araw
80% ng pasyente ay tumigil ang pagdurugo 2
Sa ika-7 araw
94% ng pasyente ay tumigil ang pagdurugo 2
84% ng pasyente ay tumigil ang pananakit 4
81% ng pasyente ay tumigil ang paglabas ng likido 4
Patuloy na paggamot para sa Paulit-ulit na Almoranas
Sa ika-2 buwan
31% Hindi gaanong malubhang sintomas
43% Mas maikli ang tagal ng mga sintomas
71% Mas kaunting pag-uulit ng sintomas
Natural ang pinanggalingan, ginawa ng siyensya
Ang aktibong sangkap sa Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay isang micronized purified flavonoid fraction (MPFF) 6 na naglalaman ng 90% diosmin at 10% iba pang flavonoid na ipinahayag bilang hesperidin.
Ang mga flavonoid ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay kinukuha mula sa hindi pa hinog na mga dalandan na mayaman sa mga natural na kemikal ng halaman na ito. Ang mga timplada ay sumasailalim sa proseso ng paglilinis at pagpipino kung saan ang mga butil ay ginawang magbanggaan sa isa't isa sa mataas na bilis (micronization), na pinapaliit ang butil na mas mababa sa 2 μm ang laki (micronized). Ang mas maliliit na butil na ito ay nakukuha ng dalawang beses nang mas madali ng katawan at ito ay ang isang pangunahing dahilan sa bisa ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) bilang gamot para sa pagpapabuti ng kalusugan ng ugat at tono sa Chronic Venous Insufficiency at Almoranas. 6
Impormasyong pangkaligtasan:
Impormasyong Pangkaligtasan ng Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000mg
KOMPOSISYON: Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000: Micronized, purified flavonoid fraction 1000 mg: 900 mg diosmin; 100 mg flavonoids na ipinahayag bilang hesperidin.
MGA INDIKASYON: Pang lunas sa mga sintomas ng malubhang venous disease sa ibabang bahagi ng binti, tulad ng pakiramdam ng pamimigat ng binti, pananakit, at pulikat sa gabi. Pang lunas sa malubhang sumpong ng almoranas.
DOSAGE AT ADMINISTRASYON: Para sa venous disease: 1000mg araw-araw. Para sa malubhang sumpong ng almoranas: 3000mg sa isang araw sa unang apat na araw, 2000mg kada araw sa sumunod na 3 araw. Paraan ng paggamot: pag-inom.
KONTRAINDIKASYON: Hypersensitivity sa aktibong sangkap o sa alinman sa mga di aktibong sangkap nito.
MGA BABALA: Ang pangangasiwa ng produktong ito para sa sintomas ng malubhang sumpong ng almoranas ay hindi humahadlang sa paggagamot ng iba pang mga kondisyon ng puwet. Kung ang mga sintomas ay hindi humupa kaagad, ang pagpapasuri ng puwet ay dapat gawin, gayun din ang pagsusuri ng paggagamot. Excipients: sodium-free.
PAGBUBUNTIS / PAGPAPASUSO: Dapat iwasan ang paggamot.
MGA HINDI KANAIS-NAIS NA EPEKTO: Karaniwan: pagtatae, dyspepsia, pagduduwal, pagsusuka. Bihira: pagkahilo, sakit ng ulo, masamang pakiramdam, pantal, pangangati ng puwet (pruritus), tagulabay (urticaria). Hindi alam ang dalas: pananakit ng tiyan, piling pamamaga ng mukha, labi, at talukap ng mata. Madalang ang Quincke’s edema.
KATANGIAN: Vascular protector at venotonic. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 1000 ay kumikilos sa pabalik na mekanismo ng ugat: binabawasan nito ang pagluwag at pag-ipon ng likido sa ugat; sa maliliit na ugat, binabalik sa normal ang pagiging matagusin at tibay ng mga maliliit na ugat.
PRESENTATION: Pakete ng 30 film-coated na tableta
PAG-IMBAK: Ilagay sa lugar na may temperature na hindi hihigit sa 30°C.
SERVIER PHILIPPINES, INC. Unit AD, 11th Floor, 8 Rockwell, Hidalgo Drive, Rockwell Center, Makati City, 1210.
