Mabibigat, Masakit at Namamagang Binti
Sanhi at Sintomas ng Chronic Venous Disease
Pagiwas sa Chronic Venous Disease
7/27/2023
Nasa Bahay Pero Mabigat, Masakit at Namamaga ang Binti Dulot ng CVD?
Ang pagkakaroon ng venous insufficiency ay lalong nagiging malala kung ang isang tao ay may sedentary lifestyle, o araw-araw namumuhay nang walang anumang aktibidad.
Ang venous insufficiency ay isang kondisyon kung saan may problema sa mga ugat sa kaniyang katawan, partikular sa mga ugat sa kaniyang binti. Ang sakit na ito’y patuloy na lumalala. Ang pabalik-balik na pagdaloy ng dugo at ang pagtigas nito sa mga peripheral veins ay nagdudulot ng mabigat at nakakapagod na pakiramdam, pamamaga, panunuyo, at kirot na lalong lumalala tuwing tag-init. Maaari rin itong humantong sa mas delikadong mga sintomas tulad ng venous ulcer.
Ang pagkakaroon ng venous insufficiency sa mga binti o paa ay nagpapakita ng iba’t-ibang anyo, tulad ng varicose veins at spider veins, habang ang pamamaga at dermatitis mula sa venous statis o ulcer ay nagpapahiwatig na nasa malalang kondisyon na ang venous insufficiency.
Maaari mong makita ang iba't ibang yugto dito.
Mga tips para sa mga taong may venous insufficiency at nasa kani-kanilang bahay:
- Iwasan ang matagal na pag-upo. Kung hindi mo ito maiiwasan, gumamit ng compression stockings.
- Kung ikaw ay nagtatrabaho sa bahay at nakaupo sa harap ng mesa ng ilang oras, tumayo at maglakad-lakad ng madalas. Iwasan mo rin ang pag dekwatro ng mga binti, at gumamit ng patungan ng paa.
- Isama mo ang pag-eehersisyo sa iyong araw-araw na gawain. Tandaan lagi na ang paglalakad, pagtakbo, at pagbi-bisikleta ay nakakatulong sa daloy ng iyong dugo sa mga ugat.
- Ipahinga ang iyong mga paa sa mataas na posisyon ng 2-4 beses sa isang araw ng ilang minuto.
- Iwasan ang pagsusuot ng mga masisikip na damit na nakakaapekto sa magandang daloy ng iyong dugo sa mga ugat.
Ang mga kababaihan na mayroong venous insufficiency ay mas nakakaramdam ng pagkabalisa dahil sa hormonal changes at pagbabago sa kanilang katawan.
Kasama ng mataas na temperatura sa kanilang mga katawan, mas bumubuka ang kanilang mga ugat kaya’t hindi madaling nakakabalik ang dugo sa puso. Ito ay naiipit sa mga ugat ng binti dahil sa hindi kumpleto and hangin nito. Nagiging rason ito upang mamaga ang mga ugat at makaramdam ka ng mga sintomas tulad ng dermatitis, eczema, at mga sugat sa balat.
Para sa paggamot ng mga sintomas ng venous disease, mas mainam na gumamit ng angkop na gamot para rito bukod sa pagbabago ng iyong lifestyle.
Isa sa mga binibigay ng mga doktor ay ang flavonoids. Ang mga ito ay nagpapabuti sa kalusugan ng mga ugat upang maging maganda ang daloy ng dugo, para maibsan ang pakiramdam nang pamimigat ng mga binti, pagkapagod, pamamaga at kirot dulot ng venous insufficiency.
REFERENCES
- Young J. et al., Pubmed, Korean J Intern Med. 2019;34(2):269-283.
2024