Varicose Veins

Pagiwas sa Chronic Venous Disease

Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease

3/27/2025

Pag-aalaga sa Iyong Ugat: Mga Tips Para sa Venous Disease Habang Buntis

Overview

  • Sa panahon ng pagbubuntis, ang venous disease ay maaaring magdulot ng hindi komportable at pamamaga dahil sa mahinang daloy ng dugo sa mga binti.
  • Upang maibsan ang mga sintomas, makakatulong ang mga paraan tulad ng pagsusuot ng compression stockings, pagtaas ng mga binti, regular na low-impact na ehersisyo, at pagpapanatili ng tamang timbang upang mapabuti ang sirkulasyon at mabawasan ang pamamaga.
  • Ang mga gamot tulad ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) ay maaaring makatulong sa kalusugan ng iyong mga ugat.

 

Introduction

Maraming pagbabago ang nagaganap sa iyong katawan habang buntis ka. Bukod sa kasiyahan ng pagdating ng iyong baby, may mga hamon din itong dala sa iyong katawan. Isa sa mga maaaring maranasan ay ang problema sa ugat sa binti, kung saan nahihirapan ang iyong mga ugat na magbalik ng dugo papunta sa iyong puso, kaya naiipon ang dugo sa iyong mga ugat1.

Dahil dito, maaari kang makaranas ng discomfort, pamamaga, at varicose veins. Bagama’t nakakairita ito, may ilang paraan para maibsan ang sintomas ng venous disease habang buntis, at ang maagang aksyon ay makakatulong upang mapagaan ang pakiramdam at maiwasan ang komplikasyon2.

Isa sa mga mabisang lunas ay ang paggamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000), isang oral treatment na tumutulong na palakasin ang iyong mga vein walls, bawasan ang pamamaga, at pagandahin ang daloy ng dugo. 

Alamin natin ang ilang mga pamamaraan upang mapadali iyong pagbubuntis habang inaalagaan ang iyong katawan.

 

buntis na nagsusuot ng compression stockings

Magsuot ng Compression Stockings

Ang mga compression stockings ay dinisenyo upang maingat na pisilin ang iyong mga binti. Nakakatulong ito sa pagpapabuti ng daloy ng dugo at pag-iwas na maipon ito sa iyong mga ugat. Ito ay magandang gamitin habang ikaw ay buntis, dahil ang lumalaki mong uterus ay nakakadagdag ng pressure sa mga ugat sa ibabang bahagi ng iyong katawan. Nagiging sanhi ito ng mas madaling pagkapit ng varicose veins at pamamaga ng mga binti sa mga buntis3.

Ang magandang balita ay may mga maternity compression stockings na mabibili, na partikular na dinisenyo upang i-accommodate ang lumalaking tiyan habang nagbibigay ng tamang suporta para sa mga binti at sakong4

Upang makuha ang pinakamataas na benepisyo mula sa compression stockings, mahalagang isuot mo ito nang regular. Maaari mong simulan ang pag-suot nito paggising mo sa umaga at panatilihin ang pagsuot  nito buong araw. Tanggalin mo lamang ito bago matulog, dahil ang paghiga ay natural na nagpapabawas ng pressure sa mga ugat5.

 

buntis na nakataas ang binti sa mesa

Itaas ang Iyong Mga Binti

Kapag inaangat mo ang iyong mga binti nang mas mataas kaysa sa iyong dibdib, tinutulungan ng gravity ang pagpapabuti ng daloy ng dugo at pinipigilan itong maipon sa iyong mga binti. Binabawasan nito ang pressure sa iyong mga ugat at nagbibigay ginhawa mula sa strain na dulot ng lumalaking tiyan6.

Maaari mong ipatong ang iyong mga binti sa mga unan habang nakahiga sa kama o sofa. Dahil sa lumalaking tiyan, mahalaga na makahanap ka ng komportableng posisyon. Maaaring subukang humiga sa iyong kaliwang bahagi at itaas ang iyong mga binti, dahil binabawasan nito ang pressure sa mga pangunahing ugat sa iyong tiyan at nagpapabuti ng daloy ng dugo.

Kung ikaw naman ay nakaupo, maaari kang gumamit ng isang stool, ottoman, o stack ng mga unan upang mapanatili ang iyong mga nakataas na binti. Mainam na itaas ang mga ito ng ilang beses sa isang araw, kahit 15-20 minuto bawat session. Maraming mga buntis ang nagsasabing nakakatulong ito lalo na pagkatapos nang matagal na pagtayo o paglalakad7.

 

buntis na nagehersisyo

Gawin ang Mga Low-impact Exercises

Hindi kailangan ng matinding pagpapawis upang masabing matagumpay ang iyong exercise. Para sa mga buntis na may venous disease, ang mga low-impact exercises tulad ng paglalakad  sa paligid ng inyong village, pag-swimming, at prenatal yoga ay makakatulong sa pagpapabuti ng daloy ng dugo at sa pagpapagaan ng mga sintomas tulad ng pamamaga at bigat sa mga binti. Siguraduhin lamang na kumonsulta sa inyong doktor bago magsimula ng anumang ehersisyo upang matiyak na ligtas ito para sa inyo at sa inyong baby8.