Maaring hilingin ang karagdagang impormasyon.
Impormasyong Pangkaligtasan ng Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500mg
KOMPOSISYON: Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500: Micronized, purified flavonoid fraction 500 mg: 450 mg diosmin; 50 mg flavonoids na ipinahayag bilang hesperidin.
MGA INDIKASYON: Pang lunas sa mga sintomas ng malubhang venous disease sa ibabang bahagi ng binti, tulad ng pakiramdam ng pamimigat ng binti, pananakit, at pulikat sa gabi. Pang lunas sa malubhang sumpong ng almoranas.
DOSAGE AT ADMINISTRASYON: Para sa venous disease: 1000mg araw-araw. Para sa malubhang sumpong ng almoranas: 3000mg sa isang araw sa unang apat na araw, 2000mg kada araw sa sumunod na 3 araw. Paraan ng paggamot: pag-inom.
KONTRAINDIKASYON: Hypersensitivity sa aktibong sangkap o sa alinman sa mga di aktibong sangkap nito.
MGA BABALA: Ang pangangasiwa ng produktong ito para sa sintomas ng malubhang sumpong ng almoranas ay hindi humahadlang sa paggagamot ng iba pang mga kondisyon ng puwet. Kung ang mga sintomas ay hindi humupa kaagad, ang pagpapasuri ng puwet ay dapat gawin, gayun din ang pagsusuri ng paggagamot. Excipients: sodium-free.
PAGBUBUNTIS / PAGPAPASUSO: Dapat iwasan ang paggamot.
MGA HINDI KANAIS-NAIS NA EPEKTO: Karaniwan: pagtatae, dyspepsia, pagduduwal, pagsusuka. Bihira: pagkahilo, sakit ng ulo, masamang pakiramdam, pantal, pangangati ng puwet (pruritus), tagulabay (urticaria). Hindi alam ang dalas: pananakit ng tiyan, piling pamamaga ng mukha, labi, at talukap ng mata. Madalang ang Quincke’s edema.
KATANGIAN: Vascular protector at venotonic. Ang Diosmin + Hesperidin (Daflon®) 500 ay kumikilos sa pabalik na mekanismo ng ugat: binabawasan nito ang pagluwag at pag-ipon ng likido sa ugat; sa maliliit na ugat, binabalik sa normal ang pagiging matagusin at tibay ng mga maliliit na ugat.
PRESENTATION: Pakete ng 30 film-coated na tableta
PAG-IMBAK: Ilagay sa lugar na may temperature na hindi hihigit sa 30°C.
SERVIER PHILIPPINES, INC. Unit AD, 11th Floor, 8 Rockwell, Hidalgo Drive, Rockwell Center, Makati City, 1210.
Maaring hilingin ang karagdagang impormasyon.
Mga Reperensiya
- Shelygin Y, Krivokapic Z, Frolov SA, et al. Clinical acceptability study of micronized purified flavonoid fraction 1000 mg tablets versus 500 mg tablets in patients suffering acute hemorrhoidal disease. Curr Med Res Opin. 2016;32(11):1821-1826.
- Misra MC, Parshad R. Randomized clinical trial of micronized flavonoids in the early control of bleeding due to acute internal hemorrhoids. Br J Surg. 2000;87:868-872.
- Garner RC, Garner JV, Gregory S, Whattam M, Calam A, Leong D. Comparison of the absorption of micronized (Daflon 500 mg) and nonmicronized 14C-diosmin tablets after oral administration to healthy volunteers by accelerator mass spectrometry and liquid scintillation counting. J Pharm Sci. 2002;91:32-40.
- Cospite M. Double-blind, placebo-controlled evaluation of clinical activity and safety of Daflon 500 mg in the treatment of acute hemorrhoids. Angiology. 1994;45:566-573.
- Godeberge P. Daflon 500mg is significantly more effective than placebo in the treatment of hemorrhoids. Phlebology. 1992;7(suppl 2):61-63.
- Summary of Product Characteristics Daflon 7. Greenspon. Thrombosed external hemorrhoids: outcome after conservative or surgical treatment J.Dis Colon Rectum 2004. 47(9):1493-8.
2024