Almoranas

Pagiwas sa Almoranas

10/7/2022

Mga Tamang Pagkain Para Sa Almoranas

Ano ang mga tamang pagkain para sa almoranas?

  1. Beans
  2. Lentils
  3. Cereals
  4. Oatmeal
  5. Peras
  6. Mansanas

Kung naranasan mo nang magka-almoranas, narinig mo na rin siguro ang iba’t-ibang payo tungkol sa anong dapat iwasan upang mabilis gumaling ang almoranas. Marahil ay nakarinig ka na rin ng mga iba’t-ibang opinyon tungkol sa kung ano ang tamang pagkain para sa almoranas. Minsan nakakalito na ang iba’t-ibang nakukuhang impormasyon, kaya’t nagsaliksik kami kung ano nga ba talaga ang mga tamang pagkain para sa almoranas.

Ang almoranas ay isang hindi kanais-nais na kondisyon dahil sa naidudulot nitong pananakit, pagdurugo, at iba pang mga sintomas sa maselang parte ng ating katawan. Nangyayari ito dahil sa pamamaga ng mga ugat sa loob o labas ng puwetan. Para mapabilis ang paggaling dito, importanteng kumain ng tamang pagkain.

Ang pinakamakabubuting pagkain para sa mga may almoranas ay ang mga pagkaing maraming fiber. Ito ay isang carbohydrate na nakakatulong magpalambot ng ating dumi. Kinakalahati din nito ang pagdurugo at pagbabalik ng almoranas pagkatapos gumaling.6

May dalawang uri ng fiber na mainam sa almoranas

Soluble fiber:

Ang ganitong klase ng fiber ay natutunaw sa tubig at nagiging malapot habang tinutunaw ng katawan. Pinapabagal nito ang proseso upang lubusang matunaw ang pagkain sa bituka. Sa ganitong paraan, mas magiging malambot ang dumi at madaling ilabas. Nakakatulong din ito laban sa mga sakit sa puso.1/3

 

Insoluble fiber:

Ito naman ay hindi natutunaw sa tubig. Dumadagdag ang insoluble fiber sa kabuuhan ng ating dumi. Tumutulong ito sa pagpapabilis ng pagdaan ng pagkain sa bituka at binabalanse ang mga kemikal dito.1/3

Mahalaga ang dalawang klase ng fiber sa ating kalusugan at karamihan ng mga pagkaing mataas ang “fiber content” ay mayroon nito. Para sa almoranas, mabuti nang makakuha ng 25 hanggang 30 grams ng fiber araw-araw.1 Kung gusto mong malaman kung anong mga pagkain ang makakapagbigay nito, basahin ang aming listahan sa ibaba.

 

MGA LEGUME

mga legume para sa almoranas

Ang mga legume ay mga buto ng mga halaman sa Fabaceae family na pwedeng kainin. Kilala sila bilang mayaman sa fiber, lalo na ang soluble fiber.2 Narito ang iilang mga legume na dapat kainin kapag may almoranas:

 

Beans

Maraming putahe ang hinahaluan ng beans bilang sangkap, kaya madaling makuha ang sangkap na beans. Ang kalahating cup ng beans, depende sa klase, ay makapagbibigay ng 7 hanggang 10 grams ng fiber.1 Ang 100g naman ng navy beans ay may 4.3g ng dietary fiber at ang pinto beans ay may 4.1g.7/8

 

Lentils

Ang lentils naman ay nakakapagbigay ng mas malaking halaga ng dietary fiber para sa katawan. Ang 100g ng lentils ay makakapagbigay ng 7.9g ng dietary fiber.4 Ang isang cup naman ng lutong lentils ay maaaring umabot sa 16g ng fiber ang maibigay.2

Ang iba pang mga uri ng legume ay ang mga almond, nuts, chickpeas, soybeans, at iba pa. Isama sa iyong diet ang mga ito upang makatulong sa almoranas.

 

MGA WHOLE GRAIN

whole grain para sa almoranas

Ang isa pang uri ng pagkain na makakakuha ng kinakailangang fiber ay ang mga whole grain. Mas mayaman ang mga pagkaing ito sa insoluble fiber na nagpapabilis at nagpapaayos ng daloy ng pagdumi. Dahil dito, mababawasan ang nararamdamang pananakit dahil sa almoranas kapag dumudumi.2 Ito ang iilang mga whole grain na pagkain na dapat idagdag sa diet habang may almoranas:

 

Cereals

Ang mga cereals ay kilalang pagkain para sa almusal dahil mataas ang fiber content nito. Ang kalahating cup ng high-fiber bran cereal ay umaabot sa 14g ng fiber na naibibigay.5

 

Oatmeal

Ang oatmeal naman ay hindi lang nagtataglay ng maraming fiber, nakakatulong din ito para sa mga sintomas ng almoranas. Mayroon itong klase ng fiber na tinatawag na beta-glucan na nakakatulong sa mga nakabubuting bacteria sa loob ng iyong tiyan. Sa bawat 40g naman nito, makakakuha ka ng 5 grams ng fiber kung dry oats at 4 grams naman kung luto.2

Ang iba namang mga whole grain na pagkain ay ang mais, barley, brown rice, at oats.2

 

MGA PRUTAS

prutas para sa almoranas

Hindi na nakagugulat na maaaring makakuha ng mga mahahalagang nutrients sa mga prutas. May mga prutas rin na mayaman sa fiber na tiyak na makatutulong sa iyong almoranas. Ito ay ang mga sumusunod:

 

Peras

Hindi alam ng karamihan na mayaman din sa fiber ang mga peras. Ang isang peras ay nakabibigay ng 6 na gramo ng fiber. Huwag balatan ang peras bago kainin dahil nasa balat nito ang karamihan ng fiber na makakatulong laban sa almoranas.2

 

Mansanas

Ang mga mansanas naman ay may halos 5 na gramo ng fiber. Katulad ng peras, mas mabuting hindi ito balatan bago kainin. May klase ng fiber din ito na tinatawag na pectin na mas lalong tumutlong sa pag papalambot ng dumi.2

Ang iba namang mga prutas tulad ng mga berry, ubas, kamatis, at ibang madadahon na gulay ay mayaman sa flavonoids, mga compound na tumutulong sa paggamot ng almoranas.2

Mga Aral

Iilan lamang ang mga nakalista rito sa maraming mga tamang pagkain para sa almoranas. Sa kabuuhan, kailangan lamang maghanap ng mga pagkaing mayaman sa fiber at sabayan din ng pag-inom ng maraming tubig. Ang ganitong gawi ay magpapadali ng iyong pagdumi at mababawasan ang strain sa iyong almoranas.

Kasama ng pagkain ng tama ay ang pag inom ng mga gamot upang gumaling nang mabilisan. Isa sa mga pinakamabisang gamot sa almoranas ay ang MPFF: Diosmin + Hesperidin (Daflon® 1000)! Ito ay isang MPFF na gamot na nagpapalakas sa mga ugat sa ating puwetan at nagpapagaling ng almoranas. Maaaring bumili nito sa mga botika na malapit sa inyo.

References

  1. https://www.webmd.com/digestive-disorders/best-worst-foods-hemorrhoids
  2. https://www.healthline.com/nutrition/food-for-piles#14.-Stewed-prunes
  3. https://medlineplus.gov/ency/article/002136.htm
  4. https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/172421/nutrients
  5. https://www.niddk.nih.gov/health-information/digestive-diseases/hemorrhoids/eating-diet-nutrition
  6. https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S187878861600031X
  7. https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/747445/nutrients
  8. https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/747441/nutrients

2025