 Ang maganda sa mga low-impact exercises ay maaari mo itong gawin ayon sa inyong kakayahan. P’wede kang maglaan ng 20-30 minute exercises. Kapag nakaramdam ka nang pagod, magpahinga at uminom ng maraming tubig.

 

buntis na nasa timbangan

Panatilihin ang Tamang Timbang

Ang sobrang pagdagdag ng timbang ay maaaring magdulot ng dagdag pressure sa iyong mga ugat, kaya't mahirap ang pagdaloy ng dugo pabalik sa puso at maaaring magpalala ng iyong mga sintomas sa venous disease. 

Para ma-manage mo ang iyong timbang, mag-focus sa pagkain ng balanced diet gaya ng prutas, gulay, lean proteins, at healthy fats. Ang mga ito ay nagbibigay ng mahalagang nutrients para sa paglaki ng iyong baby at nagpapanatili nag malusog na daloy ng dugo9.

Isaalang-alang din ang portion control, dahil ang pagkain para sa dalawa ay hindi nangangahulugang kailangan mong doblehin ang iyong pagkain. Mag-ingat sa calorie intake at iwasan ang sobrang alat, na maaaring magdulot ng retention ng tubig at magpalala ng pamamaga ng binti10

 

buntis na nakahiga sa kaliwang bahagi ng katawan

Matulog sa Iyong Left Side

Ang posisyon na ito ay nakakatulong sa pagpapabuti ng daloy ng dugo sa pamamagitan ng pagbabawas ng pressure sa inferior vena cava, na isang malaking ugat sa kanang bahagi ng iyong katawan na nagdadala ng dugo pabalik sa iyong puso. Kapag natutulog ka sa iyong kaliwang bahagi, nababawasan ang strain sa ugat na ito, kaya't mas napapalakas ang daloy ng dugo, na nakakatulong sa pagbawas ng pamamaga at panganib ng varicose veins11.

 Nakakatulong din ito sa mas maayos na pagdaloy ng dugo at nutrients sa iyong baby at kidneys, na nakakatulong sa pagbabawas ng retention ng tubig at pamamaga ng iyong mga binti at paa12.

Maaari kang maglagay ng unan sa pagitan ng iyong mga tuhod o ilalim ng iyong tiyan para sa suporta. May mga maternity pillows para dito. Kung ikaw ay sanay nang matulog sa iyong likod o kanan, maaaring magtagal ang adjustment, pero ang mga benepisyo nito para sa mabisang pag daloy ng dugo at kalusugan sa pagbubuntis ay sulit na paghirapan.

 

Key Takeaway

Upang maibsan ang mga sintomas ng venous disease habang ikaw ay buntis, ang pagsasama ng malusog na mga pagbabago sa iyong lifestyle at treatments ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago. Isama ang paggamit ng Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000) sa iyong routine.

Laging tandaan na kumonsulta sa iyong doktor bago magsimula ng anumang bagong gamot o ehersisyo upang matiyak na ito ay ligtas para sa iyo at sa iyong baby. Sa tamang pangangalaga at suporta, maaari mong maiwasan ang mga komplikasyon at mapanatiling malusog pati na rin ang iyong sanggol lalo na sa panahong ito13.

REFERENCES

  1. https://pmc.ncbi.nlm.nih.gov/articles/PMC10301529/
  2. https://www.phlebolymphology.org/chronic-venous-disease-during-pregnancy/
  3. https://www.webmd.com/dvt/choose-compression-stockings
  4. https://www.webmd.com/baby/compression-socks-benefits-during-pregnancy
  5. https://www.medi.de/en/faq/compression-garments/pregnancy/
  6. https://www.healthline.com/health/elevating-legs#:~:text=You%20can%20use%20leg%20elevation,legs%20before%20trying%20leg%20elevation.
  7. https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/23331-varicose-veins-in-pregnancy
  8. https://theveininstitute.com/8-tips-on-alleviating-varicose-vein-discomfort-during-pregnancy/#:~:text=Regular%20exercise%20is%20another%20vital,might%20help%20avoid%20varicose%20veins.
  9. https://veinreliever.com/5-things-know-pregnancy-varicose-veins/#:~:text=Change%20Your%20Diet,have%20a%20lot%20of%20salt.
  10. https://www.ukveinclinic.com/blog/5-recipes-to-help-prevent-varicose-veins-during-pregnancy#:~:text=Unfortunately%2C%20the%20majority%20of%20pregnant,to%20manage%20your%20blood%20circulation.&text=Pregnant%20or%20not%2C%20everybody%20craves,so%20take%20that%20second%20helping
  11. https://www.veinenvy.com/blog/how-to-sleep-with-varicose-veins
  12. https://www.babycenter.com/pregnancy/your-body/varicose-veins-during-pregnancy_271
  13. https://www.mintstl.com/blog/7-tips-to-avoid-varicose-veins-during-pregnancy

2025